"Hep! Rod? You mean, nanganak pa ulit si tita? Wow naman!"pagtatanong ko...
"H-hindi. Anak ko..." malungkot niyang sinabi...
* S I L E N C E *
Ngayon ako naman tong parang binuhas ng malamig na tubig...
halos mabibingi na ko sa katahimikang bumabalot sa pagitan namin ang awkward pa!
Ayokong maniwala sa mga sinabi niya kanina, ayoko maniwala, panaginip lang to diba?
ito nanaman ako nagpupumilit kahit alam ko na ansa realidad ako! Hindi ko matanggap!
Ang sakit hindi ko na namalayang kanina pa pala umaagos ang luha ko sa mukha ko...
At kung panaginip man ito isa itong napakasamang panaginip, bangungot...
PAKIGISING AKO PLEASE?
AYOKO NA! PAGOD NA KO!
SAWA NA KO!
ANG SAKIT SAKIT NA!
SAMPALIN NIYO KO!
SABIHIN NIYONG NANANAGINIP LANG AKO!
PLEASEEEEE?
At natauhan ako nang hinawakan niya ang kamay ko at nagpupumigilas na ko...
Gusto ko nang tanggalin ang mga kamay niya sa pagkakahawak sa mga kamay ko ngunit naubusan na ko ng lakas kaya naman ngayon ay pinipigilan kong humgulgol...
"Sorry tol!" sabi niya at ngayon nama'y basang basa na ang mukha ko at maging ang lamesa ay napupuno na ng luha ko...
"K-kelan p-pa?" putol-putol kong pagtatanong... ang sikip na ng dibdib ko hindi ako makahinga...
"Noong umuwi ako satin nung kasama ko si Venus... Buntis na siya noon..." pagpapaliwanag niya...
GRABE!!!!!
PARANG DINUROG ANG PUSO KO.... ANG SAKIT... ANG SAKIT... SAKIT...
Patuloy lang akong umiiyak wala na kong magawa...
HULI NA ANG LAHAT...
at nang makabawi ay nagsalita na ko... "Y-you mean... n-nung h-huling na nagusap i-i mean nagaway t-tayo e... B-buntis na siya noon? T-tatay ka na noon?" pinipigilan ko a\parin ang sarili kong wag humagulgol...
at...
TUMANGO NALANG SIYA BIGLANG KANYANG SAGOT SA AKING KATANUNGAN...
Pinahid ko ang luha ko, bumuntong hininga ako at nagpumilit magsalita...
"E-e... K-kung ganun p-pala... e-e... dapat co-congrats ang dapat kong sinasbai s-sayo ngayon... Why ka nga pala nagsosorry kanina? hehe." ani ko... nagpupumilit lang akong ngumiti kahit sa loob-loob ko sobrang sakit na...
"I'm sorry kung bigla nalang ako nawala... Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko sayo----" hindi ko na siya pinatapos pang magsalita...
at hindi ko napigilan ang sarili ko... "H-HINDI MO ALAM?!!!"...."Bestfriend mo ko dba? So dapat kahit ano pwede mo sabihin sakin? d-dba?"
Napayuko siya...
Alam kong pinipigilan niyang maiyak...
at... Hindi ko kayang nakikitang lumuluha siya...
So... Nagtapang-tapangan ako...
"Hahaha. ang panget naman ng pagkikita natin puro iyakan... hehehe..." pinilit kong tumawa...
Naki-join narin siya sa pilit kong pagtawa...
Inubos namin ang aming pagkain nang hindi naguusap ng kahit anong salita...
at... pagkatapos nood ay... NAGPAALAM NA KO...
"Tol! Pano ba yan? Kailangan ko nang umalis... Text-text nalang ah?" pamamaalam ko saknya...
Hindi ko na kinukha pa ang panibago niyang number at maliwanag nang wala na kong plano pang itext siya...
"Tol! Sorry sa-----" hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya at... nagreact na ako...
"hep! hep! hep! Okay na yun! Kalimutan na natin iyon... Oh, sige na..." at tumalikod na ko para umalis...
Hindi ko na narinig pa ang huling sinabi ni Ren... Dahil nagmamadali na kong makalabas ng mall... Para muling pakawalan ang aking mga luha...
*Ren's POV*
"I'm sorry Tol! Hindi ko na ipaglaban ang friendship natin...
at... hindi ko nasabi sayo na bata palang tayo ay MAHAL NA KITA...
I'm sorry dahil NADUWAG AKO...
I'm so sorry Tol!"
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ayun na ang huling pagkikita namin ni Ren...
Alam ko sa sarili ko na hindi ko pa siya kayang harapin ulit hangat...
meron parin akong nararamdaman sakanya...
Kung kelan ko ulit siya mahaharap?
HINDI KO ALAM...
BASTA ANG ALAM KO LANG NGAYON AY...
NATUTO NA KO...
BINABASA MO ANG
Sayang
Teen FictionIstorya ito ng magchildhood sweethearts na magbestfriend na since birth... and they fall in love to each other but tinago lang nila ito sa isa't-isa, until kung kelan huli ang lahat tska lang nila na realize ang halaga ng isang bagay na matagal na d...