Ako nga pala si Gin short for Ginebra...
Lasingero kasi ang tatay ko kaya naman ipinangalan niya ko kanyang paboritong inumin...
Nakakatawa no?
at dito naman nagsimula ang kwento ng aking buhay pagibig...
Bata palang ay matalik na kaming magkaibigan ni Ren short for Renaldo...
Ayaw na ayaw ni Ren na tinawag siya na Renaldo ang baho daw kasi pakinggan nako once na tawagin mo siya ng Renaldo makikita mo ang pamumula niya na halos may lumalabas ng usok sa ilong at tenga niya hahahahaha nakakatawa talaga siya...
kahit ganun yun ang gwapo gwapo parin niya...
kaya naman bata palang kami ay crush ko na siya...
pero hindi niya alam yun dahil ang tingin niya sakin ay "one of the boys"
pero okay lang yun!
basta andyan lang siya palagi ay masaya na ko :)
Lagi kami magkasama sa anuman at saan man...
pati nga ata sa comfort room ng boys ay gusto niya ako isama minsan
nakakatawa ano? hmmmm...
Magkasundo kami sa lahat ng bagay...
Magkadikit na nga ata daw ang bituka namin sabi ng parents namin dahil sa lahat ng bagay na kami ay nagkakasundo at sa tuwing kami ay magkasama...
Sanay na sanay na sila na kami ang magkasama mapaschool man o kalokohan...
Anak na nga daw ang turing nila sakin...
Yessss! Kilig naman ang lola niya future daughter-in-law daw? Biro lang masyado na ata akong nagiging feelingera tska how i wish naman no? hayyyy.
Magkaklase kami mula kindergarten hanggang highschool at masaya kami lagi...
hmmmmm....
Nagaaway naman din kami paminsan-minsan, abnormal nga kami magaway e. Kasi minsan ay nagwrewrestlingan kami...
parang mga sira lang! Hahahahahaha,
basta pag pareho na kaming pagod sa pagaaway at ang sakit na ng katawan namin dahil sa wrestling at magkakatawanan na;ang kami AYUN! Okay na kami!
Ganun lang kasimple ang mga bagay para saming dalawa...
Naalala ko noon nung naguusap kami habang kumakain ng isaw...
*Flashback*
"Gin!" sigaw ni Ren kahit magkatabi lang kami.
"Oh? Kung makasigaw naman parang ang layo layo ko." sabi ko naman habang natatawa.
"Pwede bang mangako tayo sa isa't-isa na kahit anong mangyari ay mananatili tayong bestfriends 'til death do us part?" pangungumbinsi naman sakin ni Ren
"Ano bang nakain mo? Ang bakla mo ata ngayon! HAHAHAHAHAHA" pagtataka ko at patuloy siyang inasar habang tumatawa na parang wala ng bukas.
"OY! Hindi ako bakla sa pogi kong ito!" at nagpose pa siya ng 'pogi sign' at pinagpatuloy ang pagsasalita... "Sige na please? Minsan lang naman ako humiling e?" habang nagpupuppy eyes siya haynako parang bata ang isang to.
huminga muna ko ng malalamin bago nagsalita... "Oo na! Oo na! Promise!" habang taas-taas ko ang aking kanang kamay na parang namamanata lang at nakita ko siyang ngumiti... "Oh ano, okay na ba?" at nagthumbs up pa ako.
ngumiti muna siya bago sagutin ang tanong ko... "Oo naman, okay na okay!" at kinindatan niya...
Sa totoo lang, kinilig ako noon kasi parang kasalan na yun para sakin e. hihihi.
Ang babaw ko no? Pero syempre dapat cool lang ako!
*End of Flashback*
Magcocollege na kasi kami noon at alam kong magkakahiwalay na kami dahil hindi ko afford na pumasok sa kolehiyong papasukan niya...
Buti na lang at may cellphone at internet na...
So.. Tuloy parin ang communication namin...
Yun nga lang hindi na kami makahangout lagi
Twice a month lang siya umuuwi sa kanila kaya naman twice a month lang din kami nagkikita at nagkakasama, pero okay lang sakin kasi alam ko namang matibay parin ang samahan ng aming pagkakaibigan...
Isang gabi habang naglalakad kami...
Out of the blue ay ginulat niya ako sa tanong niya... "Tol, ang magbestfriends ba, pwedeng magkatuluyan?"
Sobrang gulat ko natahimik ako at nagblushed ako... Naisip ko kasi 'ito na ba yun? Ito na ba yung matagal ko nang hinihintay?'
=TO BE COUNTINUED=
A/N : Sorry kung boring, hindi kasi ako magaling gumawa ng story kahit soft copy na to...
P.S : Pagbigyan! :D -Winchell_Chance
BINABASA MO ANG
Sayang
Teen FictionIstorya ito ng magchildhood sweethearts na magbestfriend na since birth... and they fall in love to each other but tinago lang nila ito sa isa't-isa, until kung kelan huli ang lahat tska lang nila na realize ang halaga ng isang bagay na matagal na d...