Chapter 2: Planning Project Ex

81.6K 1K 103
                                    

2:45pm sa may soccer field...

Nauna ako dumating kay Zander. Inagahan ko na para wala namang masabi yung bwisit na yun. Sinira na niya umaga ko, ayoko na sirain buong araw ko kaya para wala ng argument, di na ko nagpa-late.

Tingin ako ng tingin sa phone ko para icheck kung anong oras na. 2:55, 3:02, 3:10, 3:15... Gagong yun. Sabi bawal ma-late eh siya pa ata tong nakalimot sa usapan namin. 3:23, 3:29, 3:34... Pag di pa 'to dumating in 5 minutes aalis na ko. 3:36... 3:38...

May sumigaw sa kaliwang tenga ko...

Zander: HOY!!!

Napatakip ako sa tenga ko at pagharap ko sakanya sinuntok ko siya ng malakas sa balikat.

Zander: Aray ah!! Bakit ba ang brutal mo?

Jill: Eh bakit ang tagal mo?

Zander: Eh anong pakialam mo?

Jill: Oras ko sinasayang mo ugok! May pasabi sabi ka pa na bawal ma-late!

Zander: Ikaw ang bawal ma-late. Wala ka naman sinabi sakin kanina na ako din bawal ma-late ah?

Jill: UGH!!!! Sige na pag-usapan na ang dapat pag-usapan. Naiirita na ako sa mukha mo!

Zander: Naiirita o naiin love?

Jill: Isang hirit mo pa magwo-walk out na ko.

Zander: Alright alright... Chill Jill! Uy rhyming yun ah. Hehe!

Tiningnan ko lang siya ng masama. I saw him took out a red pad from his bag.

Zander: See this? Ito ang sagot sa problema natin.

Jill: Ano ba yan?

Zander: Dito nakalista lahat ng pangalan ng mga babaeng dinate ko.

Jill: Wow ah! Talagang may listahan??

Zander: Well I just jot their names down but I can't remember all their faces.

Kinuha ko yung red pad at binuksan ko. Maliit lang siya na parang notepad. Gago talaga 'tong lalaking 'to.

When I opened the pad, I looked at the pages...

Abigail Reyes

Cindy Uy

Tyra no surname

Kris Ann Liwag

(madami pang pangalang sumunod pero di ko na binasa) I turned the next page... and then the next...

Aussie girl sa Club Wee

Ellie Mananquil

Francine no surname

(and the list went on)

Jill: Ang dami nito ungas! Papano natin hahanapin lahat 'to? Tapos yung iba pa dito sabi mo hindi mo na maalala yung itsura? Paano mo isesearch yan online? Francine no surname?? Aussie girl sa Club Wee??

Zander: Di naman ako bobo no! Kahit pano nagiisip naman ako. Siyempre I narrowed down the list. Hindi naman lahat yan naging gf ko. Yung iba diyan one to two dates lang. Kung hindi ako naturn off, napagsawaan ko lang agad. Binalik balikan ko yung blog kagabi. Out of all those girls, inisip ko ng maigi kung sino sino diyan yung posibleng magsulat nun. Whoever Girl X is, malamang nakasama ko yun ng more than just one or two dates.

Jill: Aba! Eh may silbi naman pala yang utak mo.

Zander: Babygirl, there's more to this awesome face and body. (smirk)

Jill: Eewww!! Anong babygirl!!! Babygirl mo mukha mo!! O ngayon ilan sa mga babaeng yan ang suspect mo?

Zander: 11 diyan yung masasabi kong tumagal. Longest is 2 months.

Project Ex (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon