File Case #1.3: Getting To Know Clarisse

113 29 19
                                    

DALAWANG KATOK sa nakabukas na pinto ng music room ang ginawa ni Red bago napahinto sa pagtutog ng piano si Clarisse at nakuha ang atensiyon nito. Ningitian niya ito.

"Hija! Ano ang ginagawa mo diyan? Halika, pasok ka." Pumasok na nga siya at tumayo sa tabi ng piano. Matamis na ngumiti ito sa kanya.

"Galing po ako sa kwarto niyo pero wala po kayo doon, eh."

"Nag-alala ka sa akin dahil sa nangyari kanina, noh?" panghuhuli nito habang suot pa rin ang magandang ngiti nito. Tumango naman siya bilang sagot dito. "Ayos lang ako, Ronica. Pasensiya ka na kung natakot kita kanina. May problema lang talaga ako sa mga pusa."

Tinapik nito ang upuan sa tabi nito para paupuan siya doon. Tumabi rin naman siya.

"Narinig ko na nga po ang tungkol sa inyo at sa pusa. Ikinuwento po kanina ni Courtney."

"Ewan ko ba. Matagal na nga 'yon, pero ang hirap pa ring kalimutan ang nangyari. Sa tuwing nakakakita ako ng pusa naalala ko ang pangyayaring 'yon. Ang taas din kaya ng hinulugan ko. Buti na nga lang buhay pa ako," biro pa nito.

Ng mga sandaling 'yon, hindi niya alam kung papano niya napakwento si Clarisse sapagkat naging makwento na lang ito bigla.

Mula sa nangyari noon na may kinalaman sa takot nito sa pusa, hanggang sa pagiging mahilig nitong tumugtog ng piano, napunta sa pagcollect ng mga mamahaling bag, paggiging magkaibigan nito sa mga sikat na designers, sa pagpunta nito sa Paris at pagkilala na rin ng mga Hollywood actors and actresses.

Ngayon na niya naintindihan kung bakit hindi gusto ng Mommy niya si Clarisse.

Clarisse bragged a lot. Ang dami nitong pinagyayabangang bagay na ayaw na ayaw nga naman ng Mommy niya. But she didn't take it against Clarisse. Ewan ba niya, pero napapangiti siya sa pagkukwento nito.

"Tita, may isang bagay po na curious ako," sabad niya sa gitna ng pagkukwento nito.

"Hmm?" Nagsimula uli itong magtipa ng piyesa.

"'Yong tungkol po kay Melissa..." Nang matigilan ito, alam na niyang may di tama. "Hindi po ba siya talaga madalas dito sa inyo?"

Napatingin ito sa kanya. "What do you mean?"

"I mean..." Paano nga ba itatanong ito? "Lately po raw kasi, sabi ni Courtney, noong pagkatapos maaksidente sa kotse si Tito Jordan, dito raw po madalas nagtatrabaho sina Tito. Ibig sabihin madalas din po rito si Melissa."

Sandaling tahimik lang ito. "Actually, hindi ko alam. Ako naman kasi ang hindi madalas sa mansiyon na 'to. Ang laki-laki kasi, napakatahimik. Nakakabagot. Mas madalas kong kasama ang mga kaibigan ko sa labas. You know. Night life. Parati kasing busy sa trabaho ang asawa ko kaya hindi na kami masyadong nagsasama."

Siya naman ang natigilan.

Ang lamig ng boses nito. Idagdag pa ang nakakakilabot na tugtuging biglang tinutugtog nito. Nagulat pa nga siya nang bumitaw ito ng isang nakakatindig-balahibong nota bago ito tumayo.

"I'll check kung handa na ang hapunan natin. Sana nagustuhan niyo ang merienda na hinanda ko kanina," 'yon lang at iniwan siya nito. Napatangang sinundan niya ito ng tingin nang huminto ito sa bungad ng pinto at tila may pinapagalitan. "Ilang beses ko bang dapat sabihin sa inyong dalawa, na kung maglalampungan kayo rito, pumili kayo ng tamang lokasyon na walang makakakita sa inyo!"

Mabilis na lumapit siya rito. Nagulat na lamang siya nang makita sa kabilang pintuan ang magkayakap na sina Jordan at Melissa. Nang makita siya ng ninong niya, pasimpleng lumayo lang ito kay Melissa at napangiwi. Habang mas lalong lumawak naman ang ngiti ni Melissa.

Heart's MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon