First Valentines

322 18 2
                                    

Dedicated sakanya. Siya kasi nagpopoint out sakin ng mga loop holes ng storyang ito nung tinatype ko pa. :) Thank you bespren!

-------------------------

First day of highschool.

Yan ang kauna-unahang beses ko siyang makita. Cliche ba? Eh sa totoo eh.

Ang nakakatawa pa, late siya nun at haggard na haggard ang itsura.

---------

"Hi?", pagbati ko at biglang nagtilian ang ibang girls. Napailing at napangiti na lang ako kasa itinuloy ang pagpapakilala. "My name is Silver R. Sa-".

Bigla akong napatigil sa pagpapakilala ng biglang bumukas ang pinto ng classroom.

Lahat ay napatingin dun sa babaeng pawis na pawis at hingal na hingal na akala mo'y hinabol ng mga zombie o halimaw sa labas.

"Ah- ha-ha, Mi-miss sorry po I'm late!" Hingal na hingal niyang sabi sa teacher namin. She was oblivious of the stares she's getting at nakahawak pa siya sa pinto at sa dibdib niya habang hinahabol ang kanyang hininga.

Pinapasok at tinanong ng teacher namin ang pangalan niya, "Hi everybody! My name's Monique P. Salazar. Nice meeting you all!", at saka siya ngumiti saming lahat.

Maya-maya, pinaupo siya sa next row na katapat ko lang. Pinapatuloy sakin ang pagi-introduce ko.

"Uhmm, my name's Silver R. Sandoval. 14 years of existence, basketball is my game, proud NGSB, single and ready to mingle.", pagpapatuloy ko sabay kindat sa ibang girls bago umupo at umingay nanaman ang room sa mga tili nila. Nakatitig lang ako sakanya all the time. Di ko mapigilang di siya tignan.

With her hair so messy, cheeks so red from running and panting, and face so slick with sweat, haggard to summarize it. I fell inlove for the first time.

Monique. I would never forget that name.

----------

Months went by. Maraming nagkakagusto sakin pero ewan ko ba at siya talaga ang gusto ko.

Di ko siya nililigawan. Di ko alam kung bakit at kung dahil ba torpe lang talaga ako at nahihiya o natatakot akong mabusted.

Pasulyap-sulyap. Patingin-tingin. Yan lang ang ginagawa ko nung mga panahong iyon hanggang sa malaman ng barkada ko na gusto ko siya.

Nung una, inaasar-asar nila ako pero pag wala lang siya kasi alam ng barkada ko na ayokong malaman niya at baka mailang siya sakin.

"Bro! Si Monique oh!", biglang siko sakin ni Kenjie.

"Tsss. Tumahimik ka nga! Marinig ka pa eh."

Nagtawanan ang barkada. "Torpe mo kasi, 'bro. Kung ako sayo liligawan ko na yan. Mahirap maunahan kung alam mo lang.", sabay sabi sakin ni Drake habang umiiling.

Naghiyawan ulet kami at inasar siyang 'Papa Jack' buong araw. Pero napagisip-isip ko yung sinabi nya.

Di naman siguro ako mauunahan no? Yung ang nasa isip ko.

Hanggang sa isang araw...

Lunch break. November nun at birthday niya.

"Monique, gusto kita! Pwede bang manligaw?!" Sigaw ng isang lalaki na taga-kabilang section at sa pagkakaalam ko ay matagal na ring may gusto sakanya pero ngayon lang umamin. Siya si Brent.

Naiinis ako nun. Di ko alam kung kay Brent dahil umamin siya. Kay Monique dahil pumayag siya. O sa sarili ko dahil ang tanga at torpe ko. Di ko alam.

Message Not Sent (Story Of A Fool)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon