Magical 12: Twist

198 9 5
                                    

Melissa's POV

Dumaan ang isang linggo, yung linggong yun ay puno ng wala lang. Lessons, at mga common things na nangyayari sa paaralan.

Kilala ko na yung bulateng pasulpot-sulpot. Si Shadow. Tinawag kasi siya ng isang professor sa Hallway, and nandun ako kaya nalaman ko.

"Uy, Mina!" tawag ng katabi ko. Nilingon ko naman.

"Yes?"

"Bakit Mina ang pangalan mo?"

Napailing nalang ako at hindi nalang pinansin ang tanong na palagi niyang tinatanong sa akin, simula pa last week. Naiirita na nga ako eh, paulit-ulit!

"Huy, seryoso nga." kinulbit niya ako.

"Dahil sa Illumina!" inis na sagot ko kaya napasinghap ako. Bakit ko sinabi yun?

Kumunot ang noo niya, "Talaga? Hindi bagay sayo ang pangalang Illumina. Wala sa mukha mo." yun na ang huling sinabi niya sakin at tinantanan na niya ako pagkatapos.

Nagtataka nga ako kung bakit hindi man lang siya nag react nung sinabi kong Illumina, siya pa ang nasabihan ko eh. Hindi ko nga nasabihan si Lissa. Pero, okay na rin baka wala siyang alam dun. Ano ako sikat?

"Mina, pansin ko lately. Palagi kang iniinis nung katabi mo?" tanong ni Lissa habang nilalapag ko ang mga libro sa mesa.

"Oo, ang kulit nga eh!"

"Sayang! Baka admirer mo 'yun! Hindi ko kasi marinig ang pinaguusapan niyo." sabi niya kaya agad ko siyang binatukan at hinimas naman niya agad yun.

"Lissa talaga! Hindi pa tayo nakakatatlong buwan dito sa Holmes! Remember rule no.4? Tsaka hindi ko siya kinakausap, siya ang kusang kumakausap sa akin."

"Eh! Sa dorm lang naman yun eh! Tsaka wala si Miss Dazzlestone! Sus wala yan!" mahilig talaga itong lumabag sa mga rules. Kaya binatukan ko ulit.

"Ewan ko sayo, Lissa! I-apply na rin dito sa paaralan. Magbasa ka na nga diyan!" sabi ko kaya nagpeace sign siya at nagsimula nang buklatin ang librong babasahin niya.

Binuklat ko ang librong babasahin ko, as usual. May mga writings na hindi ko naiintindihan. Nagbasa lang ako, mga history dito. Sa Holmes.

Tapos nahagip ng mata ko ang pangalang Shadow. Binasa ko rin naman, masamang nilalanang? Oh really? Baka bulateng nilalang. Mga elemental goddesses. And stuffs. Pero sa isang parte ng page, may punit. Pinunit ata 'to? Aba! Daga siguro kasi kakainin.

May nabasa akong isang passage sa dulo ng libro. Sinadya talagang sinulat ito kasi halatang sa handwriting,

Magic twisted everything. Not what you see nor hear are real. Time comes and you will see magic did twisted you.. all of you.

Luh? Uh? Huh? Wala akong na gets. Kaya sinarado ko nalang ang libro tapos tinignan si Lissa.

Napailing nalang ako, bukas nga ang libro. Yung mata sa iba nakatutok. Ano ba 'tong si Lissa. Tsk.

"Huy, Lissa!" pampabasag ko sa kanya kaya natataranta siyang lumilingon sa kinaroroonan ko.

"Yes?" masiglang tanong ni Lissa.

"Ang weird mo! Sana hindi mo nalang binuksan ang libro."

"Ah eh! Hihihi! May mga boys! 12 sila!" tili niya. Napahawak nalang ako sa noo ko at umiling. Wala nang remedyo ito.

"Tapos? Wala akong pakealam diyan."

"Hindi! Basta, phrEXO ang name ng group nila. Group name palang ang lakas ng dating ano?" tili ulit niya.

Magical AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon