9: Untitled

132 11 1
                                    

Patuloy pa din akong nakatingin sa kawalan. Patuloy na nag-iisip ng kung ano anong bagay na wala namang katuturan. Mga bagay na di naman dapat pang problemahin at di na dapat alalahanin. Wala na kasi e. Wala na.

Bakit nga ba kase napakahirap nakalimot? Bulong ko sa sarili ko habang patuloy din akong nag-iisip ng sagot sa sarili kong katanungan. Nung una wala akong maisip na dahilan pero ng may maalala kong isa e nagsunod-sunod na sila.

Bakit mahirap? Kasi masyado kang naging masaya nung mga araw na magkasama pa kayo, nung mga araw na sya pa yung kakwentuhan mo, nung mga araw na sya yung dahilan kung bakit ka ngumingiti, nung mga araw na sya yung inspirasyon mo para galingan mo ang pag-aaral mo, nung mga araw na maaga kang pumapasok para lang makita sya, nung mga araw na pinapahalagahan nyo ang isa't- isa, nung mga araw na iniingatan mo sya at higit sa lahat nung mga araw na ramdam mo pa na MAHAL KA NIYA.

Kasi masyado mong pinakahalagahan yung tao na yun. Dun mo natutunan na masarap pala ang magmahal. Sa kanya mo naramdaman na espesyal ka, na dapat kang ingatan, na dapat kang alagaan, na dapat kang suportahan, na dapat kang mahalin. At sa kanya ka din natuto na mahirap pala kapag mag-isa ka lang.

Pero kahit na mahihirapan ako ngayon, di ako nagsisisi na minahal ko sya. Bakit? Kase madami akong natutunan. Madaming nabago sa buhay ko. Mas naging matatag ako. Sabi nga ng iba. "Experience makes you a better person."

Matapos noon, kung ano ano na naman ang pumasok sa isipan ko. Tama sila, mas active ngang mag-isip ang tao tuwing gabi, dahil sa mga oras na yon, madalas dun lumalabas ang katotoohanan. Dun mo mas napag-iisipan ang iba't ibang bagay na nagawa mo. Kung tama o mali ba? Kung okay lang ba o hindi?

At bigla ko nalang naalala kung anong nangyari kanina. That kiss. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ang lakas ng impact sakin ng bababe na yun? Nah, nevermind.

Pero unconsciously nakita ko nalang ang sarili ko na hawak hawak ang mga labi ko at unti unti ng nag-flashback sa utak ko ang mga bawat detalye na pangyari kanina malapit dun sa gate ng school namin. At naramdaman ko din ang pag-init ng pisngi ko. Geez. Am I blushing? Tsk.

I can still feel the presence of her lips against mine. Then, I remember her face. Haha. She blushed. Cute. And how she reacts on the situation. Naisip ko tuloy kung anong iniisip nya ngayong gabi. Iniisip din kaya nya kung anong iniisip ko ngayon? Tulog na kaya sya? O di sya makatulog kakaisip sa nangyari kanina? Haha.

Tsk. My first kiss. I just lost my first kiss. At ang malala pa don e di ko naman sya kilala bukod sa pangalan nya. God, why? Bakit sa lahat ng babaeng mapupuntahan nun bakit si Kristel pa? Pwede namang si Kyla nalang. Atleast may remembrance ako sa kanya diba? Pero bakit sya?

Para kong sira na nakaluhod sa kama ko at patuloy na tinatanong si God kug bakit hindi nalang si Kyla. At para din akong sirang plaka na salita ng salita. Hay. Nakaka-stress. Pumunta ko sa banyo para tingnan ang itsura ko at para maghilamos ulit ng mukha.

!@#$%^&* Halos mapamura ko ng makita ko ang mukha ko sa salamin.

" Ang gwapo ko talaga." Kadalasan sa mga lalaki ganyan ang sinasabi tuwing niloloko nila ang mga sarili nila. Pero sa sitwasyon ko, di ko na papaasahin pa ang sarili ko.

"Watda. Kailan pa ko nagka-eyebags?" Tanong ko sa sarili ko habang hinihimas himas ko ang ilalim ng aking mga mata. At bilang isa nga akong maarteng lalaki, ayoko sa lahat e yung nagkaka-eyebags ako o kaya yung nagkaka-pimples. Feeling ko kase ang dumi-dumi ko kapag meron akong ganon. Saka ang panget kayang tingnan.

Nakatitig pa din ako sa salamin at sa kalagitnaan ng pagseselan ko e naalala ko na naman yung kiss na yun. Anak ng siomai. Kailan ba ko balak patahimikin ng isip ko? Para kase nananadya e. Juice ko. :3

Bumalik nako sa kama ko at parang baliw na nagpagulong gulong hanggang sa mahulog nako sa kama ko. Para kong sira, walang ibang nasa isip ko kundi yung nangyari kanina. Pero patuloy na din akong ginugulo nito.

Tiningnan ko ang orasan sa may sidetable ko. Ano alas-tres na ng madaling araw? Great. Just great. Bakit di pa din ako dinadalaw ng antok? Hanggang ngayon gising na gising na padin ang diwa ko at parang walang balak na patulugin ako.

Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko at wag mag-isip pa ng kung ano ano. Pero mukhang walang epekto kaya't nagpagulong gulong nalang ulit ako sa kama. Unti unti nakong nakakaramdam ng antok. Pero nung mga oras na makakatulog nako e, bigla naman akong nahulog sa kama ko. Badtrip. Letse.

Wala nakong nagawa kundi hintayin na mag-umaga. Habang yung iba fresh na fresh yung itsura at habang yung iba ganadong-ganado sa paggayak ako naman eto, dinaig ko pa yung nagbantay sa lamayan. Malalaking eyebags at gulo-gulong buhok. Mukha akong zombie na ewan. Tinatamad akong pumasok, grabe inaantok ako. Yawwnn. ---___________---

A/N: Sorry kung lame at short yung UD ngayon. :) Pagpasensyahan nyo na ko. Babawi nalang ako sa next chapters.

HAPPY 150 READS! Haha. Salamat sa mga nagbabasa ne'to. Sana wag nyo kong iwan. XD Love you guys.

Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon