Taika 7

10 7 0
                                    

Saturday ngayon kaya walang pasok sa school pero imbis na maglibot or magpractice ako ay sinesermonan ako ni mommy ngayon. Nalaman nya kasi yung paysigaw ko sa president namin kahit na daw mali sya ay dapat binigyan ko parin sya ng respect, hindi ko dapat sya sinigawan kasi president sya normal student lang daw ako. Tama naman si mommy mas mataas ang pwesto nya he really need to be respected by other students.

"Samantha Elsie Hercum!" Gosh galit na talaga si mommy sa akin. Tinatawag nya lang ako sa second name ko pag galit sya. Dapat nagbubugnot na ako ngayon kasi ayaw ko talagang tinatawag ako ng "Elsie" pero hindi ko masabayan yung galit ni mommy

"I'm sorry mom" sabi ko sabay yuko

"You should know your limits" huhu galit na talaga sya

"Mom nagsorry naman na ako so I think it's okay now"

"One more Samantha Elsie, one more. Kapag ako ay may nalaman pa ng hindi magandang ginagawa mo sa school ay aalisin kita duon or worst aalis tayo ng Taika. We will go back to Europe"

What the? Europe sa lahat ng bahay namin bakit sa Europe pa kami babalik kung sakaling may ginawa na naman ako? Ugh! I knew it alam kasi ni mommy na Ayaw ko sa Europe kaya ayun yung ginawa nyang panakot sa akin para tumino ako. But seriously, eto palang naman ang unang beses ah grabe si mommy sa akin huhu.

Natapos ang araw ko ng puro sermon lang ang natanggap ko kay mommy. Kaloka


Monday na ngayon sobrang bilis talaga ng oras kapag walang pasok. So ayun na nga nandito na ako sa school pero hindi sa classroom yung punta ko kundi sa field. Mayroon daw kasing announcement tungkol sa darating na Magic Festival kaya excited na lahat ng tao, specially ako kasi first time ko yun.

"You all know that we will celebrate the Magic Festival a few weeks from now. So as your Student Council President and Wind power representative I want all of the department to have their own representative. Bago mag Magic Festival ay mag papalit na naman ng President so after this go back to your classes at pagbotohan kung sino ang pipiliin upang tumakbo bilang student council president" oh! So aalis na sya sa pwesto nya hmm sa bagay sabi ni Ana 1 year na rin si Russel bilang president

"For the representative naman. I will be the representative of wind department, Eion Ignacio for the mind readers department" at pagkasabi nya nun naghiyawan yung mga tao specially girls, tss

"Karl Stanley for fore department, Archie Valencia for water department, Kristine Castro for sand department and Rain Monterey for ice department. That's all, go back to your class now" Rain Monterey? Kaano ano nya yun? Monterey? Hmm

Nang nakarating na kami sa classroom ay agad tinawag ni Ms Valdez si Russel upang mamuno sa pagbobotohan namin kung sino ang tatakbo bilang President ng student council.

"Si Jareth nalang, gwapo naman sya president siguradong mananalo sya. Hindi naman lalaban si Eion kaya mayroon syang pagasa. Sa panahon ngayon mukha na yung labanan tsaka famous din naman si Jareth dito sa department" sabi ng isa kong kaklase, well tama sya yung mga tao ngayon binabase na sa mukha yung labanan. Kahit hindi ginagamit yung utak basta maganda or gwapo mananalo.

"Yes, Tama president si Jareth nalang" sang ayon ng isa ko pang kaklase

Ng tignan ko si Russel ay sa akin sya nakatingin. Ano tinitingin tingin mo dyan tusukin ko mata mo e. Tss!

"Kung mukha naman pala yung basehan nyo. Bakit hindi nakang si Samantha, she have the face like an angel. A body,that can seduce everyone. A power that can save your life. A surname that everyone wants. And also Samantha Elsie Hercum is smart so bakit hindi nalang sya" what the hell? Seriously?

"What are you talking about?" Ugh! Bakit ako? Pwede namang si Jareth

"Yeah right pwede si Sam" really? Ana pati ikaw?

"Oo nga pala mayroong Hercum dito lucky us!" Dinig kong sabi ng isa kong kaklase

"So okay na tayo, Samantha will be our representative"

What the f!

"You need to win Sam dahil five years ng sunod sunod na nagmumula sa wind department ang mga naging president" sabi sa akin ni Russel na may pagbabanta sa tono nya.

Ugh! Edi pag hindi ako nanalo kasalanan ko ganon? Sya kaya pumili sa akin di ko naman yun gusto grr! Tska manyak pala si President. A body that can seduce huh?! Tss

"Mayroong meeting sa office mamaya so I hope you'll be there Ms Hercum" sabi nya sa akin

Of course mayroon pa ba akong magagawa? No choice naman diba? Tss

Taika, World of MagicWhere stories live. Discover now