May.
Isang buwan nang nakalipas. Triny ko siyang kalimutan pero di ko kaya. Di ko kinaya. Siya talaga ang gusto ko. Siya lang.
Naglalakad ako nun sa may park nang may nakita akong wishing well. Kumuha ako sa bulsa ng natitirang barya sakin. At kaysa humiling, nangako ako.
Nangako ako sa sarili kong di ako susuko.
Panibagong school year. Maraming pwedeng mangyari. Maraming pwedeng magbago.
"Ise-send ko ulit sa kanya ang message na yun sa Valentines. Bahala na kung anong mangyari. Pangako di ako titigil hangga't di ko yun nase-send." Sabi ko sa sarili ko bago inihulog yung barya sa wishing well.
Pangako ko yan. Di ako susuko, Monique.
-------
2nd year.
Going strong sila. Pero ako? Focus muna sa studies. Maganda rin 'tong distraction kaysa saktan ang sarili ko sa pagtingin-tingin sa kanila.
Kaklase ko na rin nga pala ngayon si Brent na kinatuwa ni Monique at nang iba pa nilang kaibigan at "fans".
Weird. Tawag ng mga fans nila sa sarili ay 'BreNiquers'. Parang Snickers lang 'no? Hahaha! Ayoko na ngang isipin yun, nagugutom lang ako eh. Tsk tsk.
Alam ng barkada na nasasaktan ako kaya sinabi nilang mag-move on na lang ako. Minsan pa nga tina-try nila akong makipag-blind date at kung kani-kanino ipinapakilala. Grabeng bugaw ang inabot ko sakanila. Kulang na lang mag-post sila ng picture sa E-bay o kaya sa Facebook at ilagay na FOR SALE. Mababait na kaibigan hahaha.
Pero siyempre hindi nila alam yung ipinangako ko sa sarili ko. Kaya di ako susuko.
"Sa Valentines. Konting tiis lang. Konting tiis, Silver."
-------
February 14, 20xx
Di ako nakapunta sa fair namin dahil mga 6 pm na ako nagising. Dali-dali akong nagbihis para makapunta sa school dance. Walang fireworks display ngayon kasi nagtitipid ang school namin para makapagpatayo ng panibagong building at pang-renovate sa school.
Nang makarating, tumayo lang ako sa gilid ng pinto ng gym namin. Maya-maya, linapitan ako ni Karl, kabarkada ko.
"Pre, may load ka?", tanong nito sakin.
"Yeah, bakit?", tanong ko naman dito.
"Patext naman ako, 'tol. Bayaran ko na lang yung mababawas sa load mo. Hinahanap daw kasi ako ni Kates sabi sakin ni ate at kanina pa text ng text sakin yun. Wala kasi akong dalang pera ngayon eh."
Pumayag na lang ako. Si Kates, girlfriend ni Karl na taga-ibang school. Hay buhay, buti pa yung mga kabarkada ko may gf, eh ako? Wala. #TorpeProblems nga naman oh.
Pumunta ako sa table ng mga kabarkada ko. Kumain lang kami, nagkwentuhan at tawanan at saka nakipagsayaw iba naming mga kaklase at kakilala. Naalala ko nanaman yung nangyari last year...
Maya-maya, napatingin ako sa oras. 11:30 na. 11:30 lang naman pala eh. 11:30 ng ga- Ow shit! Ang cellphone ko!
Kapa-kapa sa bulsa. Asan ang cellphone ko? Shit! Na kay Karl nga pala. Ise-send ko pa yung kay Monique!
"Karl! Cellphone ko?!", sigaw ko kay Karl nang makita ko ito.
Nanlaki ang mata niya. Pucha wag niyang sabihin na nawala niya yun kundi-, "Eto pare oh! Sorry nakalimutan kong ibalik kanina. Bayaran ko na lang sa lunes ha?" sabi nito sakin at tumango na lang ako bilang sagot dahil 11: 59 nanaman.
Shit. Dejavu lang. Ayun. Yung sa drafts! Click "Send".
'Sending'.
Nakatitig lang ako sa phone ko ngayon. Nananalangin na sana mag-send.
'Sending...'
"Ayan na. Sige na oh. Please...", para akong tanga na kinakausap ang cellphone ko nang....
"MESSAGE NOT SENT."
NAK NG! Maya-maya may nag pop-out na box.
"LOADWATCH: Your load balance is not enough to send a text. You only have P 0.00 that will expire on 2/27/20xx 11:50. Please reload soon to continue sending texts."
PUCHA! ANG MALAS KO NAMAN OH! ISANG DAAN PA YUNG PINALOAD KO PAGKATAPOS NAUBOS LAHAT? KARL HUMANDA KA SAKIN!!!!
BINABASA MO ANG
Message Not Sent (Story Of A Fool)
Storie brevi"Palagi, kapag February 14, Valentine's Day, sinesendan ko siya ng text message na nagsasabing mahal ko siya. Pero ang malas nga lang kasi laging "MESSAGE NOT SENT".