Habang nililibot ako ni Russel dito sa gym nila na pagkalaki laki ay nalaman ko na Yelo at Hangin pala ang kanyang kapangyarihan. Kaya nyang gawin kang yelo kung gugustuhin nya at alisin lahat ng hangin sa katawan mo kung gugustuhin nyang gawin. Galing diba hahaha.
"May iba't ibang equipments dito na maaari mong gamitin para mas maging malakas ang kapangyarihan mo" sabi sa akin ni Russel habang nakatingin sya sa mga flute
"Flute? Anong gagawin ko dyan e di naman ako gumamit nyan" sabi ko sa kanya, totoo naman di ako marunong gumamit nun. Mas okay pang kumanta nalang ako mas magaling pa ako dun
"Kaya nga pinasok ka dito sa paaralan para matuto ng mga bagay na hindi mo pa alam miss Hercum. Hindi ka naman magaaral kung alam mo na lahat. We're not wasting money here for nothing" okay supalpal ako dun tama nga naman sya hindi kami magbabayad ng pagkalaki laki para lang sa wala
"Pero kailan ako magsisimula?" tanong ko nalang baka barahin nanaman ako mahirap na
"May schedule ka nanaman hindi ba?"
Napatango naman ako sa sinabi nya
"Nakasulat dun yung schedule mo kung kailan ka pupunta dito sa gym para magtraining. May mga kasabay ka din na mga galing sa section mo. Tuturo ng mga seniors ang mga bagay na maari mong gamitin na konektado sa power mo"
Oh talaga? Galing Hahahaha excited na tuloy ako
"Go back to your class now" Utos nya sakin
"Huh? Di ka sasama" kasection ko din sya kaya kung mayroon pakong pasok ay mayroon din sya
"Mauna kana, may dadaanan pako"
"Sabay na tayo" sabi ko sa kanya
"Mauna kana sabi" Ano ba yan!
"What? Iiwan moko dito? Ayokong magisa, natatakot ako baka maligaw ako" pagiinarte ko hahaha pero totoo baka maligaw ako nakalimutan kona yata papunta sa classroom dahil sa mukha nya ako nakafocus gwapo kasi ni President joke hahaha
"Sometimes we need to be alone to be strong, Ms. Samantha Hercum" oh no humuhugot si President may love life siguro hmm sana single parin para happy hahaha
"But--" diko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla syang nagbow sa akin pagkatapos tumalikod na para lumabas ng gymnasium
Hay! Ano ba yan nabitin ako sa bonding namin ni Russel! Joke hahaha
So ayun after 12345678 years ay nandito na ako sa classroom. Wala pa namang teacher nung nakarating ako kaya dinaldal ako ni Ana
"So ano ang gwapo sa malapitan ni Russel ano?" Pangungulit nya sakin kanina pa 'to sa totoong buhay
"Alam mo ang kulit mo sa totoong buhay" sabi ko sa kanya
"E sa pekeng buhay?" Aba't!
"Joke lang hehe eto naman, so ano nakita mo na yung kagwapuhan ng president natin sa malapitan?" tanong nya
"Oo" medyo nagblush ako dun hihi landi lang! Pero totoo mas gwapo sya sa malapitan bango pa!
"Yieee! Ganyan din ako noong bago ako dito hahaha mangisay ngisay na ako sa kilig nun pero syempre diko pinapakita sa kanya. Tsaka madami talagang gwapo dito lalo na yung mga mayroong apoy na kapangyarihan at nakakabasa ng utak" daldal pa ni Ana sa akin
Buti nalang dumating na yung teacher namin si Miss Valdez parin ganon pala dito isa lang yung teacher bale dalawa yung senior na magtuturo sa amin sa paggamit ng equipments at si Miss na magtuturo sa amin ng ng kapangyarihan namin at mga iba pa tulad ng history ng mga kapangyarihan namin at ng school. So all in one sya yung pagtuturo lang talaga ng kapangyarihan namin with equipments yung di nya ituturo sa amin. Pero ang sabi ni Ana ay marunong daw magturo si Miss dahil dati syang senior pero tumaas ang rango nya sa school kaya naging teacher namin sya. Sa normal world parang adviser namin sya.
Kinuwento nya sa amin yung mga iba't ibang elements p kapangyarihan na kailangan naming iwasan o pag handaan dahil maari kaming matalo. Katulad ng mga mayroong kapangyarihan ng Yelo, dahil baka gawing yelo yung hangin namin bago pa makarating sa kanila katulad ni Russel at mga mind readers dahil mababasa nila yung mga kilos namin katulad ni Eion
Pagkatapos ng klase namin na halos dalawang oras ay pumunta na kami sa canteen. Umorder kami ni Ana ng pagkain at habang kumakain kami ay walang sawa sa kakadaldal si Ana
"Pumunta tayo sa gym mamaya baka nagtratraining na yung mga Fire A" grabe 'tong babaeng 'to palibhasa madaming gwapo dun
"Nako Ana tigil tigilan moko may klase pa tayo" totoo naman mayroon pa kaming klase kahit tatlong oras na naming kasama si Miss ay may klase pa kami sa kanya. Hindi yata sya nauubusan ng sasabihin. Pero buti nalang ang bait ni miss hindi katulad ng ibang teacher kala ko PMS lagi hahaha
"Ano ba yan si miss kasi" pagmamaktol nya pa
"Isang oras nalang Ana" sabi ko sa kanya. Isang oras na lang kasi yung klase namin tapos wala na kaya pwede na kaming maglibot
"Tama! Isang oras nalang sana hindi pa sila tapos magtraining nun" mukhang binuhayan naman sya ng luob. Sumaya bigla sya hahaha
"Hindi pa siguro matagal magtraining ang mga iyon" sabi ko sa kanya
Ngumiti naman sya sa akin pagkatapos ay kumain na
Habang kumakain kami ay bigla kong nakita si Russel. Napansin naman ni Ana iyon kaya tumingin din sya"Bakit tinitignan mo si President?" Tanong nya sakin
"Huh?"
"May problema ka bansa kanya"
"Wala naman Ana kaya lang hindi na kasi sya pumasok kanina ang sabi nya kasi papasok sya may dadaanan lang sya saglit" sabi ko naman sa kanya
"Ah kaya pala ikaw lang magisa yung dumating kanina"
Napagtango naman ako sa kanya
"Baka pumunta sa office ng student council" kibit balikat na sagot ni Ana sa akin
"Student council office? Bakit may problema ba sila? Akala ko ba wala na" ayun ang sabi ni miss kanina nung kausap nya si Russel
"Wala naman pinuntahan nya siguro si Vice" sabi ni Ana
"Vice?" Naintriga ako bigla
"Yeah si Shane Hooves"
Babae? OMG naintriga ako lalo girlfriend nya kaya? Haist nakapaka talaga. Napakachismosa ko kaloka
YOU ARE READING
Taika, World of Magic
FantasyMagic? Fantasy? Noong bata ako fan ako ng mga fantasy story. Gustong gusto ko yung part na maglalaban laban na sila tapos maglalabas na ng kapangyarihan. Diko alam na ang lahat pala ng nakasulat sa libro na pinapabasa sakin ni mommy ay totoo, di ko...