"HE REALLY is..." bulalas niya.
Yumuko ito at sandaling pinakialaman ang hawak na camera. Saka tumabi sa kanya; ipinakita ang mga larawang nakuha nito sa camera. Biglang nag-somersault ang puso niya sa halos magkadikit na balat nila kaya sandaling hindi napansin ang ipinakita nito.
Saka lang muling bumalik ang atensyon niya nang magsalita ito.
"That's Jordan's bed," simula nito. Jordan? "When I came in after the commotion this morning. Kita mo ang pagkagusot ng kama? That alone would tell na may taong gumamit niyan. But the bed was too messy para sa isang taong natutulog diyan. If you still don't know, hindi natutulog sa iisang kama sina Jordan at Clarisse."
"Alam ko." Hindi nito alam kung ano ang naging diskusyon nila sa sala dahil wala naman ito roon kaninang umaga.
"Two pillows were still on the head rest, except that," itinuro nito sa kanya ang unan na halos malaglag na sa gilid ng kama. "That one. Itinanong ko si Clarisse kung malikot bang matulog si Jordan, sabi niya hindi. Halos hindi nga raw gumagalaw si Jordan pagnatutulog na. Nang ipakita ko naman sa kanya ang picture, sinabi niyang bihirang maalis sa head rest ang mga unan ni Jordan pagnatutulog. Pero hindi rin naman daw ibig sabihin na imposible nang hindi magalaw 'yon. I'm not saying it was impossible too. But I'm not eliminating the possibility that that might be the weapon the suspect used for killing Jordan. Lalo na't kinompirma ng Dad mo na maaring hindi sa pagkakasaksak ang dahilan ng pagkamatay ni Jordan. With his pale face..."
"Ilang oras na ring patay si Tito Jordan nang makita natin ang bangkay niya. I think it's normal."
Nagtaka siya nang may ngiting lumabas sa labi nito. "Why am I not surprised you'll say something like that?"
Kunot-noong tinignan niya ito. "Ano?"
"You're right, matagal nan gang patay si Jordan para mamutla siya. Lalo na at siyam na oras din ang lumipas bago natin nakita ang bangkay niya. But I have other evidence na pwedeng magsasabing hindi dahil sa pagkakasaksak namatay si Tito Jordan. Look..."
May ginagalaw ito sa camera subalit nasa mukha nito ang atensiyon niya. "So, it was you."
Nalipat ang atensiyon nito sa kanya. Nang hindi ito magsalita nagpatuloy siya. "Ang nagbigay ng deductions na 'yon kay Dad kaninang umaga, I mean. Wala ka kasi sa sala kaya hindi mo narinig ang sinabi ni Dad. And now you're telling the same thing."
Ikinuwento niya rito kung ano ang sinabi ng Dad niya kanina. Simpleng 'ah' lang ang sinabi nito sa kanya.
Tuluyang napaharap siya rito. "Paano ka naman napunta sa kwarto ni Tito Jordan? I mean paano mo naisipang pumunta sa kwarto ni Tito?"
"Good question. Dahil diyan," nagclick ito sa next button ng camera at ipinakita sa kanya ang sumunod na picture.
Napalunok siya.
Katawan 'yon ni Jordan na hanggang ngayon nanatiling nakatatak pa rin sa isip niya. Nakapikit ito at halata ang pamumuti ng mukha nito kumpara sa ibang bahagi ng katawan. Maaaring 'yon ang napuna ng Dad niya o ni Sylver kaya pinagdududahan ng mga ito ang totoong sanhi ng pagkamatay ni Jordan. May saksak ng kutsilyo sa tapat ng puso nito, na ayon sa nasimulang imbestigasyon kanina, galing sa kusina ang kutsilyong 'yon.
"Dahil 'yon sa picture na 'to," sagot nito sa tanong niya. "Malamang nasabi na ng daddy mo ang tungkol sa kakaibang position ng mga kamay ni Jordan. Kung totoong nasaksak siya, dapat nasa kutsilyo ang mga kamay niya at sinusubukang tanggalin iyon. 'Yan ang normal na reaksyon ng mga nasasaksak. Or if he did that at nahulog lang sa magkabilang gilid ang mga kamay niya, dapat may bakas ng dugo 'yon. Pero wala. That thought was very disturbing, and I end up probing around his room."
BINABASA MO ANG
Heart's Mask
RomantikLumaki sa lola si Red. Subalit noong pumanaw ang Lola Ana niya, napilitan siyang lumipat sa mga magulang niya sa Candanuag at doon na tumira kasama ang mga ito. She expected things would go differently since she's living with two person who's not ac...