I'm Alexander Tady. Zander for short. Pangalan palang punong puno na ng swag. Alright alright, you may think na ang yabang ko but what can I say, I inherited good genes from my beautiful parents. I'm 19, 3rd year college in West Ridge University taking up... uhhh... nevermind. Hindi naman talaga ko pumapasok para matuto. Ayoko lang mapahiya magulang ko dahil lahat sa angkan namin college graduate. Pamilya kami ng businessman, doktor at architect. Pero ako? Never ko pinangarap. Saktong makagraduate ok na ko. Kaya nga nung magka-college na ko, kumuha ako ng papel at mistula kong ni-raffle ang mga courses at kung ano madampot ko, yun na yun. We have a successful family business so what is there to dream for eh nakaplano naman na buong buhay ko. May mamanahin ako, may mga tauhan kami para patakbuhin ang negosyo, madaming mauutusan, in short... I'm the luckiest son of a gun.
Let me tell you how my morning goes. Pagkagising kukunin ko agad yung mirror sa may bedside ko. Titig saglit sa mukha, effort ng konti sa pagngiti sabay sabi ng...
"Damn! Ang gwapo ko talaga!"
Sorry if I'm pissing you off with my overconfidence pero naman... ang gwapo ko naman kasi talaga. Next to my ritual is go to the bathroom, magtoothbrush, maligo... ooops... salamin ulit... kindat ng konti, ngiti... langya kung may buhay lang siguro tong salamin ko in love na in love na 'to sakin.
I have a closet full of branded clothes kaya ang major dilemma ko araw araw eh kung ano ang isusuot ko. Sabagay, kahit naman alin dito isuot ko sigurado namang lilingunin ako.
Few minutes after ko mag-ayos...
*knock knock*
"Alex... nakahanda na almusal. Bumaba ka na."
"Ok Ya."
That was Yaya Fanny. Siya lang tumatawag sakin ng Alex. She took care of me since nung pinanganak ako. Kung may permanenteng babae sa buhay ko, siya lang yun at si Mommy.
Anyway, I eat a good breakfast every morning. Kailangan ko 'to kasi may training pa ko mamaya sa soccer team. I'm the captain by the way. See. Told you I'm the luckiest son of a gun!
"Gising na ba sina Mommy?"
"Naku, madaling araw palang umalis na. Pumunta sila ng daddy mo sa Tagaytay. May aasikasuhin daw. Magkita nalang daw kayo mamaya pag-uwi mo. Bilin nga pala ng daddy mo umuwi ka ng maaga. Wag ka na daw muna magdisco pagkatapos ng klase mo kasi ilang araw ka na daw napupuyat."
"Haha! Disco amp! Sabihin mo sakanya club o bar na ang ginagamit na term ngayon. Nak ng. Disco. Hahaha!"
Getting my bag now. Picked up my car keys...
"Ya lika nga, paakap na. Aalis na ko."
"O siya mag-iingat sa pagmamaneho ha?"
Pagka-akap ko sakanya...
"Bye Ya. Ligo ka na. Asim mo na."
Binatukan ako ni Yaya sabay sigaw...
"At least edad 50 may asim pa!"
Pilyo lang ako pero mahal na mahal ko yung matandang yun. Siya lang at si Mommy ang natatanging babaeng hinding hindi ko paiiyakin.
Pagsakay na pagsakay ko sa brand new sports car na regalo ni Daddy sakin last month, saka lang ako nagbasa ng messages ko sa phone. Ayoko ng naiistorbo ng mga babae first thing in the morning kaya nagchecheck lang ako ng phone pag papunta na ko ng school.
On my way to West Ridge... it's Katy Perry time! Oo. Favorite ko siya. Wala akong pakialam pero maliban sa dream girl ko siya eh ano magagawa ko. Lakas maka-good vibes ng beat ng Teenage Dream at Hot 'n Cold.
BINABASA MO ANG
Project Ex (Published under PSICOM)
Novela JuvenilAnong gagawin ng isang certified playboy kung isang araw may gumawa ng hate campaign sakanya? This is just a light story about a certified heartbreaker who gets a taste of his own medicine. Samahan ang isang player sa paghahanap sa mysterious blogge...