Chapter 7: The Confrontation

43.8K 813 22
                                    

9pm...

Kanina pa ko humahanap ng tiempo para makausap si Zander. Naputol yung usapan namin kanina. Meron sana akong sasabihin sakanya. Pagkatapos ko magdinner gusto ko sana siya katukin sa kwarto. Mula kasi kanina nagkulong na dun.

After 15 minutes... sa wakas lumabas din!

Jill: (sinundan si Zander) Pwede na ba tayo mag-usap?

Zander: (huminto sa paglalakad, humarap kay Jill) Tungkol saan?

Jill: Diba dapat may sasabihin ako kanina?

Zander: (medyo bad mood) Go. Talk.

Jill: Galit ka ba?

Zander: May sasabihin ka diba? Sabihin mo na.

Jill: (nasa labas lang sila ng kwarto ni Z, nakatayo) Naalala mo sa coffee shop nung nireresearch natin yung mga ex mo?

Zander: (nakatungo lang, di matingnan si Jill) O ano tungkol dun?

Jill: Noon ko pa dapat sana sinabi sayo 'to pero hindi ko alam kung papano. Hindi ko alam kung ano irereact mo. Ni hindi ko alam kung sasabihin ko pa ba but I realized you deserve to know.

Zander: Ang dami mo pang pasakalye, sabihin mo na.

Jill: Ex 11. Nicole R. Carpio. Nicole Ramirez Carpio.

Zander: (napatingin kay Jill) Ramirez? You're related?

Jill: Siya yung pinsan ko na nagmigrate sa States.

Zander: And you failed to mention this to me because?

Jill: Hindi ko rin alam. Siguro natakot ako. O baka naisip ko saka ko nalang sasabihin pag siya na yung hinahanap natin. Ewan ko.

Zander: (hindi alam kung ano sasabihin, tumahimik sandali) Now it makes sense.

Jill: Ang ano?

Nagwalk out si Zander. Hindi ko alam kung tama bang sinabi ko pa pero sigurado ako na masama ang loob niya. Hindi ko na nagawang magsorry. Gusto ko siya lapitan pero yung mukha niyang yun, that very same face nung nag-away kami sa Club Wee, ganun na ganun yung itsura niya ngayon.

Ilang oras yung lumipas hindi kami nagkikibuan ni Zander. Napapansin na nila Mitch na masama yung mood ni Zander pero walang nagtatanong. Lumapit sakin si Mitch...

Mitch: May problema ba si Z?

Jill: Saka ko na ikekwento.

Bumalik si Zander sa kwarto. Naiwan kami nila Caloy, Paolo, Mitch at Rocky sa labas. Nagswimming ulit, kumain tapos nagkwentuhan. Maya maya, nagdecide na din kami matulog dahil maaga pa kami aalis bukas pabalik ng Manila.

--

7am sa resort...

Bumangon ako sa kama. Nag-ayos na ko ng mga gamit ko. Bothered pa din ako sa nangyari kagabi pero sana naman lumamig na ulo ni ungas para makapag-sorry na ko. Lumabas ako ng kwarto para sana simulan ng ligpitin yung pinagkainan namin kagabi ng mapansin kong nawawala na sa parking space yung sasakyan ni Zander. Bumili kaya yun ng breakfast? O nilipat lang niya yung sasakyan niya?

Kinatok ko yung kwarto nila ni Caloy...

*knock knock*

Binuksan ni Caloy yung pinto...

Caloy: (mukhang kakabangon lang) O Jill? Aga pa ah.

Jill: Nandyan ba si Zander?

Caloy: Hindi ko alam saan nagpunta eh pero maaga bumangon. Akala ko bumawi ng swimming kasi diba kagabi nagkulong lang dito. Wala ba sa labas?

Project Ex (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon