25: Space

40 2 0
                                    

Pagkatapos nung gabi na yun na hindi nagpahatid sakin si Kristel parang mas nag-iba na din yung mga kilos nya. Hindi ko sya maintindihan kung bakit ganun yung kinikilos nya.

Sa tuwing tinatangka ko syang kausapin mas lalo ko naman syang hindi mahagilap. Nung isang araw nga nagpunta pa ako sa kanila pero sabi ng Mama nya sakin hindi pa daw sya umuuwi. Sa tuwing susunduin ko naman sya sa umaga, nakaalis naman na daw sya. Kapag naman sa school, parang hindi nya ko kilala sa tuwing nagkakaslubong kaming dalawa. Nag-iiba na sya. Bakit ganun?

Hindi ko alam kung iniiwasan ba talaga nya ako o sadyang magkakataon lang na busy sya. Hindi ko sya maintindihan.

Last 2 days nalang ng pagpa-practice namin 'to. Kaya naman lahat ganado na sa pagsasayaw. Halos perfect naman na din naman yung lahat ng steps e. Di ko alam kung bakit ba kasi pinakaganda-ganda nila yung performance namin. Bale parang naging variety show na din kasi na-showcase namin yung iba't ibang klase ng sayaw mapa-modern, ballroom, o hiphop. Hay. Sana magustuhan nila yung gagawin namin.

Over all maganda naman yung performance namin, props nalang talaga yung kulang. Kaya ngayon kailangan naming magkinis ng performance at bukas maghapon kaming gagawa ng mga props.

Natapos yung buong maghapon namin ng maayos. Wala naman masyadong ginawa, kadalasan discussion lang. Malapit na din naman kasing mag-Christmas Break. Ang bilis ng araw. Ang dami na din palang nangyari.

Nagsipuntahan na yung iba naming kaklase  sa quadrangle para ituloy na yung pagpa-practice namin.

"Kaya mo ba? Tulungan na kita." At kinuha ko naman yung ibang dala dalang props ni Ashley. Mukhang hirap na hirap na din naman sya sa pagbitbit nung iba pa kaya tinulungan ko na. Wala naman na rin akong ginagawa e.

"Kinuha mo na e." Pabirong sabi nya. Di ko talaga alam kung bakit ngayon ganito na sya sakin. Parang hindi sya si Ashley.

Sa bagay nung una ko din naman syang nakabunggo sa corridor, mga bandang July palang naman nun kaya siguro natural lang din na tarayan nya ko kasi hindi naman kami masyadong magkakilala. Transferee kasi.

"Ayaw mo nun di kana nahirapan." Tugon ko naman sa kanya habang bitbit-bitbit ko yung mga dala-dala nya kanina. Medyo mabigat din pala.

Pagkasabi ko noon, hindi na sya muling nagsalita. Wala naman na din akong balak na basagin pa yung katahimikan na namamagitan samin. Kaya't nagulat ako, napahinto pa nga ako nung biglang nagsalita si Ashley. "Salamat." Pabulong nitong sabi, sapat lang para marinig ko yung sinabi nya.

"Para saan? Sa pagbuhat nito? Wala yun." At nagpatuloy naman kaming dalawa sa paglalakad papunta sa quadrangle ng school namin.

"Hindi lang dyan. Basta. Sa lahat." Sabay iwas naman nito ng tingin sakin. Yung totoo? Anong problema ng mga tao ngayon, bakit ang gulo nila?

Salamat, para saan? Wala akong maisip kung para saan ba yung sinasabi nyang salamat sakin. Napakaliit na bagay lang naman yung ginawa king pagbubuhat nung bitbit-bitbit nya. Hindi na nya kailangan pang magpasalamat dun. Wala lang naman 'to.

"Ah, wala yun." Sagot ko sa kanya. Pero yung totoo, hindi ko naman talaga alam kung bakit sya nagpapasalamat e.

"Sana lagi ka lang nandyan." Ano bang ibig mong sabihin?

"Nandito lang naman ako palagi." Sagot ko naman sa kanya. Di ko alam kung bakit ba lumalabas 'to sa bibig ko. Pero para maintindihan ko sya sinubukan ko nalang sakyan kung anong trip nya.

"Sana nga." Sabat tingin nya sa langit. Umiiyak ba sya? Iniwas ko na yung tingin ko sa mukha nya baka kasi mamaya kung ano pa yung pumasok sa isip ko. Mas mabuti na wag ko munang hayaan yung sarili ko na magustuhan sya ng lubusan, kasi alam ko sa sarili ko na may part parin na nagmamahal kay Kyla.

Hindi ko na sya sinagot at hinayaan ko nalang na lamunin kami ng katahimikan sa paligid namin hanggang sa makarating na kami sa quadrangle.

Pagkatapos ng ilang minutong pagpapahinga, nagsimula na din kaming magpractice para sa performance. Last practice na ngayon kaya kailangan maayos na ang lahat. Pero bago kami umuwi nagpatawag muna ng meeting si Yaz.

"Alam naman natin na sa Friday na'to. Wednesday na ngayon kaya ibig sabihin last practice na'to kasi kailangan pa nating dagdagan yung mga props na gagamitin natin para sa performance. Kaya gusto ko sana, na mag-overnight tayo samin para mas maayos natin yung mga gamit saka mas madaling mag-ayusan kinabukasan. Kasi una hindi biro yung pag-aayos sa mga babae, tapos madami pa tayong gagawing props kaya malamang sa malamang, gagabihin talaga tayo. Kaya magpaalam na kayo sa parents nyo, kailangan na kailangan lang talaga natin. Onga pala magpapa-excuse na tayo maghapon sa mga teachers natin para mas madami tayong magawa. So, ayun paalam kayo ah?"

Pagkasabing pagkasabi noon ni Yaz biglang napuno ng mga bulungan ang lugar, biglang umingay. Lahat sila excited na pero ako nagdadalawang isip pa kung sasama ako o hindi. Hassle kasi, dun kami maliligo lahat sa bahay nila e, isang oras kaya akong maligo.

Saka sure naman ako na hindi na matutulog yung mga yan. Magku-kwentuhan lang din naman sila ng kung ano ano konti lang yung gagawa nyan bukas for sure.

Pagkatapos nung ilan pang reminders, pinauwi na din kami sa wakas. Kaya lang habang papauwi ako parang may kulang. Saka ko lang na-realize na hindi ko na naman pala kasabay umuwi si Kristel.

Nakakalungkot lang din kasi na nasanay akong palagi syang kasabay umuwi tapos ngayon bigla nalang mag-iiba. Hanggang ngayon talaga wala pa din akong idea kung bakit hindi na sya sumasabay sakin sa pagpasok saka pag-uwi. Kung iba lang siguro yun baka naisip na nilang, iniiwasan nya ko. Pero. Pero. Hindi kaya iniiwasan nya talaga ko?

Hindi naman sana.

Ano ba kasing problema mo Kristel?

Patuloy nakong naglakad pauwi pero naisipan kong dumaan muna sa bahay nila Kristel para tingnan kung andoon ba sya sa bahay nila.

Pagkatapat ko doon, sakto naman na nakabukas yung gate nila. At hindi nga ako nagkamali, nandoon sya sa loob may kasamang lalaki na nakaakbay sa kanya habang kinakausap sya ng Mama nya. Wait, lalaki? Hindi kaya may boyfriend na sya kaya hindi na sya sumasabay sakin sa pagpasok at pag-uwi? Pero kung yun lang naman yun, alam ko namang sasabihin nya din sakin yun e, hindi naman nya kailangang isikreto sakin yun, Kuya nya nga ako diba?

Napatigil naman ako sa pag-iisip nung tawagin ako nung Papa ni Kristel. "Mark." Tawag nito sakin. Di ko alam kung anong sasabihin ko. Bakit bigla akong kinabahan?

"Ano po iyon?" Tanong ko naman dito hababg mahigpit kong hinahawakan yung dulo nung hawakan nung bag ko. Kinakabahan ako. Mukhang seryosong usapan 'to.

"Wala naman. Bakit nga pala nandito ka?" Hay. Akala ko naman kung anong itatanong sakin. Yun lang naman pala.

"A-Ah, napadaan lang po." Palusot ko naman sa kanya. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na nagpunta ko dito para silipin kung nandyan ba si Kristel sa bahay at tanungin kung bakit parang iniiwasan nya ko. Nakakahiya kung sasabihin ko pa yun.

"Ah ganun ba? Pumasok ka muna." Pag-aaya naman nito sakin habang gina-guide ako papasok sa gate.

"Wag na po. Pauwi na din naman po ako, napadaan lang po ako dito." Tanggi ko naman sa kanya, nakakahiya kasi kung papasok pa ko. Makita pa ko nung boyfriend nya baka akalain kung sino pa ko. Ayoko na ng away no? Nagbago nako.

"Sige po, una na po ako." At mabilis nakong naglakad papalayo sa bahay nila. Hindi ko talaga maintindihan yung tao ngayon, ang gulo.

Kung ayaw talaga kong kausapin at pansinin ni Kristel sa ngayon wala akong magagawa. Kung ayaw nya muna kong makita, ade tutulungan ko sya. Kung patuloy nya kong iiwasan ng ganito, wala nakong magagawa. Sa ngayon, papabayaan ko muna sya.

×××

Merry Christmas! ♥

-K ♥

Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon