20: Just An Act

37 4 0
                                    

Bigla nyang hinablot yung bag sakin saka binuhat si Ashley. Ewan ko kung bakit nakaramdam ako ng galit nung lapitan nila ko. Nakakainis.

Naglakad na sila-- Luis. Spade. Ace. Gran. Palayo sa kinaroroonan ko. Hindi nako kumibo pa dahil ayokong magkaroon ulet ng kahit anong connection sa kanila.

Pinabayaan ko na sila. At naglakad nakong pauwi sa bahay namin.

Ashley Nicole (Ley) 's POV

Hay nako. Ang sakit sakit na talaga ng paa ko, feeling ko hindi nako makakapaglakad e. Pano nako ne'to.

Nagulat naman ako nung bigla kinuha ni Nathan or I should say Mark? yung bag ko. I didn't expect him na tulungan ako kasi naman, kumukulo talaga yung dugo ko dun.

Thanks to Luis at tinulungan nya kong makaiwas kay Nathan. Ayoko naman talagang magpatulong dun e, no choice lang ako. Duh, asa naman syang babait ako sa kanya no? Never.

Hinatid nako nila Luis hanggang sa bahay namin, nagpasalamat ako saka umalis na din sila kaagad. May pupuntahan pa atang mahalaga. Sayang di ako makakasama. Tsk. I want to go with them pa naman. It's just, I can't.

Pumasok nako sa bahay namin saka nagdire-diretso sa kwarto ko at nahiga. Gosh, Im so tired, sumasakit pa yung paa ko.

Time truly flies, napakadami ng nangyari sa loob ng ilang linggo. My classmates became more FC. Feeling naman nila gugustuhin ko silang maging kaibigan. Like duh, in their sweetest dreams.

"Andito na tayo." Energetic na sabi ng driver. Duh, para namang ngayon lang nakapunta sa school.

Ang sakit pa din talaga ng paa ko, gosh. Daing ko sa sarili ko habang naglalakad ako sa corridor ng building namin. Bakit ba kasi sa third floor pa kami? Tsk. Magpapa-personalize na talaga ako ng sarili kong elevator.

Pahirapan pang umakyat ng stairs e. Pinapahirapan ba talaga nila ko? Ang sakit na kasi ng paa ko e.

Halos puro discussions lang yung ginawa namin, kaya yun natulog nalang ako sa ibang boring naming subject. Tsk, buti nalang nakakahabol ako sa mga lesson, Im so smart kase e.

Then sa MAPEH naman, nagbigay lang si Ma'am ng konting reminders and criteria para dun sa upcoming performance namin para sa subject nya.

"Okay class, malapit lapit na nga pala yung performance nyo. Be sure na maganda yun kase dun ko ibe-base ang grades nyo para sa 3rd Grading."

Pagkatapos ng klase bigla ko syang nakasalubong. Hinila nya ko sa likod ng building saka kami nag-usap na dalawa.

"Ready na ba?" Tanong nya sakin, saka naman ako napaisip. Ready na nga ba?

"I think hindi pa e, ikaw ba?"

"Hindi padin e, kailangan ko pa ng mga ilang linggo para mas sure."

"Me too. I think we should assure our plans first." Pagsang-ayon ko naman sa suggestion nya.

"Sino kakausap? Ikaw, ako?" Seryosong sagot naman nya sakin.

Gosh. Muntik ko ng makalimutan yung tungkol dun. Thanks to him, pinaalala nya sakin.

"Hmm. Both of us should tell them."

"Sige. Friday?"

"Friday. I have to go. I have practice pa kasi e. Bye." At nagpaalam na kami sa isa't isa. Nauna nakong umalis, baka mamaya may makakita saming dalawa, hindi 'to pwede.

"Im here!" Sigaw ko pagkadating ko sa gym. Pero pagpasok ko, walang tao. Parang umalis na silang lahat, well pwera pala sa kanya.

"Asan sila?" Bait baitan kong tanong sa kanya. Duh, kumukulo talaga yung dugo ko sa kanya. Tsk, but I have to pretend. Para din 'to sa...nevermind.

"Asa quadrangle sila. Pinahintay ka nila sakin. Tara na?"

So, kaya naman pala. Iniwan nila ko tapos sya pa yung pinaghintay nya sakin? Nice ah? Nice.

"Okay." Naglakad nako agad para di ko sya makasabay, baka kasi mamaya ano pa yung sabihin nung ibang makakita saming dalawa e. Mahirap na.

Nung makarating nako sa quadrangle binaba ko na yung bag ko saka naglakad papunta sa position namin pero bigla akong hinarang ni Yaz, the famous class president.

"Ley, you're here. Nakita mo ba si Mark dun? Sa kanya ka kasi namin pinahintay e, napansin kasi namin na kayo yung magka-close e." Tsk. Kaya naman pala e. Napansin pala nila yun, Gosh, nakakahiya.

"Yup, may dinaanan pa ata." Saka ko sya nilagpasan saka nagpunta na sa pwesto namin ni Nathan.

Oh, speaking of the devil. Bigla ko namang nakitang papalapit na din si Nathan dito. Tsk.

"Okay. Let's start!" Ganadong sabi nung DI saka pinatugtog yung song. Nako naiinis na talaga ko sa baklang instrutor na'to, ang landi landi, konti nalang hihilahin ko na yung buhok nyang dry na dry e. Geez.

Nagsimula na kami ni Nathan magsayaw kasabay ng pagsayaw din ng mga classmates namin. Gosh, kanina pa sya tingin ng tingin sakin. Good.

Natapos na yung practice namin ng performance then nagpaalam na din kami sa isa't isa nung biglang humarang sa dinadaanan ko si Nathan.

"Oh ikaw pala. Why?" Sabay ngiti ko pa sa kanya.

"Hmm. Ano. Pwede ko bang hingin yung number mo? Lahat kase meron nako e, sayo nalang wala." Sabay kamot nya sa batok nya na para bang nahihiya pa sakin. Tsk, trying hard namang magpa-cute.

"Okay, here." Inabot ko na sa kanya yung papel na may number ko saka nagpatuloy nako sa paglalakad at iniwan ko na sya. Paglingon ko, nakita ko syang ngingiti-ngiti. Gosh, wala pa din talagang kupas ang beauty ko.

Papalabas nako ng gate nang bigla na namang may humila sakin. Gosh, masyado na ba akong indemand ngayon? Di ako na-inform.

Sinandal nya ko sa pader at bahagyang lumapit sakin. Nagulat ako nang gawin nya yun sakin, I didn't expect na gagawin nya 'to kaya naman nagpupumiglas ako.

"What the?! Ano ba problema mo?" Kasabay noon ay tinulak ko sya ng malakas pero hindi man lang sya natinag.

"Stay. Wala akong gagawin sayo Ley, basta wag ka munang gagalaw." Ano ba talagang problema ng tao na'to.

"Let me go. Ano ba?" Pinagsusuntok ko na sya pero walang nangyari.

"Wag kang gagalaw." Galit nyang sabi sakin. What the?! Sino sya para utusan ako? Duh, Im not his slave.

Magpupumislas sana ulet ako nung bigla akong napatingin sa kabilang banda nung school.

Bigla akong napangiti at bumulong sa kanya.

"You're genius." Ngumiti lang sya sakin.

"I know." Nilapit yung mukha nya sa mukha ko ayon sa balak nyang gawin. Gosh, ang talino mo talaga. Maaasahan ka nga talaga namin.

Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon