3: That Promise And Reasons

178 15 4
                                    

She deserves that treatment. Nakakatawa yung itsura nya. Grabe. Ang dami kong tawa dun. Mga bente. Ang saya nyang pagtripan. Promise. Cute pa ng mukha kapag naiinis sya. Bigla ko tuloy naalala. Ang cute talaga.

Ay. Potek ano na naman ba yung sinasabi ko. Masyado nakong naaliw sa pagmumukha ng babaeng yun. Pero may kasalanan pa sakin yung babaeng yun e. Kung di nya ko binunggo ade sana di na ko natagalan sa pagsundo kay KylaMyLoves ko. Tsk. Kaya dapat lang sa kanya yung mga sinabi ko kanina. Curse that evil lady. Sya may kasalanan nito e.

Alam nyo ba kung anong nangyari? Haha. Malamang hindi e no. Onga sabi ko nga tanga ako.

Ganito kase yung nangyari kanina nung pagkatapos kong takbuhan yung nakakainis na babae na yun.

"ARGH! CURSE YOU MR. IDIOT. DIE NOW." Sigaw nya saken habang patakbo nakong umalis sa harapan nya. Hahaha. Mahirap na baka mamaya kung ano pa gawin nun saken. At habang tumatakbo ako papunta sa room nila Kyla bigla ko nalang naalala na parang may nakalimutan akong kung ano. Syete. Kanina pa ko pinagtitinginan dito ng mga estudyanteng nagdadaan sa may corridor ng building na'to. Ano ba kase yung nakalimutan ko? Tsk. Mamaya ko na nga hahanapin. Susunduin ko muna sya.

Yeah, finally. Nakita ko na sya. Buti nalang pala medyo okay pa yung punta ko dito at wala yung asungot na yun.

"Hi Kyla. Hmmm. Sorry nga pala kung....."

Pero.

Nilampasan nya lang ako. Why? Wala naman akong ginawang mali. I know her. Ganyan sya lagi kapag may nasalanan ako aa kanya o kaya kung may ginawa akong di nya nagustuhan. Pero wala naman akong ginawa e. Wala naman diba?

"Hey. Dyan ka nalang ba? Baka may balak ka pong kunin yung bag mo. Kahit kailan ka talaga. Sa sobrang excited mo pati bag mo nakakalimutan mo na. Napaghahalata tayo?" sabay patuloy nya sa paglalakad palayo sa akin.

Ay tanga! Kaya pala parang may nakalimutan ako. Hay. Pati bag ko nakalimutan ko pa, napaghahalata tuloy ako. Kanina kase nangunguna kong lumabas ng classroom e. kaya siguro nakalimutan ko. Tanga ko kase e. Tapos kung ano ano pa tong naiisip ko.

"Uy. Ano na? Let's go." sabay aya nya saken pabalik sa building namin. Idagdag mo pa ang kamay nya na nakakapit sa braso ko kaya mas lalo kaming pinagtinginan ng bawat estudyante na makakasalubong namin. Then I heared some of them murmuring.

Student 1: "They're cute couple."

Student 2: "Di sila bagay. Ang ganda pa mo nung girl, sayang sya."

Student 3: "Hmm. Baka naman magkapatid kaya ganyan sila ka-close ?"

Student 4: "Pare. Sayang yung chix na yun oh. Bantay sarado e."

Di naman maitatanggi na maganda talaga sya. Hmmm. Pero ako? Hay. Never mind. I'm not that handsome. Di rin pansinin. Kumbaga parang sakto lang. Kung di kita kakilala malamang di mo ko kailanman mapapansin. Ako yung tipong kapag nadaanan mo, ni hindi mo man lang matatandaan. Kase di naman nga ako ganun kagwapo.

But I don't care. Alam kong naririnig din ni Kyla yung mga sinasabi nila pero mukhang sinasawalang bahala na lang nya na parang walang narinig. Kaya kagaya nya. Di ko nalang din sila papansinin. Basta ako maswerte akong kasama ko sya. Walang nakong pakialam sa kanila. I'm not interested about their opinions.

Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag kasama mo yung taong mahal mo diba? Like this. Feeling ko lumulutang ako sa tuwa e. Yung parang butterfly lang? Siguro naman normal lang tong nararamdaman ko diba? Lahat naman ng taong nagmamahal pinagdadaanan to. Ang saya kapag inlove ka. Pero alam mo ba kung ano yung mas masaya pa dun? Yun yung tipong alam mong mahal ka din ng taong mahal mo. Yun na siguro yung pinakamasaya once na nagmahal ka. Katulad namin ngayon. Alam kong mahal namin ang isa't isa kahit hindi kami, kahit MU lang kami.

Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon