Kakatok pa lamang dapat si Allison sa pinto ng opisina ni Liam pero hindi na iyon natuloy dahil bago pa man niya magawang makakatok ay nagbukas na iyon at sumalubong ang nakakunot na noo ng kanyang boss.
"What took you so long? Kasunod lang kita kanina 'di ba?" Tanong nito agad sa kanya ng tuluyan na siyang makapasok sa loob at maisara nito ang pinto.
Tumingin siya rito saka ito kinunutan din ng noo. "Kinausap ko pa po kasi si Rose, sir. Pasensya na."
Sa narinig naman na iyon ay automatic na napawi ang kanina lamang ay nakakunot na noo ng lalaki saka bahagyang lumabi.
Lumapit ito sa pinto ng kwarto na ni minsan ay hindi pa niya nakikita kung ano ang nasa loob. Curious siyang sumilip pero bigo siyang makita ang nasa loob niyon dahil bahagya lamang iniawang ni Liam ang pagkakabukas doon saka isinungaw ang ulo sa loob. May ilang segundo ring nakaganoong pwesto lamang ang lalaki bago nito iyon iwan.
Ilang saglit pa ay may lumabas roon na isang babaeng medyo may kabataan pa ang edad. Sa tantiya niya sa edad nito, mas bata lamang ito ng ilang taon sa kanya.
She's at her 24th age already and it's not a young age for her anymore. Kaya baka nasa early 19 or 20 na ang babaeng ngayon ay nakatayo na sa harap nila ni Liam.
Tumabi kasi sa kanya ang lalaki matapos nitong umalis doon sa may harap ng pinto ng 'secret room' sa loob nitong opisina.
"Alisson, this is Angie. She will be the one to look after Blue while we're both in work. Angie, this is your Ate Alisson."
Tumango-tango siya saka nakangiting binati ang kaharap.
Agad naman itong lumapit sa kanya at sinilip ang natutulog na bata.
"Kuya, ang cute ng baby niyo. Bakit ngayon ko lang po siya nakita at saka si Ate Alisson? Bakit po hindi niyo sinasabi kina 'Nay Wiliana at 'Tay Wilson na nag-asawa na kayo?"
Nanlaki ang mga mata niya doon kasabay ng pamumula ng kanyang pisngi.
The man beside her let out a small chuckle. Ramdam rin niya ang pagtingin nito sa kanya pero nanatiling nakatuon ang kanyang paningin kay Angie. Ayaw niyang makita siya nito na pinamumulahan ng pisngi.
"Don't ask too many questions, Angie. Ikaw talaga." Mababakas rin sa boses nito ang tila ba pagkaaliw sa narinig. "Basta, secret muna natin itong tatlo ha? Don't tell my mom and dad yet."
Doon na siya marahas na napatingin sa lalaki.
She could'nt believed it!
Ni hindi man lang nito itatama ang maling akala ni Angie? Plano talaga nitong sakyan ang iniisip nito na mag-asawa silang dalawa at anak nila si Blue?
Nang magbaling sa kanya ng tingin ang lalaki ay saglit siyang natilihan lalo pa at nakita niya itong nakangiti sa kanya.
"Dito lang sila sa loob ng opisina ko. Kaya kahit iwan natin sila, they're safe."
Akala yata nito ay nag-aalala siya na iwan si Blue kaya siya nakatingin dito.
She just nod on that as she let Angie carry her son. Ibinilin rin niya dito ang ilang gamot at vitamins na kailangang inumin para sa maghapon pagkatapos niyon ay umalis na sila.
Mayroon kasi itong naka-schedule na lunch meeting kay Mr. Tan, para sa pakikipagsosyo nito sa shipline business ng matanda.
Stanfield Corp., is one of the leading company here in the Philippines. Restaurants, hotels, car business, malls and farming. Name it and sure they have them all.
Kaya hanga siya at napatakbo ng maayos ni Mr. Wilson ang mga negosyo nito kahit pa mag-isa lamang ito. And she know, Liam can do that too. Alam niya na napakalaki ng potensiyal nito na mas mapalago pa ang negosyong pinaghirapan ng ama nito.
BINABASA MO ANG
BOSS Series 1: My boss, His daddy
RomanceHindi man perpekto ang buhay ni Alisson, masaya siya at kuntento. Basta nairaraos niya ang kanyang buhay at nakakain siya ng tatlong beses sa isang araw, sapat na iyon sa kanya. Hindi man siya kagaya ng iba na may mataas na pangarap sa buhay, alam n...