13: Acceptance?!

97 10 2
                                    

Lumipas ang mga araw. Naging normal naman ang takbo ng buhay ko. Walang problema. Walang iniintindi. Walang iniisip kundi ang sarili ko. Walang project. Walang thrill. In short BORING!

Kakainip din pala kapag pare-parehas lang yung nangyayari sayo. Walang bago. Paulit-ulit ulit ulit lang araw-araw. O sadyang nasanay lang ako na merong nangyayaring di maganda sakin linggo linggo?

Himala lumipas ang isang buwan ng ganun-ganon lang. Siguro nasanay nalang ako sa sakit na nararamdaman ko tuwing nakikita ko silang  magkasamang dalawa. Siguro kung may stages ang pagmo-move on nasa ACCEPTANCE nako. Nasa process nako ng pagtanggap sa katotohanan. Na wala na talagang pag-asa pa. Na hindi na talaga maibabalik ang dati. Wala na. Wala na talaga.

Masakit? Oo naman pero ngayon di na katulad ng dati na kailangan ko pang umiyak para lang mabawasan yung sakit. Ngayon kasi kaya ko nang kontrolin e, kaya ko nang pigilan yung sarili kong hindi magpadala sa nararamdaman ko. Di na katulad dati na halos kinagagalitan ko na yung sarili ko dahil sa tingin ko e ako yung nagkulang. Yung feeling ko ako yung lahat gumawa ng mali. Bakit ko nga ba sinisisi ang sarili ko? Di lang naman ako ang nawalan, parehas kami.

"Kuya Nathan." Tawag sakin ng isang pamilyar na boses. Haha. Kahit minsan nakakairita na yung lagi nyang pagtawag sakin.

"Oh, anong drama mo?" I asked her. Kunyari galit na naman ako sa kanya. Sarap kase ne'tong pagtripan e, cute pang tingnan.

"Wala lang. High blood much?" Sabay kapit nya sa braso ko. Kailan pa naging clingy 'tong babae  na 'to? Di ako na-inform e.

Di ko na sya kinibo. Sa halip ay nagpatuloy nakong maglakad habang nakakapit pa din sya sa braso ko. At talagang ayaw pa nyang tanggalin kahit halos kinakaladkad ko na sya? May gusto ata 'to sakin e.

"Oy. Wag kang assuming Kuya." Sabay dila nya sakin at umalis na sa pagkakakapit sa braso ko. Yung totoo? Ano nga.

"Seriously, are you a mind reader?" I asked her again. Haha. Tinaasan ko pa sya ng kilay para mas dama nya.

"Definitely no." Sagot nya sakin ng may halong inis, sabay lakad ng mabilis. Ang cute talaga nya kapag naiinis na. Naalala ko tuloy dati... Sa sobrang inis nya sakin balibagin daw ba ko ng sapatos nya? Grabe lang. Brutal e.

"Oy. Hintayin mo ko." Sigaw ko sa kanya sabay takbo. Wow lang. Ang bilis nyang maglakad ngayon. Dapat pala lagi ko nalang 'to pinapagalit para mabilis kaming nakakauwi e. Haha. Syempre joke lang yon. Ayoko naman ng ganon.

Di pa din nya ko pinapansin. Ang bilis talaga nyang maglakad. Pinapagod ako ng babaeng 'to e. Nananadya ata.

Aabutan ko na sana sya ng natalisod ako dun sa may batuhan. Tanga lang e no? Kung san san pa kase ko nakatingin e.  Takte! Ano ba kaseng drama ne'tong babaeng to?

Sa wakas naabutan ko na din sya. Tinatanong ko sya kung bakit. Ayaw naman nyang sumagot sakin. Wala naman akong ginawa diba? Inosente ako. Wala akong ginagawang mali. Napano na naman kaya 'to?

Hinila ko sya paharap sakin. Hindi sya makatingin ng diretso sakin. "Uy. Sorry na. Bakit ba nagmamadali ka? Wala naman akong ginawa sayo." Tanong ko sa kanya. Sa totoo lang nag aalala nako sa kanya. Pawis na pawis sya. Di mapakali.

"Uhm. A-Ano kase..." Mahina nyang sagot sa tanong ko sa kanya at mas itinago pa nya ang mukha nya at yumuko.

"May problema ka ba?" Tanong ko ulet sa kanya pero di sya sumasagot. Hinawakan ko ang kamay nya. Sobrang lamig. Ano ba kase nangyayari dito?

"Kristel. Ano ba? Sumagot ka nga.'' Medyo tumaas na ang tono ng boses ko. Di ka ba naman maiinis. Seryoso akong nagtatanong ayaw nyang sumagot.

"Uhm. Na-Nac-CR na kasi ako. Una nako?" Di na nya ko hinintay tapos iniwan ako. At nagtatatakbo na ang loko. Bastusan  lang e.

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. !

I burst into laugh. Seriously? Haha. Dami kong tawa. Grabe. Lagi nalang nya kong pinapasaya. Kadiri talaga yung babae na yun. Loko. Kaya pala nag mamadali ang babaeng yun, alam nyo na? Nac-CR lang pala kala ko naman kung ano na. May toyo talaga yun.

Dumiretso nako sa bahay namin. Dun sana ko dadaan sa kanto nila Kristel kaso lang mas  malayo kase ng ilang metro e. Kaya wag nalang. Kakatamad.

Pagpasok ko ng bahay. Wala na namang tao. Humiga ako sa kama ko at nagpahinga muna. Naalala ko kung ano yung nakita ko kanina kaya natalisod ako ng wala sa oras. Nakita ko sya? Sya yun diba? Di ako pwedeng magkamali. Pero bakit sya umiiyak? Gusto ko sana syang puntahan kanina para abutan man lang sya ng panyo pero di ko na nagawa. May kung ano na pumigil sakin.

Bakit mag-isa lang sya? Anak ng FactSheet sya. Ano karapatan nyang paiyakin yung taong iniingatan ko? Tanga ba sya.

Awtomatiko akong napatayo sa hinihigaan ko habang nakayukom ang kamay ko.

Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon