WARNING: In 3rd Person POV
TAHIMIK NA naglalakad si Red papasok ng Subdivision na tutuluyan niya simula sa araw na 'to. She's so damn tired from the travel pero mas pinili pa rin niyang hindi na papasukin ang taxi at maglakad na lang.
Kung sana buhay pa si Lola.
Two months ago she lost the most important person in her life. Eighty-seven na ang lola Anna niya nang iniwan na siya nito. Matanda na rin kasi ito. Ngunit hindi naman siya nag-iisa nang mga araw ng pagdadalamhati niya. Her parents were there para samahan siya at asikasuhin na rin ang Lola niya. Subalit hindi rin naman nagtagal ang mga ito sa Maynila. Pagkatapos mailibing ang Lola niya at mapilit siyang sumunod sa mga ito pagkatapos ng forty days ng Lola niya, bumalik na rin ang mga magulang niya sa Candanuag – kung saan pinili ng mga itong manirahan at iwan siya sa poder ng Lola Anna niya for five years.
Huminto siya sa paglalakad at pumikit. Mahigpit na hinawakan niya ang maletang dala niya bago sinamyo ang malamig na hangin sa paligid.
Just the same.
Ito pa rin ang Regency Subdivision na minulatan niya at ngayon nga'y babalikan niya. She was fourteen when she left this place for her grandma's. Now that she's turning nineteen, she wasn't expecting things had change. Tss. Hindi nga nagbago ang pagkakahumaling ng mga magulang niya sa lugar, kaya papaano magbabago ang pananaw niya sa lugar na 'to?
She opened her eyes.
Napabuntong-hininga siya bago pinagpatuloy ang paglalakad. Madilim na ang paligid; tanging ilaw ng mga poste at liwanag ng buwan ang nagbibigay-liwanag sa paligid. Bago marating ang Phase I ng Subdivision, isang napakahaba at maluwag na kalsada ang madadaanan muna na pinagigitnaan ng mga matatayag na puno na sa tingin niya'y gubat na pagpapasukin. Nasa Phase III pa ang mansiyon ng mga magulang niya. Nang pinili niyang bumaba sa tapat ng gate, aminado siyang mahaba-haba rin ang lalakarin niya. But she doesn't mind.
Minsan talaga sa buhay niya, gustong-gusto niya ang ganito – tahimik at nag-iisa.
Napahinto siya nang makarinig ng rumaragasang motorsiklo. Ilang metro malayo sa kanya, pa-curve na ang daan pakanan kaya kung may paparating mang sasakyan, hindi niya makikita mula sa kinaroroonan niya. Mahina pa ang tunog ng motorsiklo na 'yon pero papalakas na nang papalakas – nagsasabing papalapit sa kanya iyon.
Napakunot-noo siya nang makarinig ng iba pang tunog, a roaring car. At kung bumilis man ang tibok ng puso niya, 'yon ay dahil sa abnormal na tunog ng mga sasakyan. Na kung pagbabasehan ang tunog niyon, sigurado siyang naka-full speed ang mga 'yon.
She was about to continue walking, sa kabila ng papabilis ng tibok ng puso niya habang papalakas ang tunog ng mga sasakyan, when someone snatched her things. Lilingon na sana siya at sisitahin kung sino man 'yon nang may malaking kamay na tumakip sa bibig niya at hilahin siya palayo ng kalsada.
She was struggling and screaming; she didn't notice how fast this someone grabbed her from her back and hid her – kasama nito, in the forest. Nakaharap siya sa madilim na gubat, nakatakip ang bibig sa kamay ng kung sino mang dumukot sa kanya, habang ang isang braso nito'y ikinulong ang katawan niya.
"Shh. I am not going to hurt you," bulalas ng baritonong boses nito sa tapat ng tenga niya. And in an instance, she made no move – well, it was more likely stunned. Kasunod niyon ang tunog ng mga rumaragasang motorsiklo at kotse na dumaan sa kalsadang nasa likod ng punong tinataguan nila.
Hindi dahil sa utos ng lalaking 'to kaya siya napahinto. Kundi dahil sa boses nitong tila kinukumbinsi siyang gawin lang ang kung anong sinasabi nito... that she should trust him. And, from the looks of it – sa pananahimik niya at pagtigil sa pagwawala – trusting him, she did.
BINABASA MO ANG
Heart's Mask
RomantizmLumaki sa lola si Red. Subalit noong pumanaw ang Lola Ana niya, napilitan siyang lumipat sa mga magulang niya sa Candanuag at doon na tumira kasama ang mga ito. She expected things would go differently since she's living with two person who's not ac...