Magical 3: Is this goodbye?

367 38 40
                                    

So here's Chapter 3 :) Guys, sinong gusto magpadedic? <3 Wala akong dedic ngayon kasi wala pa akong maidedicate <3 Comment lang sa gusto magpadedic at kung sang stories mo gusto :) Feel free ^__^

Chapter 3: Is this goodbye?

--

Mandy's POV

"Uy, Steve! Halika na! Baka naghahanap na si Melissa dun sa 'tin!" sabi ko kay Steve na kasalukuyang naghahanap ng mga ready-to-eat foods sa malapitang store sa Hospital. Tumango naman siya at pumunta na kami sa Counter para bayaran na yung kinuha naming mga pagkain, gamit o kung ano ano pa.

"Thank you po,Sir and Mam! Balik po tayo sa susunod po." sabi nung Cashier nung paalis na kami. Ningitian ko siya at tumango nalang ako tapos lumabas na kami sa Store ni Steve.

Hospital

Pinihit ko ang doorknob tapos pumasok na ako sa Room ni Melissa, inilagay ko muna yung binili namin ni Steve sa table. Pumunta kasi si Steve dun sa Doctor kung kailan na pwedeng ilabas si Melissa.

Nilibot ko ang tingin ko sa room pero walang Melissa kaya baka nasa CR lang.

Kinatok ko yung CR, "Melissa? Melissa? Nandiyan ka ba?" pero walang sumagot. Kaya kinabahan ako.

Nilibot ko ulit ang tingin ko sa kwarto at pumunta sa ilalim ng kama baka kasi pinagtitripan ako ni Melissa kagaya ng mga pinanggawa niya sakin noon pero.. kahit anino man lang wala talaga.

Tumayo ako at napansin ko ang isang maliit na papel na nakapatong sa kama ni Melissa at may nakaipit na maliit na bear.. yun yung bear na binigay ko sa kanya nung birthday niya. Dala dala niya pala ito the whole time? Kaloka!

Kinabahan ako pero kinuha ko parin yung papel at binasa ang sulat na nasa loob nito.

'Bestie! Oy! Umm, okay na ako. Umm.. wag kang magalala sakin ha? Wag mo kong aalahanin kasi maayos na maayos ang kalagayan ko. Sana wala kang sasabihin sa nababasa mo ngayon, tanging atin lamang ito. Wag mo na akong hanapin, babalikan kita! Wag kang magdrama jan! Basta dapat pagbalik ko ha? Tutuparin mo yung pangako mo na magiging 1st or 2nd ka sa Section or sa Batch man natin! Wala na kasi ako :P Pero, bestie. Mahal na mahal na mahal kita! Aalagaan mo yung boarding house natin! Tsaka pakitapon na lang din ng cellphone ko kasi hindi ko naman yun magagamit. At wag pairalin ang pagaaral sa lovelife. Wag kang mainlab o kung ano ano diyan! Upakan kita kung iiyak ka naman! Basta! Magkikita naman tayo eh! No worries <3 Lovelove, Melissa'

Di ko napiligan ang luha kong tumulo.. bakit? Si bestie.. iiwan na naman ako? Bakit.. ito nanaman? Hay. Pangkailan na ba ito? Pa ulit ulit nalang to. Hay

Steve's POV

"Ah sige po,Doc. Salamat po!" tumango naman yung Doctor at umalis na siya kaya umalis na rin ako papunta sa room ni Melissa.

Narinig kong may umiiyak sa kwarto kaya dali dali akong pumasok sa kwarto ni Melissa at ang nakita ko lang ay.. ang umiiyak na Mandy.

Agad ko siyang nilapitan. Akma kong hahawakan siya pero tinabig niya ang kamay ko alam kong may nangyari di maganda dito kasi umiyak siya. Patuloy pa rin siya sa paghugulgol.

"Ano ang nangyari? Bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kanya at pinilit kong yakapin siya kaya sa huli, niyakap na rin ako at dun siya umiyak ng malakas, pinabayaan ko nalang na mabasa yung damit ko.

"Umalis si Melissa..W-wala na siya dito." kinabahan ako sa sinabi niya pero gusto kong mang usiso

Tinignan ko siya na may halong 'huh' sa mukha ko, "Anong ibig mong sabihing wala? Baka lumabas lang yun o nagpapahangin, ikaw talaga!" sabi ko naman sa kanya pero naroroon parin yung kaba na nararamdaman ko. 

Umiling siya at pinahiran yung luha na umaagos sa pisngi niya, "Alam kong wala na siya, at hindi lang siya lumabas o nagpapahangin lang kasi mismo, siya nagbigay ng sulat na ito." sabay pakita niya sakin ng isang papel, inabot naman niya sakin at agad kong binasa ang nasa sulat nito.

Pagkatapos kong basahin ito.. hindi ko lang namalayan ang sunod na ginawa ko. Pinunit ng pinunit ko ito hanggang sa naging maliit na ito.. napatingin naman sakin si Mandy pero wala siyang ginawa at tumayo siya at pinulot yung pinunit ko na papel. Hinayaan ko na lang.

Bumuntong huminga siya, "Dapat, maging malakas tayo. Susundan natin si Melissa." sabi niya. At pano namin susundan kung wala kaming alam kung san siya pumunta? Wala namang ebidensiya o trace na makikita

"Pano naman natin masusundan siya? Alam mo ba ang nangyari sa kanya? Alam mo ba kung nasan siya? Wala diba?" tanong ko sa kanya sabay "Tsk" tas umiling ako

"Ugh!" pinapadyakpadyak pa niya ang paa niya sa sahig kaya napatingin ako sa kanya "Can't you understand me?! Kaya nga sinabi ko yun kasi alam kong nasaan siya at kung anong nangyari sa kanya! Urgh! Slow dude so slooow!" sabi niya at napahilamos nalang siya ng mukha gamit ang kanyang palad Eh okay, ikaw na. Napakamot naman ako ng batok.

Hindi na ako umimik.. Edi alam niya naman pala? Bakit nagdrama pa siya kanina?! Ang basa tuloy ng damit ko!

"Alam mo naman pala! Iyak ng iyak kapa! Ang basa tuloy ng damit ko! Hay!" pagrereklamo ko sa kanya at tumayo ako para lumabas na sa kwarto, gusto ko nang umuwi

Palabas na ako ng biglang humarang sa pintuan si Mandy kaya napakunot ang noo ko, "Bakit ka nandyan?" pagtataka kong tanong sa kanya

Umiling siya, "Bawal kang umalis! Since ikaw yung kasama ko dito at nakakaalam ka tungkol sa sulat ni Melissa, dapat samahan mo ko." wika niya. Kaya napa 'HUH-ANO-LOOK' ako sa kanya.

Lumapit siya sa tenga ko at may binulong, "Sumunod ka na lang sa akin kung ayaw mong malintikan kita. You don't know anything about me, hindi pa nga ako kilala ni Melissa ng lubusan ikaw pa kaya na kakilala lang natin? SUMUNOD KA SA AKIN." pagkatapos niyang sabihin yun lumayo siya sakin at nag kindat sabay gesture niya na sumunod ako. Kaya sumunod na ako sa kanya. Baliw ata tong babaeng to! Kanina iyak ng iyak, ngayon parang naging baliw ma amazona. Aba ewan!

Lord? Ano bang nangyari sakin? Pasasabakin mo ba ako ng gyera? Gusto ko pong maglaro pa ng XboX,Wii at yung Playstation ko po! Haaay! Ano ba tong napasukan ko?! At anong alam niya? At bakit parang alam na alam niya yung sinasabi niya kanina? Tsssssss! Nagiinarte lang pala yun! 

"HOY! STEVE! DALI! MALAYO PA TAYO!" bulyaw ni Mandy. Ang ingay nito! Kahit kailan talaga! Kaya na pa'tsk' nalang ako at sumunod sa kanya. Bahala na...

--

Hey hey yow! Umm, medyo di ko na nagets tong ginawa kong Chapter? Well, ito na yung simula ng adventure NILA. Kaya abang abang din pag may time :) Hahah! Sa mga gusto magpadedic! Mag comment or mas maigi kung mag message nalang kasi baka di ko makita comments niyo :))))))) 

Pwedeng pwede mag VOTE,COMMENT AT MAGING ISA SA MGA FOLLOWERS KO. Sa mga nagnanais po ng followback! Don't hesitate to tell me :) Kasi ifofollow ko po kayo, pero  sa ibang account nalang po ha? :) Or kung kayo bahala XD HAHA pero sa isang account ko nalang po ah? :) Thankies poooooooo ~ 

Have a happy reading ;)

-H

Magical AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon