4th year.
Last year na ito.
Last year ng highschool.
At last year na din ata ng sa pangako ko.
Panibagong buhay. Maraming nagbago simula nun. Nung araw ng Valentines na nang-busted ako, nasuntok ako, nahold-up at nakuha ang cellphone.
Panibagong school. Pinalipat ako ng school ng mga magulang ko. Di ko alam kung dahil ba sa nangyari nung Valentines (at di ko alam kung pano nila yun nalaman pero di ako sure kung dahil nga dun). At siguro dahil lumipat kami nang bahay. Hindi naman sobrang layo na lumipat nang city o anu man. Pero kasi kung susukatin yung byahe papunta sa dati kong school aabutin pa nang 30 minutes halos kaya inilipat na lang ako ng school na mas malapit sa panibago naming bahay.
Panibagong kabarkada din. Dahil lumipat ako ng school, syempre panibagong mga kaibigan. Di ko naman kinalimutan yung mga dati kong kabarkada na sina Chase, Drake, Karl at Kenjie. Parang nadagdag lang sa barkada namin yung mga bago kong kaibigan. Atsaka kasi lumipat na sa ibang bansa si Karl dahil matagal na palang usapan na dapat dun siya magha-highschool kaso nagpumilit siya na dito mag-aral kahit haggang third year lang para sa girlfriend niyang si Kates. Kaya ngayon? LDR sila pero atleast going strong parin. Feeling nga namin magkakatuluyan yung dalawa eh. Hahaha.
At syempre mawawala ba ang panibagong cellphone? Hahaha. Kahit ilang beses nang nag-epic fail ang mga plano ko di pa rin ako susuko... Pero sa tingin ko tama ang barkada, na dapat tumigil na ako pagtapos nitong fourth year.
>FLASHBACK<
"Hahaha! Grabe pare! Lakas mo talaga. Akalain mo yun, nambasted ka na, nasuntok, pumutok ang labi at lahat lahat tapos mahohold-up pa?" , pang-aasar ni Karl.
"Hahahaha. Boom panethhh!" pang-aasar din ni Chase. Mga lasing na nga.
"Oh teka. Makalimutan pa yung mga pagkain. Buti eto di nakuha 'no Sil?", si Drake naman. "Grabe ang bubuti niyong kaibigan! Tae kayo!" sagot ko sa mga ito. Nagtawanan na lang ulet sila habang ako umiiling.
Naalala ko yung cellphone ko. Siguro, message not sent nanaman. Lagi naman eh.
Tumingin ako sa langit. May dumaang shooting star pero di ako nag-wish. Bigla akong napaisip. Di kaya sign na yun, yung paghohold-up sa cellphone ko, na dapat sumuko na ako kay Monique? Ewan. Bahala na. Basta ngayon ang gusto ko lang ay makalimutan ang lahat.
Bumalik kami sa bahay nina Chase. Tinuloy ang naudlot na mini inuman session.
Tawa kami ng tawa dahil sa mga jokes at trip ni Karl. Nilagyan nya kasi ng hot sauce yung inumin ni Kenjie ng umalis ito sandali. Pagkatapos, bumalik din ito agad at kinausap ng kinausap ni Karl para tignan kung iinumin yung T.Ice habang kami pigil na pigil sa tawa.
Maya maya nagulat kami nang inumin nya ni Ken at sa sobrang anghang ay naibuga sakanya. "PUTANGINA! ANG ANGHANG PENGENG TUBIG! PENGENG TUBIG! DALI!!! SINO BA KASING NAGLAGAY NG HOT SAUCE DITO?" Sigaw samin ni Ken na namumula na at nagsisigaw habang nakalabas ang dila. Kadiri hahaha. Mukha siyang timang.
BINABASA MO ANG
Message Not Sent (Story Of A Fool)
Short Story"Palagi, kapag February 14, Valentine's Day, sinesendan ko siya ng text message na nagsasabing mahal ko siya. Pero ang malas nga lang kasi laging "MESSAGE NOT SENT".