Chapter 6: Abort Mission

60.8K 889 218
                                    

6am sa sala ng bahay nila Jill...

Ang sarap ng tulog ko. Natulog man akong gulong gulo ang isip kagabi, for some reason I feel comfortable here. Oo, kahit sa sahig ako natulog. By this time dapat gising na gising na ko dahil sanay akong pumasok sa school ng maaga, pero ngayon kalahati palang ng diwa ko yung gumagana. Parang ang sarap pa matulog kaso... bakit basa yung mukha ko... at bakit parang... may humahalik ba sakin?? Pag mulat ko, may mabalahibong dumidila sa... shit aso!

Gusto ko mainis pero... in fairness sa asong 'to ang cute. Mukha pang malambing. Puting shihtzu na parang kagugupit lang ng balahibo. Kitang kita ko yung bilog niyang mata. Akalain mo yun, pati aso nahuhumaling sa mukha ko. Imbis na tabigin ko siya palayo, nagpadila nalang ako sa mukha at medyo niyakap yakap ko. Di pa din nawawala antok ko ng biglang...

Parang may gumagapang sa may paanan ko. Tinitingnan ko yung aso na dila pa din ng dila sa mukha ko, parang ang haba naman ata ng buntot nito kung aabot sa paa ko?? Sinubukan ko kapain kung ano yung parang gumagapang, sumulyap ako para makita ko kung ano... narealize ko nalang...

FUCK IPIIIIIIIIISSSSSSS!!!!!! Napasigaw ako ng malakas. Nagising si Rocky na nakahiga sa may sofa. Bumangon ako agad agad at pumatong sa may sofa with "pandidiri" expression all over my face. Hindi ko mapigil sarili ko pero napatalon-talon ako sa sofa habang hawak sa balikat si Rocky. Nakita ko yung ipis papalapit dun sa aso, kinuha ko yung aso at binuhat ko.

Zander: (tinatapik tapik si Rocky habang yakap yung aso at nagtatatalon sa sofa) IPEEEEEEEEESSSSSS!!! IPIS PARE!!! IPEEEEESSSS!!! PARE!!! PATAYIN MO!!! (tapik pa din ng tapik kay Rocky) PATAYEEENNNN MOOOO!!!!!

Sa sobrang lakas ata ng boses nagising lahat ng tao sa bahay nina Jill. In no time nakita ko pababa si Jill at Mitch na gulo gulo pa yung buhok, yung mama ni Jill napatakbo sa sala mula sa kusina, Si Paolo naman nakatabingi pa yung tshirt at si Caloy di man lang napahiran yung panis na laway sa mukha niya. Nagmadali si Rocky pumulot ng tsinelas. Hinabol niya yung ipis kaso... FUCK LUMIPAD!!!!! POTA MABABALIW YATA AKOOOOOO!!!! Binuhat ko yung aso na parang pinanghaharang ko just in case dumapo sakin yung ipis. Nakita ko si Paolo kinuha yung suot niyang tsinelas at nakihabol na din sa ipis.

Zander: (namumutla, buhat pa din yung aso) MAMIIIIIIIIIIIIII!!! IPEEEEEESSSSSSS!!!!

Napatay din ni Rocky yung ipis. Kumalma na ko. Nakita ko mama ni Jill, si Jill, Mitch at Caloy na nakatingin sakin na natulala. Hindi ko alam kung naasar sila na nastorbo sila't nagising sa ingay ko o dahil nakakagulat yung reaction ko. After about 30 to 40 seconds, nakatayo pa din ako sa sofa, lumapit si Jill...

Jill: CHINCHIN!!! (kinuha yung aso't niyakap) Anong ginawa mo sa aso ko?!! Ha?!! Alam mo bang mas importante pa 'to kesa sayo?!!!

Zander: (clearing his throat, malumanay yung boses na parang nahihiya) niligtas ko lang naman. Nilapitan kasi ng ipis kanina eh kung makagat siya.

Jill: Gung-gong!! Eh mas malaki pa si Chinchin dun sa ipis pano siya makakagat nun?!! (hinampas sa balikat si Zander) Langya ka idadamay mo pa alaga ko!! Ipis lang??!!! DUWAG!!!

Zander: (humawak sa batok, di makatingin ng diretso) Sorry...

Mama ni Jill: Kayo talagang mga bata kayo. Sige na, mag-ayos na kayo. Naghanda na ko ng almusal.

Umakyat si Jill at Mitch kasama si Chinchin. Si Paolo naman dumiretso ng CR at si Caloy, humiga sa may sofa. Si Rocky sinundan sina Mitch sa kwarto ni Jill. Kinuha ko na yung comforter na nilatag ko sa sahig at inayos ko na pati mga unan at kumot. Sa totoo lang hiyang hiya ako sa nangyari kanina. Ok lang kung sila Caloy lang nakakita. Pero yung pati si Jill?? Teka... eh ano naman?! Kailan ba ko nahiya sa ungas na yun?? Nablanko utak ko, ni hindi ako nakasagot ng hirit kanina. Di bale. Babawi ako mamaya.

Project Ex (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon