3 days passed nilibot ako ni Eion sa buong Taika. Wala si Miss Anya kaya sya muna daw ang makakasama ko habang kinakabisado ko ang buong Taika. Gaya ng sinabi ang Taika ay parang isang maliit na version ng bansa kaya hindi ito ganon kadaling libutin. Sa tatlong araw na lumipas ay wala kaming ginawa kung hindi libutin ang buong Taika. Tinanong ko kay Eion kung bakit hindi kopa nakikita ang kanyang ina pero ang sabi nya naman ay busy daw ito dahil sa nalalapit na pasukan sa Hercum de Paaralan. Speaking of pasukan first day ko ngayon wahhhhh. Ok ako na excited ang Ganda talaga kasi ng uniform dito hehehe.
Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa dining room kung saan ay mga katulong lang ang nakita ko
"Seniorita pumunta po ang senyora at senyor sa mga Mehiddo upang alukin ang mga tao duon ng trabaho sa inyong mansyon at hardin" sabi sa akin ng isang katulong nabasa nya ata ang reaksyon ko ng makitang ako lamang ang kakain
Tumango lang ako sa kanya at kumain. Pagkatapos kong kumain ay lalabas na sana ako upang pumasok ng nakita ko si Eion sa harap an ng pinto namin
"Pinapasundo ka sa akin ni senyora upang ikaw daw ay mayroong kasama sa paaralan''
"Huh? E kabisado ko naman yun e'' sabi ko sa kanya. Totoo naman e kabisado ko na ang Hercum de Paaralan sa ilang araw ba naman naming naglilibot dito ay nakabisado kona ang ilang lugar
"Oo nga pero madaming studyante ngayon baka maligaw ka lang"
Ok Wala naman akong magagawa kung hindi sumama
Tama nga si Eion maraming studyante dito ngayon. And wow ang ganda talaga ng uniform namin hihihi
''Wind A ang pangalan ng section mo" nabigla naman ako ng biglang nagsalita si Eion sa tabi ko
"Huh? Hindi tayo magkaklase?" tanong ko sa kanya
Kahit naman kabisado ko na yung paaralan syempre wala pa akong kilala bukod sa kanya"Hindi tayo magkapareho ng kapangyarihan kaya hindi tayo magkaklase" sabi naman nya sakin
"Edi ba pareho tayo na pwedeng kumausap gamit ang hangin" totoo naman kaya kong kumausap gamit ang hangin kaya nga sa "wind A" yung section ko e. Noong nakaraan ko lang din nalaman iyon pero alam ko namang mayroon akong kapangyarihan hello mga ninuno ko dating pinuno dito sa Taika kaya mayroon naman akong kapangyarihan kahit papaano hahaha
"Iyon lang ang sayo ngunit ang sa akin ay nakakabasa ako ng isip, ikaw kaya mo ba iyon? Kung kaya mo ay papayag akong maging kaklase ka" Sabi nya sakin
Aba't! Yabang ni kuya kainis! Sa inis ko ay hinanap ko ang section ko at pumasok. Hindi gaya ng normal na classroom dito naman ay mayroong mga pangalan ang mga upuan kaya hinanap ko ang pangalan ko.
"Samantha Hercum" ayun! At dahil isa akong dakilang tsismosa tiningnan ko yung katabi ko
"Ana Dominique" oh babae sya yieee Hahahah
Ilang minuto din ang lumipas at dumating na ang seatmate ko si Ana. Di ko aakalaing sobrang friendly at daldal nya
"OMG ikaw pala yung sinasabi nilang Hercum na nagaaral dito!" Sabi nya sakin
Grabe ang ingay nya talaga promise
"Ah haha oo" yun nalang nasabi ko daldal kasi e
Ilang oras ang lumipas at dumating na ang teacher namin. Si miss Valdez
Nagpakilala lang kami at nagpakita ng kapangyarihan namin. Syempre ginamit ko ang kapangyarihan ko na kausapin sila gamit ang hangin. Si Ana naman bilib na bilib. OA lang? Si Eion nga kaya pang magbasa ng utak ng tao
"Ana C. Dominique from Elite family of Cuales" pakilala ni Ana
Napaalaman ko na ang mommy nya ay isang elite at daddy nya naman ay isang Maige ngunit mayroon silang isang kainan dito sa bayan ng mga elite na pagmamayari ng daddy nyaNagpakitang gilas si Ana sa pamamagitan ng pagtawag ng hangin. Wow! Sinarado muna ni miss Valdez ang bintana, pinto at pati ang aircon kaya naging mainit ang loob ng room namin. Ilang segundo lang ay biglang pumikit si Ana at boom! Lumamig na ulit! Yieeee ang galing hahah
Pagkatapos ng pagpapakilala at pagpapakita namin ng kapangyarihan ay binigyan kami ng tig iisang papel ni miss Valdez, schedule pala namin
Habang binabasa ko ang nakasulat sa papel ay bigalang may pumasok sa pinto sobrang tahimik namin kaya agaw atensyon talaga sya
"Mr President natapos nyo naba ang problema nyo sa council?" Tanong ni miss Valdez sa kanya
"Mr President?" tanong ko kay Ana
"Yes si Russel Montrey, student council president" sagot sakin ni Ana
At asdfghjkl! Ang gwapo pala ni Russel may pagkacold at serious lang sya but gwapo pa rin"Uy Samantha yung laway mo" sabi ni Ana sakin sabay siko
Pakshet nakakahiya huhuhu"Gwapo si President ano?"
"Haist Ana tumigil ka nga" awat ko sa kanya grabe talaga
"President we have a new elite studying here in Hercum I want you to tour her inside the gym kung saan tayo nageensayo" sabi ni Miss Valdez
"Miss Samantha Hercum?" Tawag nya agad naman akong tumayo ng tinawag nya ako
"She's Samantha, president" sabi sakin ni miss Valdez
Tumingin naman sa akin si Russel at tumango kaya yumuko ako bilang paggalang
Omg si crush itotour ako! Mas okay na 'to kaysa si Eion kasama ko mabusit pako
"Follow me Samantha" omg totoo ba 'to? Ako ba talaga yung kinakausap nya? Waaahhh sampalin nyo ko please
"Miss Hercum?" Nawindang naman ako ng bigla akong tinawag ni miss Valdez kaya wala nakong nagawa kung hindi sumunod kay Russel
YOU ARE READING
Taika, World of Magic
FantasyMagic? Fantasy? Noong bata ako fan ako ng mga fantasy story. Gustong gusto ko yung part na maglalaban laban na sila tapos maglalabas na ng kapangyarihan. Diko alam na ang lahat pala ng nakasulat sa libro na pinapabasa sakin ni mommy ay totoo, di ko...