Prologue

315 10 0
                                    

First day of highschool.

Yan ang kauna-unahang beses ko siyang makita. Cliche ba? Eh sa totoo eh.

Ang nakakatawa pa, late siya nun at haggard na haggard ang itsura.

---------

"Hi?", pagbati ko at biglang nagtilian ang ibang girls. Napailing at napangiti na lang ako kasa itinuloy ang pagpapakilala. "My name is Silver R. Sa-".

Bigla akong napatigil sa pagpapakilala ng biglang bumukas ang pinto ng classroom.

Lahat ay napatingin dun sa babaeng pawis na pawis at hingal na hingal na akala mo'y hinabol ng mga zombie o halimaw sa labas.

"Ah- ha-ha, Mi-miss sorry po I'm late!" Hingal na hingal niyang sabi sa teacher namin. She was oblivious of the stares she's getting at nakahawak pa siya sa pinto at sa dibdib niya habang hinahabol ang kanyang hininga.

Pinapasok at tinanong ng teacher namin ang pangalan niya, "Hi everybody! My name's Monique P. Salazar. Nice meeting you all!", at saka siya ngumiti saming lahat.

Maya-maya, pinaupo siya sa next row na katapat ko lang. Pinapatuloy sakin ang pagi-introduce ko at saka ako umupo. Di ko mapigilang di siya tignan.

With her hair so messy, cheeks so red from running and panting, and face so slick with sweat, haggard to summarize it. I fell inlove for the first time.

Monique. I would never forget that name.

Message Not Sent (Story Of A Fool)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon