Magical 6: Questions..Answers..

312 32 13
                                    

A/N: Will edit/proofread and will clear everything po, starting m.1 kasi ako mismo ang author nalilito din! Comment lang kung may reklamo.

--

Mandy's POV

Tatlong araw na kaming nagstastay dito sa bahay ni Lolo. Naguusap kami tungkol sa mga bagay-bagay, bakit ako nandidito at mga iba pa.

May nabanggit naman si Lolo tungkol sa animagus guardian ko na si Furche. Pero balewala lang yun, wala lang yun.

At napag-alaman ko lang na madami pala akong kamag-anak dito sa town. Ang saya lang! Namimiss ko tuloy si Kuya. Kumusta na kaya siya? Hay. Kung malakas lang sana ako.

May kumatok sa kwarto ko, "Mandy, kakain na." si Lolo lang pala. Agad akong sumagot tapos lumabas ako agad sa kwarto.

Nagsimula na kaming kumain, tahimik lang kami kumain kasi ayaw ni Lolo na maingay tuwing kumakain. Pati na rin si Steve, nakaadapt naman siya sa mundong ito. Natuto na rin siyang mag self-defense. Since alam na niya noon kung pano mag taekwondo at karate.

Natapos na kaming kumain. Tinawag ako ni Lolo sa labas ng gubat. May pupuntahan daw kami, pinaiwan niya lang dun sina Steve at Furche sa bahay para magbantay. Ano kayang gagawin namin sa gubat?

**

"Sinabihan ko na ang Mommy mo tungkol sa pagpunta mo dito sa Mojo. At halata sa kanya na wala kang binanggit na rason kung bakit ka nandidito. Pasaway kang bata ka" pasimpleng sabi ni Lolo sa akin. Yumuko nalang ako dahil nahihiya akong tumingin sa kanya. Pasaway naman talaga ako noon pa.

Napabuntong hininga siya kaya napatingin ako sa kanya, "Miss mo na Kuya mo?" nabigla ako sa tanong niya. Ngumiti lang ako kasi parang ayaw gumalaw ng bibig ko. Sobrang miss ko na talaga ang Kuya ko.

"Alam mo, kahit may kapangyarihang taglay ako. Hindi ko pa rin naisip na malakas ako at kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Hindi mahirap ang mabuhay kasi mas mahirap ang manatilihing buhay kahit alam mong malapit ka nang mamatay. Pero madaming paraan upang mabuhay, sa tamang paraan o sa maling paraan. Ikaw ang magdedesisyon nito. Kung saan ka liligaya at iiwasan mo kung saan ka lulungkot. Komplikado diba?" napatulala ako sa sinabi ni Lolo. Ano ang ipinapahiwatig niya? May gusto ba siyang iparating? Tinignan ko siya ng nakakunot ng noo.

"Hindi mo nakuha ang iniibig kong sabihin kasi hindi pa ngayon ang tamang oras. Maiintindihan mo rin yan, kulang pa nga yan eh. Ikaw na ang bahala magtuklas sa dugtong niyan." dagdag na sabi niya. Uwah! Masyado akong bobo para sa mga sinasabi ni Lolo sa akin!

Ang tanging reaksyon ko lang ay tulala. Nakatulala lang ako tapos tumatango-tango. Di ko gets si Lolo eh! Napakamot nalang ako ng ulo dahil ang gulo ni Lolo. Ganyan na ba talaga ang mga matatanda? Magulo? Dejoke! Hahaha! 

"Teka, ano nga ba yung sasabihin mo sakin tungkol sa bestfriend mo na si Melissa?" sambit ni Lolo  sa akin. Ah oo! Muntik ko nang malimutan na sasabihin ko pala sa kanya yung nalaman ko kay Melissa. Wala lang, gusto ko lang i share.

"Eh kasi Lolo, si Melissa nahimatay nung Foundation Day sa school namin. Tapos na admit siya sa ospital, alalang-alala kaya kami nun kasi bigla-biglaan. Tapos yung kasama ko na si Steve. Nandun din siya nung nahimatay si Melissa. Binabantayan ko si Melissa nun tapos may nasambit siya na Shadow.." halatang nagulat si Lolo kasi napalaki ang mata niya tas maya maya tumango siya, ibig sabihin nun sabi niya na ipagpatuloy ko daw yung sasabihin ko.

"..oo. Lolo, mauulit ba ulit yung nangyari noon? At kay Melissa pa? Lolo, sapat na si Kuya. Namatay siya pagkatapos niyang sabihin ang Shadow... pagkatapos nun kagagaling namin ni Steven sa isang store tapos pagbalik namin. Wala na si Melissa tapos may iniwan siyang sulat.. at eto yun."

Magical AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon