BOSS • 3

148K 2.1K 70
                                    

Mabilis niyang naipasok sa emergency room si Blue sa tulong ng kanyang boss na si Liam. May halos isang oras na ang nakalilipas mula ng maipasok doon ang bata pero hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ang doktor na tumitingin dito kaya't hindi mabawas-bawasan ang kabang nararamdaman niya.

Ang daming tumatakbo sa isip niya. Natatakot siya. Baka may mas malala pang mangyari sa bata sa paglipas ng mga oras.

"Here."

Napaangat siya ng tingin at nakita ang lalaki na nakalahad ang kamay sa kanya na may hawak na kape. Wala sa sariling inabot niya iyon.

The man sat beside her as she took a sip of her hot coffee. They stayed silent there for a while. Kapwa sila nagpapakiramdaman.

Ngayon lamang niya napagtanto ang kanilang sitwasyon. Ngayon na alam na nito na may anak siya, sigurado siya na magbabago ang tingin nito sa kanya. Kaya nga hangga't maaari, ayaw niyang may makaalam ng sitwasyon niya. Hindi niya kailangan ang panghuhusga ng mga ito. At mas lalong hindi niya kailanman kailangan ang awa nila dahil sa mag-isa niyang binubuhay si Blue na parang sarili na niyang anak.

Since that night, three months ago, many things has changed in her life. Kung dati, mag-isa lamang siyang simpleng nabubuhay, ngayon ay may kailangan na siyang buhayin bukod sa sarili niya.

Tandang-tanda pa niya kung paano niya nakita si Blue at kung paanong maging anak niya ito.

Naalimpungatan siya dahil sa malakas na pagkulog at ang kasunod niyon na pagkidlat. Sinipat niya ang kanyang cellphone para tingnan doon kung anong oras na ba. Alas-dos pa lamang ng madaling araw.

Pupungas-pungas siyang bumangon at nagtungo sa kusina para kumuha ng maiinom na tubig ng mapatigil siya sa paglalakad sa kalagitnaan ng kanyang maliit na salas.

Kumunot ang kanyang noo habang pilit na pinapakinggan ang kakaibang ingay na iyon na nanggagaling sa labas ng kanyang inuupahang bahay.

Isang beses pang kumulog ng malakas. Matapos iyon ay umalingawngaw naman ang malakas na pag-iyak ng sanggol na sinabayan ng pagtahol ng aso sa kanyang kapitbahay.

Dali-dali niyang tinungo ang pinto at binuksan iyon. Laking gulat niya ng mabungaran ang isang may kalakihang basket. Sa loob niyon ay laman ang sanggol na siya niyang naririnig na umiiyak.

Inilibot niya ang paningin sa labas, nagbabaka-sakali na baka makita niya ang taong nag-iwan sa basket na nasa harapan niya. Nang mabigo ay mabilis niya iyong ipinasok sa loob ng bahay dahil nagsimula na ring pumatak ang ulan.

Binuhat niya ang munting sanggol, na sa tantiya niya ay wala pang isang buwang naisisilang, na wala pa ring humpay sa pag-iyak, saka inihele.

Bakit may bata sa harap ng bahay niya? Sino ang nag-iwan dito at bakit? Bakit sa tapat ng kanyang bahay napili ng kung sino man na iwanan ang paslit?

Dapat niyang madala kaagad ito sa DSWD at i-take over sa mga ito ang bata.

She stared at the baby boy the moment he stopped crying and fell into slumber. May kung anong humaplos sa kanyang puso ng mamasdan ang maamo at payapa nitong mukha.

Kung sino man ang mga magulang ng batang ito, sobrang mali ng desisyon nila na iwanan o abandonahin ng ganito na lamang ang munting anghel na ito.

Lumapit siya sa basket na pinaglayan dito at hinalungkat kung may makikita siya na mapapagkakakilanlan dito o sa mga magulang nito pero bigo siya. Tanging ang sapin lamang ang nakalagay doon. Ni hindi niya alam kung anong pangalan ng bata o kung kailan ito eksaktong ipinanganak.

BOSS Series 1: My boss, His daddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon