File Case #1.5: He's Dead

113 31 17
                                    

TWELVE MIDNIGHT.

'Yon ang estimated time nang mawalan ng buhay si Tito Jordan. Saksak sa puso gamit ang kutsilyo na siyang nakita nila kanina, ang iisipin ninuman na dahilan na pagkamatay nito. Pero ayon na rin sa ama niya, smothering ang sanhi ng pagkamatay nito. Someone closed his external respiratory orifices first before stabbing him through his heart, gamit ang kutsilyong iniwan ng suspect na nakaturok sa tapat ng puso ni Jordan. Double dead? Most probably.

Nagpakawala siya nang malalim na hininga at pinilit itinuon sa pinagsasabi ng ama niya ang atensiyon.

Hindi niya alam kung gaano katagal niya natitigan ang bangkay ng ninong niya kanina. Namalayan na lamang niyang nasa sala na silang lahat at binibigyan ng impormasyon at instructions ng daddy niya.

"Last night, tiniyak ko ng nakasarado lahat ng pinto at bintana ng bahay. Kaya hindi ko masasabing nilooban tayo rito. Maliban sa parang wala namang nawala rito sa bahay – ayon na rin sa pag-iinspeksyon ni Clarisse, wala rin akong nakitang nasirang pinto o bintana. Though, I still don't know how this tragic thing happened to Jordan. May dalawang bagay lang tayong sigurado ngayon.

Una, Jordan was murdered. Probably, this is homicide case. Kung mapapatunayang hindi nga tayo nilooban noong nakaraang gabi.

Second, dahil wala ng ibang tao sa bahay na 'to maliban... sa atin, isa lang sa 'tin dito ang maaring... pumaslang sa kanya. Kay Jordan."

Sabay-sabay niyang narinig ang pagsinghap ng mga kasama niya sa sala. Bumaha rin ng emosyon ang puso niya.

"Since there's no way an outsider could do this to him," patuloy ng ama.

"Are you sure about that, Bruce?" tanong ni Jenna; katabi nito si Courtney na napatigil din sa pag-iyak at napatulala sa sinabi ng ama. "Because on how I understand what you are saying, correct me if I'm wrong, you are accusing that one of us might be the one who did this to... to Jordan."

"Certainly," sagot agad ng ama niya. "At habang wala pa rito ang mga pulis, wala munang papasok sa music roo–"

"I knew it," ang galit na boses ni Melissa ang nagputol sa sinasabi ng ama niya. Nakapagitan ito nina Joemar at Robert sa pag-upo sa kaharap nilang long sofa. Nababalot ito ng kumot, dahil parang ginaw na ginaw ito habang umiiyak. Namamaga ang mga mata nito at nanlilisik habang nakatingin kay Clarisse – na ipinagtataka niyang sa halip na mga luha, galit ang makikita sa mga mata nito. "It's you who killed him!"

"Dahan-dahan ka sa pananalita mo–"

"Sino ba ang magdamag na kasama ni Jordan? Ang asawa lang naman niya, di ba?" buong kompyansang putol pa ni Melissa sa ina niya habang nasa kay Clarisse pa rin nakatingin. "Isa pa, andiyan na ang motibo mong patayin siya. Dati mo ng alam na nagtataksil sa 'yo ang asawa mo at gusto ka niyang hiwalayan! Natatakot kang mawalan ng mamanahin sa kanya!"

"Ikaw na rin ang nagsabi, Melissa," si Charisse ang nagsalita. Nakaupo ito katabi ang ina sa sofa na nasa kanang bahagi ng ino-upuang sofa nila. Nasa gitna ito ng kambal na parehong hilam rin sa luha at ngayo'y may galit na sa mga matang nakatingin kay Melissa. "Matagal ng alam ni Mommy ang pagkakaroon ng relasyon ni Daddy sa 'yo. Alam din ng Daddy na alam ni Mommy ang pagiging kabit mo sa kanya. Sa tingin mo ba may gana pa siyang tumabi sa lalaking nagtataksil sa kanya? Maamoy nga lang niya ang pabango mong dumikit kay Dad nandidiri na siya. Kadiri-diri ka naman talaga!"

"Aba't–" susulong na sana ni Melissa rito nang parehong pigilan ito ni Joemar at Robert.

"Tumigil ka nga, Melissa. Ikaw naman ang nag-umpisa nito. At huwag kang basta nagtuturo ng kung sinu-sino. Kung magsalita ka parang hindi malaking kasalanan ang pagiging kabit mo kay–" Isang malakas na sampal ang natanggap ni Joemar mula kay Melissa.

Heart's MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon