Magical 7: Everything has changed

287 29 14
                                    

Melissa's POV

Matagal na akong nandidito sa Mojo Burg. Grabe, nakakapanibago. Ang daming kong nalaman simula nung nakadating ako dito. Mahirap man tanggapin, pero ito nga talaga ang nakalaan sa akin.

Hindi ko inaakala na ang isang simpleng estudyante na kagaya ko ay isang goddess. Oo, isa akong goddess. Goddess of Light. Hindi nga ako makapaniwala eh, kasi kahit anong gawin ko walang light talaga eh.

Kaya nandidito ako ngayon, wala na kami sa castle. Ilang araw na ang lumipas nung pumunta ako dun, nung dinumog ako tapos nung nahimatay ako. Grabe, sobrang pagod ang naramdaman ko nung nagising ako. Loka talaga.

Madami akong nakilala na mga witches, gods and goddesses, may mga mythical creatures din. Sabi nga ng ibang elders sa akin, na dapat na daw akong magsanay para maging kabisado ko na ang powers ko.

Kaya magtratraining ako sa Holmes or more like magaaral ako dun, wizard,witches,gods and goddesses alike. Holmes is a place for young people who wish to master their powers. To be exact, isa siyang school. An extraordinary school.

Hindi pa naman nagsisimula ang klase kasi next week pa daw. Hindi ko kasama sina Kuya Light at Ate Dark. May ate na kasi, mas matanda pala sila kaysa sa akin. Hahaha!

Ready na nga ako sa pagtratraining ko sa Holmes eh! May guardian na ako, isang unicorn.  Mukhang pusa nga eh at kung gaano kalaki ang pusa yun rin yung unicorn ko! Di ko inakala na ganito pala kalaki ang unicorn. Pero cute naman, natutulog pa siya sa cage niya. Tapos yung mga ibang kailangan naman ay nandun na rin. Buti nalang may iniwang pera ang Light Family.

Oo, kasi ako nalang daw ang natitirang light. Pera nila ang ginamit, grabe na talaga yung libre. Hahaha! Anyways, nagstastay muna ako dito sa isang village, sa isang tower, parang hotel. Tapos bukas pupunta na ako sa Holmes, sasamahan ako nila Kuya Light.

Tinatanaw ko ang paligid ko ngayon, ang ganda kasi ng view ko ngayon. As in parang kinulayan talaga, may mga mabeberdeng kahoy. Mga nagliliparang mga ibon. Ah wait, nandidito kasi ako sa tatlong palapag ng tower. Dapat masanay na akong maging independent.

May nakita akong isang babaeng nagaalaga ng mga bulaklak. Hala! Naaalala ko tuloy si Mama. Hala, alam kaya niya ang nangyari? Hayy. Sana naman makausap ko siya. Napabuntong hininga nalang ako.

Isisira ko na sana yung bintana. Pero may nahagip akong isang lalaki sa baba. Nakabalot siya ng itim. Nakatingin sa akin tapos nakangiti. Napalaki naman ang mata ko, tas nawala siya. Katakot!

Isinara ko na yung bintana. Grabe, tumindig ang balahibo ko nun ah! Napahawak naman ako sa magkabilang balikat ko. Sino kaya yun? Ba't kaya ngumiti yun sa akin? Umupo ako sa kama ko, nakita ko yung unicorn na mahimbing natutulog.

*tok tok

Napatingin ako sa pintuan. May kumakatok. Ayaw kong buksan kasi ang bilin ni Ate Dark, wag basta bastang magbubukas ng pintuan. Hindi nalang ako umimik o nag ano. Kumatok naman ito ulit, at yun na ang huling katok. Napahawak naman ako sa dibdib ko. Grabe, mas nakakatakot pala dito!

Nakaupo pa rin ako dito sa kama ko, gabi na rin. Nagugutom ako pero ayaw kong lumabas. Huhuhu! Magtiis ka, Melissa. Tama.

Pahiga na sana ako sa kama ko nang may kumatok na naman ulit sa pintuan, "Illumina?" boses ni Ate Dark. Yey! Agad akong tumakbo papuntang pintuan tapos binuksan ito. At bumungad sa akin sina Kuya Light, Ate Dark!

"Ate! Huhuh! Ayoko dito!" pagbubungad ko. Tumawa naman sila. Eh seryoso ako dito eh!

Hinawakan naman niya ang ulo ko, "Sus, drama. Tapang mo nga dun sa ospital eh! Right, Light?" nangaasar pa eh! Tas pumasok na sila sa loob ng kwarto. Sumunod naman ako at sinara yung pintuan.

Magical AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon