Chapter 1

23.3K 104 2
                                    

‘’Congrats sa bagong baby!’’wika ni Luisa sa bestfriend at kapitbahay nitong si Rona sa araw ng binyag ng anak niya.

‘’Salamat best salo mo na lahat ang mga ank ko sa pagiging ninang mo.’’wika ng nakangiting si Rona sa kaibgan.

‘’Oo nga dami ko ng reregaluhan sa pasko nito hahahaha.’’wika ni Luisa sa kaibgan na may apat ng anak sa asawa nitong si Henry.

‘’Naku afford mo naman eh kaw na mayaman hehehe naku best kelan kaya kayo magkakababy ni pareng Roberto ng ako naman maging ninang sa anak mo.’’wika ni Rona sa malulungkot na si Luisa.

‘’Hay ewan ko ba siguro hindi pa ito ang panahon para magkaanak kaming dalawa pero umaasa parin ako na magkakaanak kami ng aking asawa.’’wika ni Luisa na naiinggit sa kaibgan na may mga anak habang siya ay wala pa.

‘’Gusto mo hiramin mo ung panty ko? Sabi kasi ng mga matatanda para magkaanak ay gamitin ang panty ng maraming anak hahaha eh kita mo naman dumadami na tong mga chikiting to.’’wika ni Rona sa matatatwang si Luisa.

‘’Ahahaha meron bag nun? Hahaha sige pahiram nga baka swertehin na kami ng aking Roberto pero labhan mo muna ha hahaha.’’wika ng tumatawang si Luisa na mapapatingin kay Henry na asawa ni Rona.

Sa may kabilang lamesa makikita ang magkumpareng sina Roberto at Henry kasama ang ilang mga kaibgan nila.Nag iinuman ang mga ito habang tinutukso si Roberto dhil saw ala pang anak ang asawa nito.

‘’Baog ata si Luisa pare kasi d pa ako mabigyan bigyan ng anak.’’wika ni Roberto sa mga kaibgan nito.

‘’Hindi naman siguro pare subukan niyo ulit or d kaya magpatingin kayo.’’pagtatanggol ni Henry sa kanyang kumara.

‘’Ay ewan pero ako sigurado ako hindi ako baog hay gusto ko ng mag kaanak kami ni Luisa ng maging ninong naman kayo hahaha.’’wika ng tumatawang si Robert sa mga kainuman nito sabay tingin kay Rona at sa hawak nitong bata.

Natapos ang handaan ay nag kanya kanya ng uwian ang mga bisita nila Rona at Henry.Nakauwi narin sila Luisa at Roberto sa baha at dun ilalabas ni Roberto ang sentimiyento sa asawang si Luisa.

‘’Bakit d pa tayo nagkakaanak Luisa? Mabait naman tayo dba at may kakayahang buhayin ang mga magiging anak natin pero bakit wala pa rin?’’wika ni Roberto na dahil sa lasing ay masasaktan nito ang damdamin ng minamahal na asawa.

Thimik na lumuha lamang si Luisa habang binibihisan ang kanyang asawa ng makahiga ito sa kama.Lalabas ito ng kwarto sabay hawak sa cellphone at makikita ang mga mensahe ng lalaking kinakatagpo nito ng palihim.

Katya:Ill be there tomorrow same time ok?love u

Isang ngiti ang makikita sa mga labi ni Luisa sabay bura ng mensahe ng lihim na mangingibig para sa kanya.Mappatingin ito sa wedding picture nilang mag asawa sabay pikit ng kanyang mga mata na nagdarasal ng kapatawaran sa kanyang gagawing kataksilan.

‘’Dumarami na mga anak natin Henry,san tayo kukuha ng perang pang gastos sa mga anak mo.’’wika ni Rona ng nakapwesto na sila sa kama.

‘’Ako na bahala basta alagaan mo lang ang mga bata.’’wika ni Henry na agad tutulugan si Rona ng biglang himasin siya ng nagiinit na asawa.

‘’Mahal wag ngaun pagod ako please.’’wika ni Henry sa libog na libog na asawa na madidismaya sa pagtutol nito sa pakikipag talik sa kanya.

Tatalikod si Henry na maya maya pa ay makakatulog habang si Rona naman ay kukunin ang kanyang cellphone sabay labas upang tawagin ang isang lalake ng magulat ito na boses ni Luisa ang maririnig.

‘’Hello? Hello?’’wika ni Luisa ng biglang patayin ni Rona ang kanyang cellphone.

‘’Shit ano ka ba Roberto bat asawa mo nakasagot.’’wika ni Rona na kinabahan ng boses ni Luisa ang narinig sa kabilang linya.

‘’Sino kaya un? Hay ewan.’’wika ni Luisa sabay lapag ng phone ng asawa sa lamesa sa tabi ng kama at naghanda upang matulog katabi si Roberto habang iniisip ang mangyayari kinabukasan kung saan magkikita sila ng lalaking lihim na iniibig nito.

Kinabukasan ay makikita si Rona sa may labas ng hardin sabay tingin sa bahay ng kapitbahay nitong si Luisa.Pinagmasdan niyang makaalis si Roberto at ng makitang umalis na sa bahay ang lalake ay agad niyang tatawagan ang kumpare nito.

‘’Oh ano bakit?’’tanong ni Roberto kay Rona ng tawagan siya nito.

‘’Asan na ang sinabi mong sustento halos wala na kming makain dito, si Henry sa susunod na linggo pa ang sweldo.’’wika ni Rona sa asawa ng kanyang bestfreind na si Luisa kung saan siya ang ama sa tatlong anak na pinapaangkin niya sa kanyang asawa.

‘’Oh sige sige ibbgay ko sayo mamaya ipadala ko sa Palawan basta ung resibo I tapon mo agad.’’wika ni Roberto sa mapapangiting si Rona na mapapatingin kay Luisa na nakabihis at naghahanda.

‘’Napakaswerte mo Luisa at may asawa kang may kaya kung nagkapalit lang sana tayo ng asawa.’’wika ni Rona na malaki ang inggit sa natatamong karangyaan ng matalik na kaibgan niya.

Itutuloy..

GamitanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon