Chapter 3: Project Ex Begins

86.1K 1K 252
                                    

12noon sa gilid ng soccer field...

Alas-dose na sabi ko wag siyang male-late. Ang tagal naman ng babaeng yun.

After 10 minutes...

Ang tagaaaaal! Lagot sakin yung babaeng yun pag nakita ko siya. Ang pinaka-ayaw ko yung pinaghihintay ako. Uy... may palapit na babae. She's wearing a dark blue dress. Nakalugay yung buhok at wavy. She's holding a purse on her right hand. Bumilis tibok ng puso ko... shet palapit na siya. Siguro hindi pa niya nababasa yung blog. Parang sakin siya papunta. Fuck bakit parang tumigil yung oras...

Lumapit siya sakin... nilagay yung kamay niya sa may bibig ko na parang may papahiran...

Jill: Laway mo boy. Stop drooling over me.

Ay puuuuuu...... si Jill. Langya may igaganda pala tong babaeng to. For a few seconds hindi ako nakapagsalita.

Zander: (clearing his throat, trying to look normal) in fairness to you, mukha kang tao ngayon ah.

Jill: Tss! Ganda ko no? (doing the hair flip)

Zander: Mukha ka lang maayos. Wala akong sinabing ang ganda mo. Tara na nga.

Hinigit ko kamay niya para makaalis na kami. Natapilok si ungas. Di ata sanay mag-heels 'to.

Jill: Aray!! Makakaladkad naman!!

Zander: Wag ka kasing aanga anga. Bilisan mo!

Dumiretso na kami sa parking lot. Sumakay na kami sa kotse. Hindi ko na siya pinagbuksan ng pinto. Di ko naman siya dinedate so bakit?! When I turned on the engine...

"You make me feel

Like I'm living a teenage dream

The way you turn me on..."

Fuck! Nakalimutan ko tanggalin yung CD. Langya on repeat pa 'to! Nataranta ako sa pagpatay ng music, nakikita ko facial expression ni Jill from my peripheral view. Parang naghalong nagulat at natawa. Mismong siya di makapagdecide sa irereact niya. Nung napatay ko na yung radyo...

Jill: BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!! BADING!!!!!

Zander: Hindi ko CD yan. That's umm... my mom's! Tama! Sa nanay ko yan.

Jill: Teenage Dream? Sa nanay mo??? AHAHAHAHAHAHA! MUKHA MO UNGAS!! Dedeny ka pa!

Zander: Hindi nga akin yan!!!

Sa inis ko kinurot ko pisngi niya ng madiin at matagal.

Zander: Dagdagan natin makeup mo! Para rosy cheeks!!

Jill: (pinipilit tanggalin yung kamay ni Zander sa pisngi niya) OUCCCCHHH!!!!

Zander: Tumahimik ka muna saka ko tatanggalin!

Jill: Oo na! Oo na!!

Zander: Eh nagsasalita ka pa din! Hindi ko to tatanggalin!!!

Jill: ............

After a few seconds ng katahimikan... tinanggal ko na kamay ko. Napatingin ng masama si Jill sakin habang hinihimas pisngi niya.

Zander: Can we go now?

Jill: (bumubulong) bading...

--

Sa flowershop...

Nagtitingin-tingin lang ako sa shop. Si Zander lumapit sa may counter.

Zander: Hi. I would like to order four bouquets of flowers. Kayo na bahala sa arrangement. Basta yung may vibe lang na "I'm sorry". How long should we wait?

Project Ex (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon