File Case #1.4: Tito Jordan

106 29 14
                                    

DAHIL HINDI makatulog si Red sa kabila ng malamig na panahon at tahimik na mansiyon, bumaba na lamang siya upang magtimpla ng gatas – bagay na nakasanayan niyang gawin dati pa man sa poder ng lola niya, at effective din namang pampatulog 'yon.

Tahimik ang buong bahay pagbaba niya, tanging malakas na ulan sa labas ang naririnig niya. Wala na rin siyang makitang katulong dahil sa pagkakaalam niya, stay out daw ang mga ito dahil may kanya-kanyang pamilya ang mga kasambahay na kailangang uwian.

Sa halip na dalhin ang gatas niya sa silid, pinili na lamang niyang sa kusina na ubusin iyon.

"Oh, hija," sandaling nagulat lamang siya sa pagsulpot ng boses ni Jordan. "Ba't gising ka pa?"

Dumeritso ito sa ref, kumuha ng pitsel ng tubig at baso, bago pumwesto sa harap niya sa kabilang bahagi ng mesa.

"Hindi po kasi ako makatulog."

"Namamahay ka ba?" Naglagay ito ng tubig sa baso.

"Hindi naman po sa ganoon." Napansin niyang wala ang tungkod nito. "Tito," tulad kanina habang kasama si Melissa. "Hindi niyo po dala ang tungkod niyo?"

"Hindi ko naman talaga madalas na ginagamit 'yon. Kapag pagod lang galing sa mahabang lakad o di kaya'y kung minsan, ginagawang props." The old man grinned. "It's been a week since the accident. Sa tingin ko magaling na ako. Hindi ko lang dapat pinapagod ang mga paa ko."

"I'm sorry about the accident."

"Oh, why should be? It wasn't your fault."

Lumapit ito sa kanya at marahang hinawakan nito ang isang libreng kamay niya.

"I'm happy you're here. Alam mo bang hindi mapakali mommy mo na baka hindi ka sasama sa bakasyong 'to?" Napakunot-noo siya. Ano'ng ibig sabihin noon? Tila nababasa ang isip niya at nagpatuloy ito. "Your mommy told me about how you behave after you moved in to them. Hindi ka raw masyadong nagsasalita at parating tulala. Masyado siyang nag-aalala sa 'yo kaya sa tingin niya talaga you need this vacation. Kaya noong imbetahan ko siya, hindi na siya nagdalawang-isip na isama ka." Ngumiti lamang siya. "I'm sorry about your lola. Doon ka na lumaki sa kanya kaya natural lang na mangulila ka sa kanya."

Pilit na ngumiti siya. Mabanggit lang lola niya naiiyak na siya.

"Don't be, Tito," she choked. "It wasn't your fault."

Marahang ngumiti ito. Parang naiintindihan ang nararamdaman niyang pinisil nito ang kamay niya, saka siya binigyan ng mahigpit at mabilis na yakap.

"Don't sleep late, Ella. Pagkatapos mo diyan matulog ka na," he fatherly said.

Nakangiting tumango siya. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makalabas na ito ng kusina at mawala sa paningin niya.

Sandaling napatitig siya sa baso ng gatas niya at pilit inaalis sa isip ang lola niya bago muling napatingin sa pinto ng kusina na nilabasan ni Jordan kanina.

She let her thoughts flow for a while... hanggang sa mapakunot-noo siya.

Pwede palang maging mabuting ama at the same time... masamang asawa.

NAANTALA ang planong pag-alis ng mga magulang niya at iba pang kasamahan nila sa bahay na nais ding bumalik, dahil sa malakas pa rin na pagbuhos ng ulan.

"This is bad news," ani ng ama niya. Kasalukuyang nasa sala sila at nagmemerienda kasama ang mommy niya, si Natasha, si Troy at ang ina nito.

"Tawagan mo nalang ang ospital, honey. Hindi tayo pwedeng umalis habang malakas pa ang ulan. Hindi maganda ang daan dito, baka madisgrasya pa tayo," wika rito ng Mommy niya. Maliban kasi sa lubak-lubak na kalsada, may parte pang matirik ang daan katabi ng bangin.

"I'll do that."

Subalit bago pa man makapag-excuse ang ama niya, muling may narinig silang nakakahindik na tili sa ikalawang palapag ng mansyon. Agad na nagsitakbuhan sila sa taas. At hindi pa man nila naabutan ang tuktok ng hagdan, muling sinundan 'yon ng isang tiling kinompirma ni Troy kung sino ang nagmamay-ari.

"Courtney!"

She knew then and there, may nangyaring di maganda.

At napatunayan 'yon nang mapadpad sila sa music room. There they saw Courtney crying at her mom's embrace. Habang si Melissa – na sa tingin niya'y siyang unang narinig nilang sumigaw kanina – umiiyak na nakayakap sa nakahandusay at duguang katawan ng Tito Jordan niya.

Napanganga siya sa nakita.

"What the hell?"

Heart's MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon