Dedicated sa kanya dahil natuwa ako sa comment nya sa previous chapter. Mwahaha. Hi! :)
---------
4 years.
4 years na ang nagdaan.
Nag-college ako sa London. Dun na kami nakatira ng pamilya ko. One of the most eligible bachelor na rin ako dun. May sarili na akong kumpanya. This year, pwede na rin akong mag-apply bilang English citizen. Angas noh?
Masaya, new people, new school, new environment. Masaya nga ba?
Bakit ganun? Parang hindi. 'May kulang kasi eh.' Yan ang sabi ni Mr. Heart
'Wala ah. Di ka lang talaga makuntento.' Yan naman ang pangongontra ni Isip.
Pero kahit anong gawin kong pag-iisip ng pangontra sa sinasabi ng puso ko , alam kong tama ang puso. Tama ang sinasabi ng puso ko.
4 years. 4 years na ang nagdaan. 4 years pero di ko pa rin sya magawang kalimutan. 4 years at di parin ako nakamove-on. Tanginang 'yan! Ngayon, sigurado na ako na ginayuma ako ng babaeng 'yon.
Kilala nyo parin naman kung sino 'yon diba? Sino bang makakalimot? Monique Perez Salazar. Ang babaeng una kong minahal. Ang babaeng inibig ko nang 4 na taon at hanggang ngayon na apat na taon na din ang lumipas, mahal ko pa rin.
Touché.
"We had now landed on Ninoy Aquino International Airport. Thank you for being with us and have a great day!", sabi ng babae sa intercom.
Napailing na lang ako. Hindi ko man lang namalayan na naka-land na pala kami dahil sa kakaisip ko kay Monique.
Hinintay ko munang kumonti ang mga taong nagmamadaling bumaba ng eroplano kasa kinuha ang bag ko sa compartment at lumabas. Pagbaba, tinignan ko ang mga tao sa paligid habang hinahanap sila.
" 'Tol! Dito! Huy Sandoval!", may narinig akong sumisigaw ng pangalan ko. Palinga-linga ako nang makita ko sila sa bandang kanan. Nasa may dulo sila at marami ring tao kaya mahirap mahanap.
Naglakad ako papunta sa kanila habang hila-hila ang mga baggahe ko. "Huy Kenjie! Taas mo kasi yung tarpulin para makita tayo ni Silver hindi yung tinatago mo gago!" Narinig ko pang nag-aaway sina Karl at Kenjie. Nakabalik na pala si Karl galing America di man lang nagsasabi. Tsk tsk.
Kumaway ako sakanila para sabihing nakita ko na sila. Tinignan ko kung sino-sino ang nandun. Si Kenjie na ngayon lang tinaas yung tarpulin na may picture nung graduation namin nung elementary at nakalagay na "WELCOME BACK SILVER SANDOVAL".
Putragis mukha pa akong pugo sa picture na yun!
Tinignan ko pa kung sino-sino. Andun syempre si Drake, si Karl kasama si Kates at hawak-hawak ang kamay nito. Meron din isa pang babae at isa pang lalaki na hindi ko parehas na kilala pero magkahawig sila. Baka magkapatid o magpinsan? Napansin ko din na wala si Chase. Bakit kaya?
BINABASA MO ANG
Message Not Sent (Story Of A Fool)
Historia Corta"Palagi, kapag February 14, Valentine's Day, sinesendan ko siya ng text message na nagsasabing mahal ko siya. Pero ang malas nga lang kasi laging "MESSAGE NOT SENT".