Ang tagal ko na palang hindi nagsasalita napunta pala ko sa outer space at nang makabalik ako sa mundo... AY AYUN! Pinagtatawanan na ko ng mokong! Ang pamumula ko sa pagkakahiya ay naging pamumula ko sa galit at walang pagdadalawang isip ay pinagpapalo ko siya ng sling bag ko! "Hmmmm! Aba'y buti nga sayo!" at syempre tumigil na siya sa pagtawa, nasaktan e...
at sinagot ko naman ang kanyang tanong nang patanong din... "Bakit mo naman natanong?"
at syempre... Siya naman itong natigilan, pero nakabawi rin naman agad... "W-w-wala! W-wala lang... Naisip ko lang..." nautal-utal niyang sabi...
"Sure ka? Naisip mo lang talaga?" paninigurado ko...
bumuntong hininga muna siya at nagsalita.. "uhmmm... Ano kasi... y-yung dormmate ko... bale may bestfriend din siyang girl... taposss... naging silaaa... yun! taposss... ayun! sobrang okay nila together na super kilala na nila yung isa't-isa ganun! ganun lang! kaya ko naitanong..." pagpapaliwanag niya...
"Ahhh..." yun lang ang tangging nasagot ko... bago pa may makapagsalita ulit saming dalawa... bumuhos ang napakalakas na ulan at wala na kaming iba pang nagawa kundi ang tumakbo dahil pareho naming ayaw mabasa ng ulan...
NAPAKAWRONG TIMING TALAGA... :(
Sayang nga e, siguro kung nagpabasa nalang kami sa ulan baka naging romantic pa ang peg ng scence na ito! Heps! Nababaliw na ata ko dibale na, hindi naman niya ko naririnig...
Hindi na nasundan pa ang aming paguusap ngayon, hindi na rin siya umuuwi ng twice a month, hindi na rin siya laging online at bihira nalang siya kung tumawag o magreply sa mga text ko...
Hindi ko alam kung anong reason ng biglaan niyang pagbabago, naging cold na nga siya sakin e, ewan ko ba?
Isang araw umuwi siya sobrang excited at saya ko...
kaso may kasama siyang babae...
Maganda siya, Mahinhin... Mukhang sophisticated...
Uhmmm, siya yung tipong babaeng-babae...
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman samantalang isa lang akong hamak na BESTFRIEND! OO! BESTFRIEND!
Ano pa ab dinadrama ko dito? ugggh!
pero for the first time, nakaramdam ako ng SELOS!
E, teka lang? ano tong nararamdaman ko?
SELOS!
SELOS!
SELOS!
SELOS!
SELOS!
SELOS!
SELOS!
Paulit-ulit tong nagpiplay sa utak ko, ako nagseselos? ano bang karapatan ko wala naman diba?
kasi BESTFRIENDS LANG KAMI, BESTFRIEND LANG NIYA KO! KABABATA LANG NIYA KO! KAIBIGAN! OO! MATALIK NA KAIBIGAN LANG O KAPATID YUN! YUN LANG!
=TO BE COUNTINUED=
BINABASA MO ANG
Sayang
Teen FictionIstorya ito ng magchildhood sweethearts na magbestfriend na since birth... and they fall in love to each other but tinago lang nila ito sa isa't-isa, until kung kelan huli ang lahat tska lang nila na realize ang halaga ng isang bagay na matagal na d...