BOSS • 10

104K 1.5K 23
                                    

"Would you mind?"

Napa-ha siya sa sinabi nito at huli na ng marealize kung para saan iyon dahil nakita na lamang niya na magkalapat ang kanilang mga labi.

Mabilis lamang ang halik na iyon na parang lumapat lang talaga ang labi ni Liam sa labi niya pero hanggang ngayon ay ramdam na ramdam pa rin niya iyon. She can still feel his warm lips againsts her.

Saglit pa siyang napatulala roon bago siya muling natauhan.

Pakiramdam niya, sobrang pula ng kanyang mukha na gusto na lamang niyang maglaho.

In the first place, why did Liam kissed her? For what?

"Sorry. I-I didn't mean to—"

Mabilis siyang umiling para putulin ang kung anumang sasabihin ng lalaki saka tumalikod dito.

She can't bear talking to him while her face is as red as the rippened tomato. At bakit ba siya pa ang mas nahihiya sa ginawa nitong panghahalik? Siya naman itong hinalikan, pero siya itong halos lumubog na sa kinatatayuan dahil sa sobrang kahihiyan.

Naglakad siya palapit sa isang pinto roon—iyong nasa may gawing kanan ng bahay saka walang lingon-likod na pumasok roon kahit pa ilang beses siyang tinawag ni Liam.

Marahan niyang ibinaba sa malaking kama si Blue saka ito pinagmasdan.

She's been unconsciously staring at her son but her mind is out there, wandering, thinking.

Liam was her first kiss!

Napatakip siya ng mukha nang marealize iyon.

Anong gagawin niya?

Napatuwid siya ng pagkakatayo at animo'y ipinako ang mga paa sa kinatatayuan ng marinig niya ang mahihina at sunud-sunod na katok mula sa pinto.

She does'nt know what to do! Dapat ba niyang buksan ang pinto? Kapag binuksan niya, ano namang sasabihin niya sa binata?

She chewed her lower lip, like what she always do when she's nervous as she heaved out a sigh before walking towards the door.

Pipihitin pa lamang dapat niya pabukas ang pinto pero kaagad na iyong nagbukas at ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng masino ang kumatok na iyon.

"Hi, Ate Ali!"

Saglit siyang napatulala sa kaharap.

It wasn't Liam!

"A-angie!" She tried giving her a smile.

She's somehow relief that it's not Liam whose now standing in front of her dahil baka hindi na siya magkandaugaga sa kung anong dapat gawin.

"Nakasalubong ko si Kuya Liam, doon sa ibaba, nag-hi nga ako kaso hindi namansin. May sakit ba siya? Namumula kasi ang mukha niya nang makita ko."

Napalunok siya roon.

Anong isasagot niya? Alangan namang sabihin niya rito na hinalikan siya ng lalaki kaya siguro namumula ang mukha ng tao? Alangan namang ganoon 'di ba? Ang sagwa namang pakinggan.

Napansin niya ang pagkunot ng noo ni Angie at ang pagsipat nito sa kanyang mukha na animo'y may nakitang dumi roon.

"Ikaw rin, Ate Ali!" Anito sabay turo sa kanyang mukha. Halatang na-amaze rin ito. "Namumula rin ang mukha mo. May sakit ba kayong dalawa ni kuya?"

Mabilis siyang napailing doon kasabay ng paghawak niya sa kanyang mukha. As if that would help her to wipe away the redness of her face right now.

"H-hindi." Tumawa siya roon pero dahil nga sa kinakabahan siya, nagmukhang peke ang tunog ng tawa niya. "Mainit kasi kanina sa labas kaya siguro ganito."

BOSS Series 1: My boss, His daddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon