"WOW!" bulalas ni Red nang makababa sa kotse ng ama. Nasa tapat sila ng isang napakalaking mansiyon na di niya inaakalang makikita niya rin sa totoong buhay. Pagkapasok pa nila sa malaking gate, nakakanganga na siya sa pagkamangha. Daig pa 'ata ng lugar ang Malacanang Palace sa laki. Kung sino man siguro ang nagmamay-ari ng mansiyon, must living like a king and a queen.
"You'll like it here, sweety," pangako ng ina niya. Tinapik nito ang balikat niya bago iniwan siya sa pagkamangha.
It's summer time. Wala naman talaga siyang plano para sa buong summer mula noong lumipat siya sa pader ng mga magulang niya noong isang linggo. Pero ang ina naman niya, may plano para sa kanya. Heto nga at nandito sila sa mansiyon ng ninong niya na ilang taon din naman niyang di nakikita. Ni hindi nga rin niya maalala ang mukha nito.
"Mom, nasa Candanuag pa rin po ba tayo?" tanong niya rito. Kinuha niya rito ang bag niya nang muling makalapit dito. Ang sabi nito, ilang araw lang naman sila rito, pagbigyan lang daw nila ang invitation ng Ninong niya.
"Wala na." Malamang. Ilang oras din silang bumiyahe papunta rito. Pagkapasok nila sa loob ng mansiyon, may mga katulong na sumalubong sa kanila at kinuha ang mga gamit nila at ipapasok na raw sa magiging silid nila.
Muli na naman siyang namangha nang makita ang loob ng malaking bahay. Parang nasa isang fairytale ang design at laki ng sala. May grand staircase pa sa gitna niyon. Naalala niya tuloy ang pinaka-favorite Disney movie niyang Beauty and the Beast. Katulad na katulad ng nasa movie ang sala.
"Tita Steph, Tito Bruce!" Isang babaeng kasing-edad at kasing-tangkad lang siguro niya ang sumalubong sa kanila. The lady had a cute face and lovely smile na hindi niya napigilang mahawa sa masayahing aura nito. Nakapony-tail ang itim at umaalong buhok nito na kasing itim din ng may pagka-chinitang mga mata nito. May kasama itong matangkad na lalaki na may ngiti rin sa mga labing lumapit sa kanila.
"Troy, Courtney! Andito rin pala kayo," masiglang sagot ng ina. Pagkatapos magyakapan ang mga ito'y pinakilala siya ng ina sa dalawa. "Ronica, ito pala ang pamangkin ng asawa ng ninong Jordan mo, si Courtney. At ang kababata niyang si Troy. Kapitbahay lang din natin sila." Oh. "At nasa university rin sila kung saan ka papasok ngayong pasukan nag-aaral."
Nakangiting bumati siya sa dalawa. Simula noong lumipat siya sa poder ng mga magulang, sina Troy at Courtney pa lamang ang una niyang nakilala at siguro, magiging kaibigan na rin. Hindi naman sa hindi siya palakaibigan, hindi lang kasi siya madalas lumalabas ng bahay nila ng lola niya kaya wala siyang maituturing na kaibigan sa mga kapitbahay nila. Sa pinapasukan naman niya, she had few friends, pero hindi ganoon kalapit sa kanya.
Or maybe, hindi nga talaga siya palakaibigan.
"Andito rin po ang mga magulang namin ni Troy, Tita Steph, pero uuwi rin sila pagkatapos ng hapunan. Binibisita lang po nila si Tito Jordan," wika ni Courtney na ipinagtataka niya.
"Bakit? May nangyari ba kay Tito Jordan?" tanong na niya. Nakita niyang sandaling napatitig sa kanya sina Troy at Courtney, pero hindi na niya masyadong pinansin nang sumagot ang mommy niya.
"Naaksidente kasi ang Tito mo last week. Car accident. Pero okay naman siya ngayon. Nakakalakad na nga." Ah. Tumango na siya. Muling ibinalik nito ang pansin sa dalawa.
"Andito ba ang Tita Clarisse mo?"
Napalitan ng ngiwi ang ngiti ni Courtney bago tumango. Ganoon din ang reaksyon ng ina niya kaya nagtaka siya. Pero hindi na niya naisatinig 'yon nang biglang balingan siya ni Courtney.
"Gusto mo bang ilibot kita rito? I'll show you around," nakangiti na uling wika nito.
"Please."
BINABASA MO ANG
Heart's Mask
RomansaLumaki sa lola si Red. Subalit noong pumanaw ang Lola Ana niya, napilitan siyang lumipat sa mga magulang niya sa Candanuag at doon na tumira kasama ang mga ito. She expected things would go differently since she's living with two person who's not ac...