3rd year.
Wala masyadong nagbago. De joke. Isang malaking kasinungalingan yan.
Ang dating going strong na couple, on and off na ngayon. Pero di ko alam. Di ko alam kung dapat ba akong magsaya o hindi. Magsaya, dahil may chance na ako kahit papaano o hindi, dahil nakikita kong nasasaktan siya? I decided to be neutral.
Pero third year. Eto rin ang pinakaweird para sakin ngayon. Bakit? Kasi unti-unti kong nagiging close si Monique. Pero hindi lang yun kundi nasama sa barkada namin si Brent. Ngayon, naguguluhan na ako.
PERO. Pero nanaman, hindi lang dyan nagtatapos ang lahat. May nanliligaw sakin. Yep! You read that right. I mean, babae manliligaw sa lalaki? Alam kong 21st century na ngayon at may mga ganun na pero seriously? Sakin? Ganito na ba ako ka walang-alam sa paligid ko na di ko alam na marami pala talagang nagkakagusto sakin? Wew.
Ang gulo na nang buhay ko.
Actually, mabait, maganda at matalino pa yung babaeng nanliligaw sakin.
Jackpot and all-in-one na nga daw sabi ng mga kaibigan ko. Kumbaga, girlfriend material. Pero di ko siya gusto. Naawa ako sakanya kasi alam kong malaking pride ang nilunok niya para manligaw sakin and such. Tsaka ang pangit namang tignan kung ba-bustedin ko ang isang babae diba? Kainis.
Di ko rin alam kung umaasa lang ako o talagang napapansin kong laging tingin ng tingin sakin si Monique. Mayroon pa ngang isang beses, habang nagbabasketball kami nung P.E. eh nag-foul si Brent at tinulak ako. Nag-sorry naman siya pero iba ang feeling ko nun. Yung feeling na sinadya niya? Ganun.
Pero kahit anong mangyari, tuloy parin yung pangako ko. Di ko yung isasantabi kahit kabarkada na ngayon si Brent. Kahit ilang beses nya pa kong itulak pag basketball, kahit magkagulo at magka-away kami, hindi. Masyadong maraming pagkakataon at oras na ang nasayang at ginugol ko para mag- give -up lang.
-------
February 14, 20xx
Same old, same old.
Katulad nang nagyari last year, alas-ais na ako nagising kaya di na ako nakaabot sa fair. Diretsong school ako para sa school dance.
Pagpasok na pagpasok ko pa lang, iba na ang atmosphere. Parang ang weird ng feeling. Di ko 'to gusto.
Pumunta ako sa table namin. Nang naglalakad ako papunta dun, maraming nakatingin, maraming nagbubulungan. Yung mga ngiti nila kakaiba, yung iba naman umiiling. Ewan ko ba. Para tuloy gusto kong lumabas.
Kumain lang kami ng barkada. Wala sa table namin si Brent at Monique pero nasa kabilang table si Briennen, yung babaeng nanliligaw sakin at kanina pa siya tingin ng tingin dito samin. Iba na talaga pakiramdam ko. Ayoko ng ganito.
Kwentuhan. Tawanan. Yan lang ang ginawa namin. Yung iba naman nakikipagsayaw at nakikipagkwentuhan sa mga ka-date nila ngayon o kaya sa mga kaklase namin. Naiwan akong mag-isa sa table namin.
Maya-maya, nakita kong pumunta sa gitna si Briee. Bumulong siya sa emcee, tumango at ngumiti naman ito.
Bigla tuloy akong kinutuban at nanlamig. Gusto kong umalis sa pwesto ko nung mga oras na yun pero di ko magawa. Naestatwa ako. Alam ko na ang gagawin nya at di ko alam ang gagawin ko.
"Ahem- ahem. Good evening sa lahat!", pagbati niya sa mga kaklase at iba pang estudyante. Nakita ko siyang tumingin sa gawi ko, ngumiti ng bahagya at umiwas agad ng tingin.
" Ummm, una po sa lahat alam kong yung iba nawe-weirduhan siguro sakin ngayon kung bakit ako nandito, nagsasalita. Hahaha. If you don't mind I want to share a story first." Umubo muna siya bago magpatuloy, "Second year nang lumipat ako dito. I was so shy nun. Syempre wala akong kakilala na kahit na sino maliban sa napaka-epal at kulit kong pinsan. Pero di ko alam na may girlfriend na pala siya kay yun, wala ako laging nakakasama. Once, dahil ayokong kumain ng lunch mag-isa, pumunta ako sa gym. May nakita akong lalaki nun."
BINABASA MO ANG
Message Not Sent (Story Of A Fool)
Historia Corta"Palagi, kapag February 14, Valentine's Day, sinesendan ko siya ng text message na nagsasabing mahal ko siya. Pero ang malas nga lang kasi laging "MESSAGE NOT SENT".