ANG NAKASALAMPAK sa dulo ng kitchen counter na si Clarisse ang nabungaran nina Red at Sylver , takot na takot at pilit itinataboy ang isang itim na pusang ilang metro ang layo rito at inosenteng nakaupo sa sahig. Agad na dinaluhan niya ito.
"Tita, ano pong..."
"P-please, Ronica... Please. I-ilayo mo ang pusang 'yan sa akin. Ilayo mo 'yan!" umiiyak at takot na nakikiusap ito sa kanya. Bagamat hindi niya maintindihan ang tindi ng takot na nababanaag niya sa mukha nito, hindi na lamang niya tinanong. Nang lingunan niya ang pusa, karga na ni Sylver iyon at inalayo na sa kanila. Doon na rin niya tinulungang tumayo ang nanginginig pa ring si Clarisse. Agad itong napasubsob ito sa balikat niya at napahagulhol. Saka rin niya nakitang nagsipasukan sa kusina ang mga kasama nila sa bahay.
Si Courtney ang kusang lumapit sa kanila.
"May takot si Tita sa pusa," sagot ni Courtney sa nagtatanong sa mga mata niya rito. Saka nito binalingan ang pusa. "Ang hindi ko maintindihan, kung bakit may pusa rito."
"I-I'm sorry," sulpot ng boses ni Melissa na nasa kusina na rin at nakiusyuso sa nangyari. Lumapit ito kay Sylver at kinuha ang pusa. "This is my cat, Chelsea. I don't know... I don't know na matatakutin ka pala sa pusa, Clarisse. At tiyaka, nasa kwarto ko lang naman itong si Chelsea, hindi ko alam kung paanong napunta siya rito. Are you okay? I'm really sorry, Clarisse."
But she didn't look sorry at all. Well, at least not for her.
Mukha nga itong nag-aalala at humingi ng depensa pero may kung nagsasabi sa kanya na hindi naman ito sinsero sa paghingi ng tawad. Kinuha ni Claire – mommy ni Troy – sa kanila si Clarisse at siguro dadalhin na muna sa silid nito. Kahit isa-isa ng nagsialis ang mga tao sa kusina, hindi pa rin niya maalis ang tingin kay Melissa. Kaya hindi niya nakaligtaan ang munting ngiting sumilay sa mga labi nito habang may tila binubulong sa pusa.
"Ronica," pukaw ng mommy niya sa kanya. Pansamantalang nalipat ang pansin niya rito nang mahimigan ang inis sa boses nito. "Don't you ever do that again. Tumatakbo ka nalang bigla. Paano kung mapanganib pala ang tinatakbuhan mo?"
"I'm sorry, Mom," tanging nasabi niya kahit gusto niyang sabihing nasa bahay lang naman sila ng ninong niya. Sumunod na rin sila nang lumabas na rin sina Melissa. Nakita na rin nila ang pagbaba nina Mrs. Cortiz, Jordan, Robert, Joemar at Chris.
"Ano'ng nangyari kay Mommy? Nasalubong namin siya ni Charisse with Tita Claire," tanong ni Chris. Wala ang kakambal nitong si Charisse kaya malamang sumama ito sa ina.
"She looked so scared. Paglabas namin sa office room, nakita rin namin siyang papasok sa silid niya. Ano'ng nangyari?" tanong pa ni Robert.
"May pusa siyang nakita sa kusina," sagot ng Mommy niya.
"May phobia sa pusa si Clarisse. Bata palang kasi siya mahilig siyang tumambay sa rooftop ng bahay nila. One day, ginulat siya ng isang pusang biglang lumukso sa kanya habang nagpapahangin sa bubong. Sa gulat, hindi niya nabalanse ang saliri at nahulog siya roon. Though sa terrace sa second floor lamang ang bagsak niya, malaki pa rin ang epekto noon sa batang katawan niya. It caused her serious injuries – not to mention very traumatic. It was a terrifying incident. She just can't forget it," dagdag ni Courtney na sa tingin niya'y para sa kanya ang impormasyon na 'yon sapagkat sa kanya ito nakatingin.
"Pusa mo ba ang nakita ni Clarisse, Melissa? Hindi mo alam na may phobia si Clarisse sa pusa?" tanong naman ni Joemar dito.
"Yes. She's Chelsea, my sweetest baby. Say 'hi' to them, Chelsea," may ngiting wika ni Melissa sa kanila.
"Akala ko ba mag-si-CR ka lang, masyado kang matagal nakabalik," wika ni Jordan nang makababa na nang tuluyan sa hagdan.
Ahm. Kailangan ba niyang pansinin ang kawalang concern nito sa asawa? Because, honestly, he looked like one – no concern with his wife.
"Sa kwarto na ako nag-CR. Napansin ko rin kasing nawawala si Chelsea kaya hinanap ko muna siya. Sa kitchen ko na siya nakita. Tinakot pa niya ang asawa mo. Well, hindi naman niya sinadya dahil wala siyang alam na takot sa pusa si Clarisse."
Sandaling natahimik ang paligid at tila katulad niya'y nasa pusa at may-ari ng pusa nakatingin ang mga ito. Ang ina niya ang unang bumasag sa katahimikan.
"Aakyat na muna kami ni Bruce, we'll check Clarisse kung okay lang ba siya," paalam ni Stephanie bago ito umakyat kasama ang ama. Sumunod din si Jenna rito.
Nagkanya-kanya na rin ang iba sa kung ano ang gagawin, samantalang hindi niya maalis ang tingin kay Melissa na nilalaro pa ang pusa nito nang muling umakyat ng bahay. Sa uri ng ngiting nakikita niya ngayon sa babae, sigurado na siyang nagsisinungaling lang itong wala itong alam tungkol sa takot ni Clarisse sa mga pusa. At sigurado na rin siyang may kinalaman ito sa nangyaring eksena kanina. Ang tanong nalang, bakit niya ginawa 'yon? Hanggang sa mawala na ito sa tingin niya, hindi pa rin niya nakuha ang maaring dahilan nito.
She sighed. Kailangan ba niyang isipin 'yon?
Nilibot niya ang tingin sa mga nagpaiwan sa sala nang mahinto ang tingin niya kay Sylver. Nakasandal ito sa pader malapit sa pinto ng kitchen at walang ekspresyong matamang nakatitig sa kanya. Ni hindi nga nito iniwas ang tingin nang mahuli niyang nakatitig ito sa kanya.
And it bothers her...
What's with that look?
BINABASA MO ANG
Heart's Mask
RomanceLumaki sa lola si Red. Subalit noong pumanaw ang Lola Ana niya, napilitan siyang lumipat sa mga magulang niya sa Candanuag at doon na tumira kasama ang mga ito. She expected things would go differently since she's living with two person who's not ac...