Taika 12

45 7 2
                                    

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko yung nakalaban naming Somiferous. Hindi lang pala sila ingitera at ingitero, malalandi pa sila. Tsk

Three days nalang pala at Magic festival na. Me and Ana are preparing na for the festival. Mayroon kasi dun na bubunot ng pangalan ang president sa magkabilang team then maglalaban sila. Nandito kami sa classroom it's our free time. Our teacher is not around so wala kaming gagawin. Some of my classmates are inside the gym, some are here inside the classroom. Nagkwekwentuhan ng kung ano ano like Ana, kakwentuhan yung isa naming classmate. And me? I'm reading, and yes yung binabasa ko ngayon is about the Montereys. I got curious in this book so I decided to read it. Wala naman si Russel dito busy sya sa office nya.

"The family of Montereys is the highest family here in Taika before. Their own Renato Monterey died years ago, he is the one who lead the Taika before. But sad to say he died because of the Brinian."

Blah blah blah

Mga ganon lang naman yung nakasulat sa libro tungkol sa nakaraan nila na nakwento na sa akin dati ni mommy. Bukod dun is yung galing ng Monterey brothers na given naman. And nagulat lang ako dun sa part na sila yung pinakamataas dati among the elite families. Their leader died kaya naging second nalang sila and first ang Hercum. Buti nalang hindi sila nagtanim ng galit unlike Somiferous. Hays

Pagkatapos kong basahin yung libro ay pumunta ako sa library para ibalik ito. Pumunta ako sa gym just like my classmates para magpractice. Napahinto naman ako ng may nakita akong isang lalaki na nakatayo sa harap ko. Ghad bakit nandyan na agad sya ang bilis nya pala

"What do you want?" I asked

"I just want to inform you that we have a meeting miss Samantha Hercum" he said, what we have? Bakit hindi ko alam

"What you shocked?" he asked

"I didn't know"

"But now you know. So instead of doing nonsense go to the office now" maawtoridad na sabi nya

What the? Doing nonsense pala tsk!

"I will Rain just shut the fck up" sabi ko   sa kanya at umalis sa harap nya para pumunta sa office

Nonsense pala huh?! Tadyakan kita dyan makita mo tsk!


"Malapit na ang Magic festival so I want you guys to prepare sana ay magkakaibigan pa rin kayo kahit hindi kayo nanalo"

"You want to talk to us para lang sabihin yan? Really kuya?" Pangaasar na sabi ni Rain kay Russel

"You're out of here Rain if you want to go you are  free" seryosong sabi naman ni Russel sa kapatid nito

Wala namang nasabi ni Rain kundi mag "tsk" nalang

Oh ano ka ngayon? Barado ka hahahaha

"By the way since malapit na ang festival kailangan ay handa kayo because I know na marami na namang mga kalaban ang sisira sa araw na yun. It's outside the school gaganapin kaya buong Taika ang kasama hindi lang mga students ang kailangang protektahan pati narin ang mga clan and families" sabi ni Russel

Kung ano ano pa ang sinabi ni president at pagkatapos nun ay pinalabas nya na kami ng office

Pumunta naman ako sa canteen para kumain. I'm sure nandun si Ana at kumakain

"Orange juice and sandwich please"


"Sam! Here!" She waved her hand and shout on me

Agad naman akong pumunta sa table na pagkatapos kunin ang order ko

"So how's the meeting?" She asked

"Fine. May mga bilin lang si Russel kaya saglit lang yung meeting"

"Hmm that's why maagang lumalandi si Rain Monterey"

At ayun na nga nakita ko si Rain na may kasamang babae. Sanay naman na yung mga studyante dito sa kanya. Lagi ngang pinagsasabihan ni Russel dahil sa sobrang babaero nya

"Rain Monterey isa sa pinakamagaling at karesperespetong tao dito sa school. Naging ganyan lang yan simula nang nawala si Reiven" sabi sa akin ni Ana

Si Reiven na naman. Mahal na mahal nya siguro si Reiven kaya nagkakaganyan sya ngayon

"By the way Sam, kailangan na nating umalis mayroon tayong training" sabi sa akin ni Ana

Nga pala we need it. Kailangan naming magpalakas lalo dahil may mga games daw sa festival at ang mga Magic namin ang gagamitin

"Let's go"



"What the heck! Hercum hindi ako makahinga" reklamo sa akin ni Eion nandito din sya sa gym para magtraining

Naiirita na kasi ako sa kanya dahil kanina nya pa ko dinadaldal hindi tuloy ako makapagfocus sa training

"Shit Sam! Hindi sabi ako makahinga! I need air fck!" Sigaw nya sa akin

"Baka mamatay sya Hercum   "

Shit bigla tuloy akong nawala sa focus tsk

"Tinuro sayo kung papano mo gamitin ang iyong kapangyarihan para protektahan ka at ang mga taong nakalaligid sayo, hindi para manakwit ng iba. You're a Elite not a Somiferous"

"So kapag Somiferous ka pwede ka ng manakit ng iba, tapos kapag Elite ka kasalanan iyon?" Tsk wala na ngang gender equality pati ba naman yung uri ng clan mo hay

"That's not my point Hercum"

"It's okay Russel I understand" sabi ko sa kanya sabay talikod para umalis sa gym



Nandito ako ngayon sa labas ng paaralan, actually tapos na naman ang klase ko at wala na akong training kaya okay nang lumabas sa school. Mas okay dito sa park sariwa yung hangin tapos ang ganda ng view.

"Hindi maganda ang ipinakita mo kanina, hindi ka pwedeng maging isang leader kung simpleng patakaran lang ay hindi mo masunod" nagulat ako ng mayroon nagsalita sa likod ko

It's him. Rain Monterey.

"Nagbibiruan lang kami ni Eion tsaka hindi ko naman talaga sya papatayin OA lang yung kapatid mo" sabi ko sa kanya

"Sabihin mo ng biruan lang yon pero mali parin ang ginawa mo"

"What anong mali? Hindi ko kayo mainitindihan bakit napakabigdeal nun huh? Kayo ba yung nasaktan? Si Eion nga di ako binungangaan kayo pa kaya" sabi ko sa kanya gosh naloloka nako sa magkapatid na 'to

"Dahil mali ang ginawa mo" sabi nya sa akin, halatang pinipigilan nya lang yung inis nya

"Anong mali? Pag Somiferous pwedeng manakit tapos pag elite bawal?"

"Oo" tipid na sagot nya sa akin

"What the?!" asik ko sa kanya

"Kaya nga tinitirain tayo para magproprotekta hindi para manakit ng iba." parang may nagsabi na sa akin neto

"Mayroong mga Somiferous para manakit ng tao kaya nandito tayo para protektahan ang mga sasaktan nila" dugtong pa nya

Hindi ko na nagawang magsalita kaya nagsalita ulit si Rain

"Lahat ng bagay ay mayroong pangontra Hercum. Parang lotion pangontra sa lamok para hindi makagat, tayo naman ay pangontra sa mga Somiferous upang hindi sila makasakit sa iba" sabi nya sa akin tapos ay iniwan nya ako dun na magisa


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Taika, World of MagicWhere stories live. Discover now