Prologue

746 26 11
                                    

May mga bagay na hindi mo inaasahan. Minsan akala mo magiging maayos na ang lahat. Pero mali ka pala ng akala. Dahil sa isang iglap magbabago ang lahat. Yung mga akala mo hindi naman pala mangyayari. Umaasa ka lang pala sa wala.

Yung mga bagay na pinaniniwaalan mo simula pa noon bigla mo nalang mare-realize na hindi pala totoo. At masasabi mo pa sa sarili mo na ang tanga ko bakit ba ko naniwala ?

Alam naman nating lahat na walang bagay na hindi nagbabago sa mundong ginagalawan natin. Lahat yan nagbabago. Nothing's permanent sabi nga ng iba. Yung favorite mong pagkain dati ngayon iba na. Yung damit na lagi mong sinusuot dati ngayon tinapon mo na pala. Hindi mo lang napapansin na unti-unti kana ring nagbabago sa paglipas ng bawat araw na dumadaan.

Parang sa Love... Yung taong gusto dati unti-unti mo na palang nakakalimutan.

But no one knows what will happen next. Life is full of surprises. Hindi mo man inaasahan. Hindi mo man gusto. Hindi mo man pinapahalagahan. Pero darating at darating parin yan sa buhay mo. God has a plan for you. Hindi ka pwedeng magreklamo. Alam nya kung ano ang mas nakakabuti para sayo. Just trust Him because He knows what is the best for you.

Sa dinami dami ng taong nakakasalubong mo sa daan, nakakakwento mo araw araw, nakakasabay mo sa jeep pauwi at sa mga taong minsang dumaan na din sa buhay mo. Sa dinami dami ng nakikita mong mukha araw araw di mo na alam kung sino ba ang dapat paniwalaan. Kung sino ba ang dapat pahalagahan. Kung sino ba ang dapat ingatan at kung sino ba ang dapat mahalin sa kanila.

Napakadami ng tao ang dumaan sa buhay ko. May mga taong nagpakulay sa buhay ko. May mga taong naging kasama ko sa kalokohan. May mga taong gumanap bilang kaklase na nagiging ka-close mo na kapag may exam, kaibigan na nandyan kapag may problema ka at handang makinig kahit gano pa ito kahaba, kapitbahay na nagbibigay ng pansit kapag may handaan sa kanila, kamag-anak na syang nakikita mo lang kapag may reunion kayo, katabi sa jeep pauwi sa bahay na walang ginawa kundi magpaabot ng bayad kay manong Driver na kulang nalang maging kundoktor kana sa pangongolekta ng mga bayad nila at marami pang iba. Di ko na nga matandaan yung mga itsura nila e.

Pero may mga taong sadyang dumaan lang sa buhay ko para guluhin ito at mawala ang mga pinahahalagahan ko.

Yung mga taong nagbigay ng inspirasyon sakin para magpatuloy sa buhay.

Yung mga taong dumaan sa buhay ko na pinahalagahan ko pero iniwan lang ako.

Sabi nga nila,"Ang buhay parang life lang yan."Minsan magulo at masasaktan ka. Minsan nasa ibabaw minsan nasa itaas ka. Kanya kanyang dahilan para maging masaya sa araw araw. Pero anuman ang mangyari. You should be thankful of it even if you don't EXPECT it.

Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon