Kinaumagahan ay maaga akong ginising ng isang tagapagsilbi. Pumasok muna ako sa banyo para maligo at makapagayos. Pagkatapos ay bumaba na ako para kumain.
Pero laking gulat ko ng hindi lang pala si mommy at daddy ang makikita ko doon. Nanduon din si miss Anya kasatma ang isang lalaki, oh god! Ang gwapo.
Umupo na ako agad sa upuan ko pagkatapos kong batiin ang mga bisita namin
"Samantha sya si Eion anak ni miss Anya" pakilala ni daddy sa lalaki
Ngumiti lang sya sakin pagkatapos ay tinuloy nya na ang pagkain. Ano kayang kapangyarihan nya? Hmm nacucurious nako excited nakong pumasok sa paaralan ng mga Elite.
Pagkatapos naming kumain ay nagusap sila mommy, daddy at miss Anya sa sala. Talagang close sila sa isa't isa.
Pumasok muna ako sa kwarto para magtoothbrush ng mayroong kumatok sa kwarto ko
"Seniorita bumaba muna daw po kayo" sabi ng isang tagapagsilbi kaya bumaba ulit ako sa sala
"Anak si Eion muna ang maglilibot sayo dito sa Taika, May kailangan lang kaming ayusin sa opisina kasama ang lolo mo"
"Sge po" Wala naman akong magagawa diba kaysa naman maglibot akong magisa e diko pa kabisado ang Taika
Pagkaraan ng ilang saglit ay umalis na sila mommy at daddy sa bahay kasama si Miss Anya kaya umalis na rin kami ni Eion. Dinala nya ako sa bayan ng mga Mehiddo, ang pinakamababang angkan sa Taika. Ang sabi nya ay kailangan ko daw itong makita dahil ang angkan ng mga Mehiddo ay isa sa pinakamamalakas katulad ng sabi ni miss Anya sa'kin kahapon.
"Dito ang bayan ng mga angkan ng Mehiddo, Sam" sabi sa akin ni Eion
Katulad ng bayan ng mga elite ay mayroon ding mga nagtitinda dito ngunit may kaliitan nga lang ang kanilang bayan. Dinala naman ako Eion kung saan nagaaral ang mga Mehiddo. Kung titignan mo ito ay mas malaki ito kumpara sa eskwelahan ng mga elite ngunit mayroon na rin itong katandaan dahil sa kulay ng pintura ng paaralan. "MEHIDDO UNIVERSITY" ang galing! Sabi sakin ni Eion ay ang Mehiddo University daw ang unang paaralan na itinayo dito sa Taika kaya mayroon na talaga itong katandaan. Itinayo ang Mehiddo University para sa mga mahihirap na gustong umasenso di gaya sa paaralan ng mga elite ay itinuturo lang duon ay tungkol sa mahika, dito naman ay kung papaano ka uunlad sa kahirapan at syempre sinasanay din dito ang iyong kakayahan sa mahika.
"Hindi tulad ng paaralan ng mga elite ay kailangan ko pang magbayad upang makapagaral ka dito ay hindi na, libre ang mga mamamayan ng Taika kung gustuhin nilang magaral sa Mehiddo University. Mga Mehiddo at ilang mga Maige lang ang nagaaral sa paaralang iyan simula ng itayo ang Hercum de Paaralan" sabi sa akin ni Eion
"Ikaw Eion saan ka magaaral?" Tanong ko sa kanya kanina pa kasi kami magakasama pero ang alam ko lang tungkol sa kanya ay anak ni miss Anya
"Sa Hercum de Paaralan din ako magaaral katulad mo" sabi nya sakin
At ako naman tatango tango lang
"Halika puntahan na natin ang angkan ng Maige" sabi ni Eion at nagsimula na kaming maglakad. Grabe nakakapagod ah elite sya pero wala man lang sasakyan kuripot!
"Mayroon akong sasakyan ngunit nasira kaya hindi ako kuripot, Samantha" sabi nya sakin
Omg! Papano nya nalaman yun? Waahhh
"Nakakabasa ako ng utak ng tao kung gugutuhin ko, nakakausap ko rin sila gamit ang hangin"
"Huh? Papaano nangyari yun?" Tanong ko sa kanya
" Matututunan mo rin yun kapag pumasok ka sa Hercum" sabi naman nya sakin
Wala nakong nagawa kundi ang tumahimik at sumunod sa kanya. Grabe ang galing! Kay Eion palang ay nabibilib nako papano pa kaya sa iba ko pang makakasalamuha w
Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa bayan ng mga Maige. Ang Ganda ng bayan nila para kang nasa park. Ibang iba sa dalawang bayan na napuntahan kona. Ang mga angkan talaga dito sa Taika ay mayroong ipagmamalaki. At kahit na ang Elite ang pinakamataas sa lahat ay mayroon ang dalawang angkan na bagay na angat sila kaysa sa mga Elite. Ang cool! Diko alam kung bakit naiingit pa ang mga Somiferous.
"Teka Eion saan nga pala ang dating tinitirahan ng mga Somiferous?" Tanong ko sa kanya, napuntahan na kasi namin ang bayan ng tatlong angkan kaya nacurious ako sa bayan ng mga Somiferous
"Ang bayan nila ay sinakop na ng mga elite" sagot nya naman sa akin
Ah kaya pala ang laki ng lugar ng mga elite kabilang na pala duon ang bayan ng Somiferous. Grabe ang laki talaga ng Taika! What more kung hindi pa umalis dito ang Brayone jusme maliligaw siguro ako nun.
Aalis na sana kami ni Eion nang may nakita akong isang stall puno ng mga strawberries! Waahhh!! Akala ko walang ganyan dito nagutom tuloy ako bigla.
Hinatak ko naman si Eion papunta dun para bumili, Ay Tae! Wala nga pala akong pera.
"Hindi pera ang binabayad dyan" sabi nya sakin
Eto nanaman sya binabasa nanaman nya utak ko! Nakakainis pag nalaman ko talaga yung kapangyarihan ko humanda sya sakin
"Manang isang kilo nga ho" sabi nya sa babae
Tinimbang naman nung babae yung mga strawberries pagkatapos kinuha yung binigay na card ni Eion at tinap duon sa isang maliit na box na kulay puti. Wow! So ganon pala sila magbayad, galing.
Inubos ko yung strawberries habang naglalakad kami ni Eion binibigyan ko sya ayaw nya naman kaya kinain ko nalang. Diko namalayang gabi na pala. Kaya binilisan na namin ang pag lalakad pagkatapos ay kumain narin ako kasama sya. Dipa sana ako matutulog ngunit pinapatulog nya nako hihintayin nya nalang daw sila mommy at miss Anya. Si daddy daw ay sa bahay nila lolo matutulog ngayon dahil mayroon syang inaasikaso.
Naglinis muna ako ng katawan at humiga. Hay isang nakakapagod na araw nanaman. Pero ang saya nadagdagan na naman ang mga kaalaman ko tungkol sa Taika. 3 days nalang at makakapag aral na ko. Excited na tuloy ako!
YOU ARE READING
Taika, World of Magic
FantasyMagic? Fantasy? Noong bata ako fan ako ng mga fantasy story. Gustong gusto ko yung part na maglalaban laban na sila tapos maglalabas na ng kapangyarihan. Diko alam na ang lahat pala ng nakasulat sa libro na pinapabasa sakin ni mommy ay totoo, di ko...