18: Friend In Need

55 4 0
                                    

Naglakad lakad ako papalayo ng gym ng school. Nakakapagod pala. Nakakasawa din na paulit ulit lang. Idagdag mo pa yung nakakabwisit kong partner? Kaya ayun nagkanda letse letse na yung practice.

Bakit ba kase by height pa yung partners? Pwede namang alphabetical o kaya naman hila-hilahan. Tsk. Badtrip e.

Naupo nako sa may likod ng room. Mapuno. Malilim. Mahangin. Tahimik. In short napakapeaceful ng lugar na 'to. Masarap dito matulog saktong inaantok pa naman ako.

Binaba ko na yung bag ko sa damuhan para gawin kong unan. Matutulog muna ko saglit. Maaga pa naman. Makakatulog pako ng kahit isang oras. Nilagay ko na yung earphones ko saka nagpatugtog ng kanta.

Makakatulog na sana ko ng biglang mag-ring yung phone ko.

♪♪ But you only need the light when it’s burning low Only miss the sun when its starts to snow Only know you love her when you’ve let her go ♪♪

Tiningnan ko kung sino yung tumatawag saka ko sinagot. Si Kristel lang pala.

A: Hello Kristel?

K: Hello Kuya. *sob*

A: Oh umiiyak ka ba?

K: Hmm. Asan ka ngayon? *sob*

A: Asa school. Bakit? Gusto mo bang puntahan kita?

K: Ako nalang pupunta.

*toot* *toot* *toot*

Ayun. Binabaan na naman nya ko. Ano kaya problema nung bata na yun? Umiiyak ang loko e. Ngayon ko lang makikitang umiiyak yun.

Naghintay ako ng ilang minuto. Pero wala pa din sya. Ano na ba nangyari dun?

Naisipan ko nang tumayo para hanapin sya. Baka mamaya kase ano na mangyari dun e. Umiiyak pa naman yun. Baka mapano yun, ako pa may kasalanan.

Naglakad lakad ako para hanapin sya. Dumaan ako sa garden at nagbaka sakali na baka nandun sya. At di nga ako nagkamali. Nakaupo sya sa isang table dun habang nakadukdok.

"Uy. Ano problema mo ah?" Sabay kalabit ko sa kanya. Pero pagkalingon na pagkalingon nya. Biglang parang may nagbuhos ng malamig na tubig sa katawan ko na para bang di ako makagalaw.

"K-Kyla?" Gulat na gulat kong sabi. Hindi ko inakalang sya pala yun. Teka.. Umiiyak na naman sya.

Hindi sya nagsalita pero nakatingin pa din sya sakin. Na para bang may hinihintay syang sasabihin ko.

Andami kong gustong itanong sa kanya dati. Andami kong gustong isumbat. Gusto kong magalit sa kanya. Pero bakit ngayon parang pinanghinaan ako ng loob. Lahat ng inipon kong lakas ng loob mawala lang sa isang iglap. Wala akong masabi kahit isang salita.

Kinuha ko yung panyo ko sa bulsa ko saka ko inabot sa kanya. Naupo ako sa may isa pang upuan at hinintay kong kumalma muna sya. Hindi ko naman sya pinipilit na magsalita e. Gusto ko lang na makasama sya kahit sandali.

"May problema ba?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko na napigilang magtanong. Nilalamon na ko ng mga tanong sa isipan ko. Napakadami kong gustong malaman. Napakadami kong gustong itanong.

"Nag-away kami." Yun lang yung tanging salita na binitawan nya pero nakaramdam nako ng sobrang pagkainis. Walang hiya.

"Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya.

"Si.." akmang sasagot na sya ng biglang tumunog yung phone ko. Tumatawag si Kristel.

♪♪ But you only need the light when it’s burning low Only miss the sun when its starts to snow Only know you love her when you’ve let her go ♪♪

 

Sasagutin ko ba o hindi? Bigla akong napatingin kay Kyla. Ano na gagawin ko?

"Sagutin mo na. Okay lang." Sabi nya sakin sabay ngiti na may halong lungkot sa mga mata nya. Tsk. Wrong timing naman oh.

Tinanguan ko nalang sya. At sinagot ko na yung tawag.

A: Hello Kristel.

K: Kuya. Asan kana ba?

A: A-Asa garden.

K: Ah. Osige puntahan nalang kita dyan.

A: Ako nalang pupunta. Asan ka ba?

K: Sa likod ng room. Sa dati.

A: Ah okay sige. Punta nako.

Binaba ko na. Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala nakatingin si Kyla sakin. Pero bakit ganun yung mga tingin nya. Parang ang lungkot. Parang walang buhay.

"Kyla. May kailangan pa kase akong puntahan e. Mauna nako?" Paalam ko sakanya. Matagal akong naghihintay ng sagot nya. Pero wala. Wala na syang sinabi.

Nag-umpisa nakong maglakad palayo sa kanya. Sa babaeng hindi ko pa din nakakalimutan... hanggang ngayon.

Napatigil ako nlsa paglalakad nang bigla syang nagsalita.

"Mahalaga pala talaga sya sayo." Walang buhay na pagkakasabi nya. Mahigsi lang yung sinabi nya pero bakit parang may inggit sa mga salitang binitawan nya.

Hindi ko nalang sya pinansin at pagpunta nako kay Kristel. Ayoko nang paasahin pa yung sarili ko na may pag-asa pa. Dahil alam kong masasaktan lang din ako sa bandang huli.

Pagkadating ko sa likod ng room. Nakita ko na agad si Kristel. Nakatalikod. Parang umiiyak pa din sya.

"Akala ko ba matapang ka? Bakit umiiyak ka ngayon?" Pabiro kong sabi sa kanya. Naalala ko lang yung sinabi nya dati na, mahihina lang yung taong umiiyak. Tapos ngayon sya yung makikita kong umiiyak. Haha. Adik lang e.

"Hindi naman kase sa lahat ng pagkakataon pwede kang magpanggap na masaya ka. Minsan kailangan mo din ilabas yung mararamdaman mo. Hindi naman ako manhid Kuya." Sabay punas nya ng mata. Kahit nakatalikod sya sakin. Alam kong umiiyak sya. Kilala ko na sya e. Antagal na naming magkakilala.

"Nasasaktan din naman ako." Dagdag nya. Kinapa ko yung panyo ko para ibigay sa kanya. Saka ko lang naalala na binigay ko nga pala kay Kyla.

Di ko alam kung ano yung dapat kong sabihin sa kanya. Hindi ko naman alam kung ano ba yung ikinasasama ng loob nya e.

Nakita ko nalang yung sarili ko na yakap yakap sya mula sa likuran nya. Hindi ko alam  kung tama ba yung ginawa ko pero yun lang yung naisip ko.

Nagulat ako nung isandal nya yung ulo nya sa mga braso ko. Hay. Ang swerte siguro ng taong mamahalin ne'to.

Nanatili lang kami sa ganong posisyon hanggang sa tumahan na sya. Antagal ko din sigurong nakayakap sa kanya. Kanina pa iyak ng iyak e.

Napatingin ako sa relo ko. Malapit na palang mag-1. Kailangan ko ng bumalik sa gym. Kaso di ko alam kung pano ko magpapaalam sa kanya.

Nagulat ako ng biglang gumalaw si Kristel. At humarap sakin. "Hmm. Kuya. Ano.. Hmm. Kailangan ko na palang umuwi. Pasensya na sa abala. Salamat sayo. Ingat ka ah?" At tumayo na kaming dalawa.

"Wala yun. Nandito lang naman ako lagi. Kuya mo kaya ako. Haha. Ingat sa pag-uwi." Sabay pisil ko ng ilong nya. Haha. Cute talaga ng bata na'to.

"Sige na. Uwi kana. Baka mapagalitan ka pa." Sabay wave ko ng kamay sa kanya. Hay. Mag-isa na naman ako.

Makabalik na nga sa gym.

Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon