"Would you like to live at my place?"
Her eyes grew wide on that.
What was that again?!
"Wait! Wait!" Agap nito. "It's not like what you think, Alisson. What I mean about that is, you and Blue can move to my place. Doon na muna kayo tutal wala namang gumagamit ng unit ko. Mas malapit rin 'yon sa opisina."
Nakahinga siya doon ng maluwag.
Ang buong akala niya, niyayaya na siya nito na magsama sila sa iisang bubong lamang.
No. She can't agree to that.
Hindi naman porke't nagmamagandang-loob ito ay sasagarin na nito ang pagtulong.
Can't he just take one step at a time? Bakit masyado yata itong nagmamadali? May time limit ba ang pagtulong nito kaya ganoon na lamang kung makapagsunud-sunod ng iniaalok sa kanyang tulong?
"Hindi naman na po kailangan, sir. Okay naman kami rito kung iyon ang inaalala niyo." Magalang niyang pagtanggi dito pero umiling ang lalaki.
"Hindi lang naman iyon, Alisson. I'm thinking about Blue's health. Gusto mo ba na maulit ang nangyari sa kanya? Gusto mo ba na may mangyari pang mas malala kaysa doon sa nauna bago mo i-consider ang iniaalok ko sayo?" He sighed. "Look, I don't want to force you but think of Blue and his welfare."
Natigilan siya roon.
May punto ang lalaki. Pero hindi naman niya basta-bastang matatanggap ang alok nito na iyon.
"Hindi sa sinisiraan ko ang lugar na ito at ang mga tao rito but this place isn't appropriate for him. Mas maganda kung sa maayos at tahimik na lugar lalaki si Blue. At mas magiging hands-on ka rin sa kanya kung tatanggapin mo ang alok ko sayo."
She stared at him. Pilit niyang inaarok ang mga sinabi nito.
Paano kapag tinanggap niya? Anong kapalit naman ang hihingiin nito sa kanya? At saka isa pa, paano nito nasabi na mas magigng hands-on siya sa anak sa oras na tanggapin nga niya ang alok?
Liam sighed again. "Fine. You don't want to accept that one then maybe, you'll agree with me on this." Matiim itong tumingin sa kanya. "I will live with you here."
What the fuck?!
"No!" Bulalas niya dahil sa gulat. Napakurap-kurap siya doon samantalang ito naman ay natigilan sa naging pagsigaw niya. She shook her head. "I- hindi ka pwedeng tumira dito, sir."
Kumunot ang noo nito. "And why?"
"Ano na lang ang iisipin nina ma'am Wiliana at sir Wilson kapag nalaman nila na dito ka titira? Baka isipin nila na may namamagitan sa atin kahit wala naman-"
"Why? Gusto mo bang may mamagitan muna sa atin bago mo ako payagan na dito tumira kasama kayo ni Blue?" Bigla ay nakangisi na nitong tanong sa kanya.
Lumaki ulit ang mga mata niya roon.
He got the idea wrong. Hindi iyon ang gusto niyang iparating dito!
Mabilis niyang iniiling ang kanyang ulo. "No! I mean- hindi-"
The man stopped her from talking by raising a finger in front of her face.
"I get it, Alisson. Pero walang mangyayari kung patuloy kang tatanggi sa mga iniaalok ko sayo. Hindi ba sinabi ko naman sayo sa ospital, I want to help you not just because I like you. Gusto kitang tulungan dahil deserve mong tulungan."
Napayuko siya roon.
Kaunti pang pangpe-persuade nito sa kanya, bibigay na siya. Kaunti pa baka pumayag na siya sa isa sa mga alok nito.
BINABASA MO ANG
BOSS Series 1: My boss, His daddy
RomanceHindi man perpekto ang buhay ni Alisson, masaya siya at kuntento. Basta nairaraos niya ang kanyang buhay at nakakain siya ng tatlong beses sa isang araw, sapat na iyon sa kanya. Hindi man siya kagaya ng iba na may mataas na pangarap sa buhay, alam n...