BOSS • 8

106K 1.6K 26
                                    

Hindi pa man siya tuluyang nakakalayo sa labas ng opisina nito ay narinig niyang tinawag siya ni Liam but she didn't bother to look back.

Ayaw niyang lingunin pa ito at ayaw niyang makita pa ang galit nitong mga mata habang nakatingin sa kanya.

"Alisson, wait." At kasabay niyon ay naramdaman niya ang paghawak nito sa kanyang braso para pigilan siya sa tangka pa ring paglakad palayo. "Alisson..."

Napahinga siya nang malalim.

Sa bawat paglipas ng minuto na naiisip niyang ipipilit pa rin nito ang pagtawag niya dito sa pangalan, naiirita na siyang talaga.

"Fine. I won't force you to call me my name anymore." He sighed. "Let's not make it as an issue between us. Can we?"

Marahan siyang lumingon dito para tiyakin kung bukal ba talaga sa kalooban nito ang pagsasabi niyon.

At nang masigurado na totoo nga ay nagpakawala siya ng buntong-hininga kasunod ng pagtango at bahagyang pagngiti rito.

Pero labis siyang nagulat at napasinghap sa sumunod nitong ginawa.

The man pulled her and enclosed her near his body for a hug. Yakap-yakap siya nito na para bang ayaw na siya nitong pakawalan pa pero sa kabilang banda ay ramdam niya ang labis na pag-iingat sa yakap na iyon.

"Thank you." Bulong nito malapit sa kanyang tenga na nagdulot na kakaibang kiliti sa kanyang sistema at pagtataasan ng munting mga balahibo sa kanyang batok.

Nagugulumihanan siyang napa-huh sa ibinulong nitong iyon. She tried to let go from his arms but the man didn't let her so. Kaya wala siyang ibang choice kundi ang manatili roon kahit pa sobrang nakakailang na para sa kanya ang kanilang sitwasyon lalo pa at baka maabutan sila ng iba pa niyang mga kasamahan na nasa ganoong posisyon.

"P-para saan?" Even her voice can tell that she's tensed.

Hindi naman kasi siya sanay na may ganito kalapit sa kanya na tao—at lalaki pa. Halos masinghot na nga niya ang napakabango nitong amoy sa sobrang dikit ng kanilang katawan at sa sobrang dikit ng kanyang mukha sa dibdib nito.

"For making me feel this way."

Hindi niya naiwasang mapalunok sa klase ng pagkakasabi ni Liam niyon. His husky and baritone voice can melt any girls heart and make their knees weak in just a snap.

"For making my heart flutter everytime you smile at me. For making me do things I don't know I am capable of. Thank you for letting me like you Alisson."

Saglit siyang natameme dahil doon.

Ano bang dapat niyang isagot sa mga sinabi nito? You're welcome? Ganoon?

Marahan siyang inilayo ni Liam mula sa pagkakayakap saka masuyong ginagap ang kanyang mukha.

Hinuli rin nito ang kanyang mga tingin saka siya tinitigan. Ilang minuto ring nakatitig lang sila sa mata ng isa't-isa hanggang sa magbaba ng tingin ang lalaki at dumako iyon sa kanyang mga labi.

She started to get tensed when he stared there for some second before looking back at her eyes once again but this time, there was something in his eyes that she cannot give description to.

Hindi na siya humihinga sa takot na baka marinig nito ang malakas na tibok ng kanyang puso.

Mariin niyang naipikit ang mga mata ng makita ang unti-unting paglapit ng mukha nito sa mukha niya.

Aware siya sa kung anumang sunod na mangyayari at alam niyang hindi iyon tama pero parang may sariling utak ang kanyang katawan na ayaw nitong kumilos sa kinatatayuan at hinihintay lamang ang sunod na kaganapan.

BOSS Series 1: My boss, His daddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon