CHAPTER THREE

3 0 0
                                    

GIRLFRIEND na pala niya yung magandang babae...

OO, tama kayo ng basa! GIRLFRIEND niya na iyon...

at ang pangalan ay Venus... ang gandang pangalan bagay sakanya at isa pa ayun sa nabasa ko ang depinisyon ng pangalang Venus ay "Goddess of Love and Beauty." bagay na bagay talaga sakanya.

pero hindi parin ko parin maialis ang nararamdaman kong selos kahit na alam na na wala naman akong karapatan... kasi naman e... akala ko nagbibiro lang siya pero totoo pala, totoo talaga!

Sana nga panaginip lang ito at magising na ko, ngunit kahit anong gawin ko mukhang napakaimposible nang gusto kong mangyari dahil hindi ito imahinasyon o kung ano man, nasa realidad ako at ang realidad lahat ay totoo i mean totoo ang mga nangyayari hindi nga ako nananaginip...

Siguro nga ako lang tong gustong paniwalaan na nanaginip lang ako o gino-good time lang nila ako...

Simula noon, sa tuwing uuwi siya lagi na lang niyang kasama iyong kayang SO-CALLED-GIRLFRIEND!

Nakakainis gusto ko siya sigawan pati narin yung babaeng yun, pero hindi ko magawa at natatakot ako na baka lumayo lang ang loob sakin ni Ren at hindi na siya magpakita pa sakin, natatakot ako...

UGHHH!!!!!!!

BADTRIP TALAGA!!!!!!!!

Isang araw naisipan namin magpunta sa isawan kung saan kami dati lagi nagpapalipas ng oras lalo na pag nagugutom kami at walang magawa... pero this time may kasama na kami...

nakakaasar talaga! pati ba naman kasi sa pagiisaw naman e, kasama pa iyong kanyang MAARTENG NOBYA! E, hindi nga siya kumakain nun e, sasama pa kasi ang arte-arte nakakainis!

Para kasi siyang laging nasusuka tuwing makakatikim siya ng isaw, ayyy! ewan! ang arte talaga nakakasira ng araw!

Isang araw, umuwi magisa si Ren...

pinuntahan ko talaga siya sakanila at kinausap...

tinanong ko siya... "Ren? Bakit bigla ka nalang nagbago?"

"Hindi ko alam kung ano yang pinagsasabi mo." sagot naman niya...

So, ipinaliwag ko sakanya lahat ng pangbabalewala niya saking nitong mga nakaraang buwan...

OO, BUWAN!

Ilang buwan na niya ako iniiwasan...

"Ako pa ba ang BESTFRIEND MO?!" pasigaw kong tanong talagang inemphasize ko yung 'BESTFRIEND MO' 

"Anong klaseng tanong ba yan?" inis niyang sagot sa tanong ko...

* S I L E N C E *

"E, BAKIT PARANG NAGBAGO KANA?! PARANG HINDI KA NA LAGING EXCITED UMUWI DITO?! Parang hindi ka na nga masayang makasama ako e... ANO BA TALAGA?!" hindi ko mapigilan ang aking sarili, alam kong umaakto akong parang nobya niya kahit ang totoo namane, wala na kong silbi sa buhay niya!

"Oh, e bakit high blood ka dyan at masyado kang affected?" tanong niya at hindi ko inaasahang may kasunod pa siyang sasabihin... "Nagseselos ka ba?"

=TO BE CONTINUED=

SayangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon