Magical 10: Around Holmes v.2

190 19 9
                                    

Mandy's POV

My first week in Holmes.. well. It's not that hard. May mga kaibigan na rin ako, pero not that close. Yung roommate ko naman sa dorm, sobrang tahimik! Kulang nalang pukpukin ko ng baston ko.

Magsisimula na ang pasukan kaya, naghahanda na kami. Dala ang libro, baston at cloaks namin. Magkaiba kasi kami ng uniforms sa mga demigods. Sa kanila ay yung parang goddesses outfit, hindi ko madescribe.

"Oy? Hindi ka pa aalis?" sabi ko kay Lina. Roommate ko.

Umiling lang siya tapos sumenyas na umuna na lang daw ako. See? Hindi ko pa narinig boses niyan eh! Tumango nalang ako at lumabas na sa kwarto. Bahala ka diyan.

Lumabas na ako sa dorm. Kumusta kaya yung mga demigods ano? Balita ko kasi na ang hirap daw tumawid galing sa dorm papunta sa Holmes.

Nakalayo na ako sa dorm namin. Binigyan naman kasi ng guide map kung saan-saan kami pumunta para hindi maligaw. And para may direksyon kung saan ang mga classrooms namin.

Madami nang pumasok na witches, wizards, demigods. Space out ako dito kasi converted lang ako. Pero kabog beauty ko, I know!

"Excuse me." may kumalbit sa akin. Tinignan ko sino. Ah, demigod. Halata naman eh.

"Yes?"

"May guide map ka? Pwede patingin saglit? Wala pa kasi samin eh! By the way, I am Lissa! May kaibigan ako dun si Mina!" sobrang daldal. Tapos may tinuro siya dun, babaeng nakatalikod at nagtingin-tingin sa paligid.

Familiar siya. Sana lumingon siya. Sobrang familiar ng likod niya.

"Uh? Oy?" ay nandito pala si daldal. Binigay ko sa kanya yunf map ko tas ngumiti ako at nilingon ulit yung si Mina daw?

"Ah! Dun lang pala! Aish! Sige sige!" ang ingay naman ng babaeng ito. Kunot na kunot ang noo niya tapos may pa kamot pa ng batok niya. Hindi cute. Sorry!

"Ayy! Thank you ah? Ano pala pangalan mo?" sabi niya tapos sinauli na niya yung guide map ko.

"Walang anuman. Mandy pala."

"Ah okay! See you around sa Holmes! Sana maging kaibigan tayo! Byebye!" tapos tumakbo na siya.

Nagkibit balikat nalang ako tapos itinuon ang pansin sa guide map ko. Pero nabobother talaga ako dun sa kaibigan niya, sobrang familiar eh. Sana lumingon man lang!

Nagsimula na akong humakbang, at gamit ang guide map ko. Pupunta na ako sa classroom ko kasi ayaw ko ma late.

**

Nandito na ako sa classroom namin. Dun ako sa bandang gilid malapit sa bintana kasi kung mabobored ako sa lessons, dun nalang ako sa nature sa labas. Oh diba?

May narinig akong ingay galing sa pintuan kaya napatingin ako doon. Isang lalaking nasa 40+ ata, naka cloak at halatang strikto ito base sa mukha at ekspresyon nito.

Mabagal itong naglalakad at tinitignan ang bawat sulok ng classroom, oh kaya tinignan ang mga mukha namin? Baka mainlab sa akin ito! Joke! Yuck lang!

Umayos ako ng upo. Ayaw ko naman mapagalitan ano? Inayos ko ang libro at cloak ko. Pa poise muna ang peg.

"Morning, I am Professor Envede. Your homeroom teacher. Your schedules." tapos may lumabas na papel sa harapan ko. Kinuha ko agad yun. Ito pala schedule namin.

Agad kong nilagay ito sa front page ng libro ko tapos nakinig ulit.

"Ngayon lang kayo nakapasok ng Holmes, tama ba?" tumango naman kami lahat.

"Okay, sana naman ay maintindihan niyo ang rules ng Holmes. Magkaiba ang sa dorm niyo at dito. Learn to obey and not to disobey. Dadating na ang professors niyo mamaya. Wag kayo makulit, first day pa." tango lang ang kaya kong gawin muna.

Magical AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon