Magical 8: Welcome to Holmes

283 28 26
                                    

Melissa's POV

"Illumina?" napalingon ako sa nagsalita. Ah si Ate Dark lang pala. Kinuha ko na ang mga gamit ko tsaka yung cage na kinanalagyan ng unicorn ko.

"Are you ready?" tanong nito sa akin. Tumango na lang ako, kahit alam ko na hindi ako gaanong ready. Malay mo, kung anong meron dun sa Holmes tsaka hindi lang mga demigod (mga hindi pa natatanggap ang blessing galing sa former god/goddess) na kagaya ko ang nandun, nandun rin ang mga converted ones, wizards and witches. Baka mahirap kasi hindi mo kapareha lahat ang nandun.

Sumakay kami sa isang carriage. Tapos bigla nalang itong lumipad papunta sa ere. So, I suppose na nasa kalangitan ang Holmes? Cool. Mukhang mahirap tumakas ah.

Nakatingin lang ako sa labas. Hindi ko akalain na nasa ulap na pala kami. Hanggang sa hindi ko na makita ang Mojo Burg. Pero may nakita akong isang lugar din. Di ko ata alam yun?

Natakpan na ng ulap ang Mojo Burg. At may liwanag akong nakikita, parang langit. Ang ganda dito! Napapalibutan ito ng ulap na kulay gold tapos nagsisidlak. Tas may mga bulaklak sa gilid. May tubig na nakadaloy sa dulo ng ulap, tapos may gate. May apoy sa baba nito. Wow. Parang air,water,earth,light and fire. Tapos may mga nagbabantay.

Akala ko dun kami pupunta pero dinaanan lang pala namin. Haist, kala ko naman. Napabuntong hininga nalang ako habang palayo na kami dun sa parang palasyo na lugar.

Huminto na ang lipad ng carriage. Tinignan ko ang paligid, ito pala ang Holmes. Ang ganda naman. Pero mas maganda yung nakita ko kanina, sinulyapan ko naman. Ang ganda talaga.

May kumulbit sa akin nilingon ko naman, "Puissant Kingdom." napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Ate Dark.

"Puissant Kingdom? Ano yun? Ang weird." sabi ko nito. Tumawa ito tapos may tinuro siya at sinundan ko naman iyon.. Ah! Yung palasyo pala. Yung nakita kong maganda kanina. Tumatango-tango nalang ako.

"Psst. Illumina, the boats are about to leave. You need to go now." boses ni Kuya Light. Bumaba na ako sa carriage. Bumaba na rin si Ate Dark.

"Illumina, train yourself. Prove that you are strong. Always remember, your name is. Illumina Blazeheart. Okay?" tumango nalang ako. Parang Mama ko si Ate Dark, teka. May Mama ba ako?

Tatanungin ko sana sina Ate Dark pero umalis na ito. Pero nandidito pa rin pala si Kuya Light. Parang may tinitignan siya sa paligid, tapos yumuko siya para magkalevel kami.

"Illumina, you are a goddess. But, not yet a fully one. In order to become a true goddess, you need to master the ability that the former god offered to you, he/she may not have given his/her blessing yet but it will come. And that is light, and.. I don't know. You must discover more of yourself, there is something deep in you. Make sure you will find your inner self. Here." tapos may ibinigay siyang necklace sa akin. Kinuha ko ito tapos sinuot, tinignan ko ang pendant. Isang bilog at may limang bilog na nakahugis sa loob nito, tapos ang apat dun ay walang laman. Isa lang, at ang kulay ng bato ay yellow.

"Take care of the necklace. Please don't fail the Light Clan. They depend on you." tapos umalis na siya. Ang weird? Pero ang ganda ng necklace na binigay niya sa akin. Kasi gold ang gawa nito tapos ang pendant ay bilog tapos may mga maliliit na bilog dito. Lima, pero yung apat ay walang laman tapos isa lang meron. Kumikintab ito.

"All aboard! Student's of Holmes. Aye aye! Hop 'on!"

Hala! Dali dali akong tumakbo papunta dun sa boats. Tinignan ko kung saan ang mga gamit ko, dun pala sa ikatlong boat. Dali dali akong sumakay dun tapos pumwesto malapit sa mga gamit ko.

"Splashy splashy ride, student's ey? Hohoho"

Weirdo ng tawa. Grabe, napasinghap ako nung nakita ko yung nagsasalita. Grabe, kalaki laki ng boses pero ang liit?! Seryoso. Dwarf ito? Eh? Aish.

Magical AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon