22: White Lies

42 4 0
                                    

Nagulat ako nung makita ko sya. Hindi ko inaasahan na sa lahat ng makakabunggo at makikita ko ngayon ay sya pa. Grabe lang.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko parang may kung anong pumipigil sakin na umalis sa kinaroroonan ko... namin ngayon. Habang nakatitig ako sa mukha nya nakaramdam ako ng pagkaawa sa sarili ko. Naramdaman ko yung sakit na nararamdaman ko kanina. Pero sa pagkakataon na 'to, mas masakit at mas ramdam ko.

Isang sampal lang ang naitugon ko sa mga tingin na binibigay nya sakin. Hinawakan nya yung kamay ko, pero hinayaan ko nalang sya. Wala nakong lakas para labanan pa yung higpit ng pagkakakapit nya rito. Naramdaman ko yung sakit ng palad ko sa pagsampal sa kanya pero mas masakit pa din yung nararamdaman ko ngayon, yung nararamdaman ko dito. Ang sakit. Feeling ko sinukluban ako ng langit at lupa.

Pero nagkatapos ko sya sampalin nakita ko syang ngumisi na sya namang nagpagalit pa ng husto sakin. Tama ba yung nakita ko? Ngumisi sya? Sa lagay namin ngayon nagagawa pa nyang ngumiti.

Kasabay ng pagbitaw nya sa kamay ko ay sya ding pagbagsak ng mga luha sa aking mga mata na para bang nag-uuna unahan pa sa pagbagsak. Di ko nalang talaga siguro kaya. Masyado nakong nasasaktan ng dahil sa kanya.

"Masaya kana?" Tanong nya sakin habang nakatitig sa mga mata ko habang hinihimas yung parte ng pisngi nya na sinampal ko kanina.

"Ano?!" Sa mga nangyayari samin ngayon yan lang yung masasabi nya? Ang galing naman pala. Matapos ko syang makita na may kasamang ibang babae yan pa ba ngayon yung sasagot nya sakin. Ang galing. Grabe.

"Nasampal mo nako. Ano pa bang mapapala ko kung magpapaliwanag ako diba?" Grabe. So ako pa ba ngayon yung mali saming dalawa. Kasalanan ko pa pala ngayon na mahuli ko syang may kasamang babae at malapit na nyang halikan?

"Sapat na yung mga nakita ko Julius. Hindi ko na kailangan ng explanations mo." Sagot ko sa kanya. Tama naman ako diba? Sapat na yung mga nakita ko, ayoko ng makarinig pa ng kasinungalingan.

"So alam mo na pala lahat ngayon. Sabagay kailan mo ba ko pinakinggan?" Ano? Tama ba yung narinig ko? Sya pa yung galit ngayon, anong bang problema ng tao na 'to.

" Julius, ano ba? Nakita kitang may kasama at kahalikang ibang babae. Hindi pa ba sapat 'yon ah?" Nakakainis na sya. Ako pa ngayon yung nagiging masama? Nahiya naman ako sa kanya.

"Pakinggan mo muna kasi ako." Dapat pa ba kong makinig sa mga sinasabi nya? Naguguluhan na talaga ko.

"Ayoko nang makarinig ng mga palusot pa Julius. Diretsuhin mo nalang ako. Ano bang meron senyo? Bakit sa tuwing nakikita kita kasama mo sya?" Ang sakit lang kasi na makita syang may kasamang iba.

"Sa palagay mo ba nagsisinungaling lang ako sayo ah? Walang namamagitan saming dalawa ni Ashley, okay? Alam mo namang di ko magagawa sayo yun." Magagawa nga ba nya sakin yun?

"E pano mo paliliwanag yung mga nakita ko? Julius hindi ko na kayang palampasin 'yon." Nanggigigil nako sa galit. Hindi ko na alam kung saan pa aabot 'tong usapan naming dalawa.

"Oo alam kong nagkamali ako na hindi ko agad sinabi sayo yung reason kung bakit ko ginawa yun. Inaamin mo na mali ako dun pero hindi ko sya hinalikan Kyla. Maniwala ka naman sana. Ginawa ko lang yun para protektahan si Ashley. Meron kasing nangungulit na manliligaw sa kanya. Para tigilan na sya, hinila ko sya palapit sakin at nagkunwari na hahalikan ko na sya para lang tigilan na sya ni Nathan. Alam mo bang hirap na hirap na sya kakaiwas dun sa Nathan na yun? Kaya sana maintindihan mo yung ginawa ko." Si Nathan? Tama ba yung narinig ko? Si Nathan na dating bestfriend ko?

Bigla akong nanlambot sa mga narinig ko. Bakit ganon? Bakit parang nakaramdam ako ng sakit nung narinig kong sinabi ni Julius na nililigawan na ni Nathan si Ashley e bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Diba dapat matuwa ako dahil nalaman ko na nakalimutan na nya pala ko? Pero bakit parang baliktad, nasasaktan ako? Nasasaktan nga ba ko?

Bigla ko nalang naramdaman yung kamay ni Julius sa mga pisngi ko.

"Wag kanang umiyak. Hindi na mauulit Kyla." Saka ko lang napagtanto na umiiyak na pala ko. Hindi ko man lang naramdaman yung pagtulo ng mga luha ko.

"Sorry." Hindi ko alam kung bakit, pero yan nalang yung tanging salita na lumabas sa mga bibig ko matapos kong marinig yung explanations nya.

"Okay na tayo ah?" Saka nya ko biglang niyakap na sya namang mas nagpaiyak sakin. Hindi ko na inisip pa yung tungkol kay Nathan dahil ayoko ng guluhin pa yung isip ko. Niyakap ko nalang pabalik si Julius. Naramdaman ko yung pagmamahal na sinasabi nila. Nabawasan na yung mga katanungan na nasa isip ko kanina. Nawala na yung sakit na dulot nung makita ko syang may kasamang babae.

Ngayon alam ko na yung reason nya kung bakit nya yun ginawa. Tama sila kapag nga mahal mo yung isang tao hinding hindi mo sila matitiis. Nakakatuwa lang isipin na napakababaw ko pala, hindi ko man lang sya tinanong bago ko sya husgahan. Nagpadala ko sa mga nakita ng mga mata ko.

Hinalikan nya ko sa noo. Inalis ko na yung pagkakayakap ko sa kanya. Medyo nakakahiya na din kasi nabasa na yung polo nya. Pero nagulat ako nung bigla syang nagsalita.

"I love you kahit iyakin ka."

"I love you kahit sinampal mo ko."

"I love you kahit pinagdudahan mo ko."

"I love you kahit pandak ka lang."

"Grabe ka. Okay na sana e panira yung dulo. I hate you na." Nagkunwari akong nagtatampo sa kanya. Kaya tumalikod nako saka nag-umpisang maglakad.

Pero nakailang hakbang nako wala pa ding humihila sa braso ko. Ayoko na talaga nagtatampo nako.

"Wag kanang magtampo. Kahit ano pang height mo isa lang ang tatandaan mo. Mahal na mahal kita Kyla." Tama ba yung narinig ko? Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa mga sinabi nya. Isa lang ang mahalaga. Alam kong mahal namin ang isa't isa.

***

Here's the update. Salamat sa paghihintay.Sorry kung natagalan.

K ♥

Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon