Magical 2: OMG!

445 38 38
                                    

A/N: Soooooo...... sige na nga :) Kahit kaunti lang ang reads ^__^ mag tu-2014 na eh! Merry Christmas sa inyo <3

Dedicated kay Alohommora :P Wag mong sabihn sino ako ah? <3

--

Mandy's POV

Kasalukuyan akong nandidito sa hospital kasi binabantayan ko si Melissa, nung nabungo niya yung truck na ang nagmamayari ay yung katabing Booth namin. Clumsy kasi tong isa 'tong eh! Tsk. 

Halos apat na oras na ako dito! Pero babantayan ko siya kasi bestfriend ko siya. Sabi ng doctor, hindi naman daw malala yung pagkabunggo niya, nawalan lang daw ng malay pero makakalabas na siya bukas na bukas din.

May bumukas ng pinto at nakita ko si Steve sa likod nito.

"Uh? Ikaw yung bestfriend ni Melissa diba? Yung si Marie? Macy?" tanong niya sakin, napapoker face naman ako. Hiyang hiya naman ako kasi hindi ako kilala! Ang dami ko namang pangalan! 

"..Ma-" dagdag pa niya kaya agad kong pinutol ko ang pagsasalita niya.

"Mandy."

Tipid kong sagot. Ayoko sa mga taong madaldal.

Napakamot siya ng batok at nanghingi ng tawad tapos umupo siya sa sofa ng room.

Tatayo na sana ako ng "Shadow.."

Napatingin ako sa nagsasalita at mula ito kay Melissa.. teka? Shadow? Shadow? Don't tell me...

Gumalaw ng konti ang kamay niya at pinilit na imulat ang mata niya kaya agad akong bumalik sa pagkapwesto ko! Magigising na siya!

Gumagalaw na siya at pinilit pa rin niyang buksan ang kanyang mga mata.. hala?

"ugh..Sha--" bago pa niya itinuloy yung sasabihin niya, niyugyog ko siya.

"BES BES! GISING!" at niyugyug ko siya to the max..GOSH! Ito yun eh! Sure ko masamang panaginip to! Nangyari na to eh! Please..

Napatayo sa pagkaupo si Steve at inawat ako "Oy! Kalma lang! Baka masaktan si Melissa!"

Agad ko namang binitawan si Melissa at napatanto sa nagawa ko..sorry.

Maya maya, nagising na rin siya, "Bes? Anong? Bakit?" tanong niya agad nung nakaupo na siya sa higaan niya

Nilapitan ko siya at hinaplos ang likod niya, "Nung nabunggo ka,bes. Nawalan ka ng malay. Kanina ka pa tulog eh!" tas binatukan ko siya

Napahawak naman siya dun sa ulo niya "ARAY KUPO BES!" at hinimas himas ang kanyang ulo. Jusko, ba't kasi may word na 'Shadow' eh!

Melissa's POV

ARAY! Sakit talaga mambatok nung bruhang yun! T_______T

In the end, hospital rin pala ang dating ko. Okay na rin para maiwasan ko yung mga nakakatakot na nilalang. Brrrrrrr ~

Umalis muna sila Steve at Mandy kasi may bibilhin lang daw sila. Kaya wala na akong nagawa kundi maglaro sa iPad ni Mandy.

Tss! Ang liit liit ng score ko sa 2fuse! Huhuhu, makaaalis nga sa larong ito!

Naghanap ako ng ibang games.. kaso wala na akong nagustuhan.. naisipan kong mag selfie! May front cam naman to eh! Keri yan!

Nakailang shots na rin ako, napapagisipan ko na pipicturan ko sana yung paligid ng room ko para remembrance at may pang IG. Kaso nung pagtapat ko sa door, kusa itong bumukas at sumara. Kaya kinabahan ako. Pinikit ko ang mga mata ko! Jusko Lord! Ba't may mumu pa?

Magical AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon