Chapter 8

6.8K 49 0
                                    

Makikita ang lasing na si Roberto na pasuray suray duguan ang bibig na kinakalampag ang gate ng bahay nilang mag asawa ni Luisa.Agad siyang pipigilan ni Rona, ang kumara at kabit nito upang umuwi sa bahay na inuupahan nila ni Roberto ng biglang lumabas si Luisa sabay hampas ng walis sa dalawa.

‘’Hindi niyo ba talaga ako titiglan ha!lumayas kayo dito mga hayup kayo!’’sigaw ni Luisa ng biglang sanggain ni Rona sabay tulak sa kanya.

‘’Kung makapag salita ka kala mo kung sino kang malinis eh mas daig mo pa pala ang puta!ano nasarapan ka ba sa tit eng asawa ko kaya dun ka nagpagawa ng bata ha!Hoy Roberto eto ba ang gusto mong balikan? Isang nagmamalinis na kaladkarin!’’wika ni Rona na ikagagalit ni Luisa at kahit maselan ang pagbubuntis nito ay buong lakas niyang hinablot ang buhok ng dating bestfriend sabay dagan sa katawan sa katawan ni Rona.

‘’Oo kinalantari ko ang asawa mo!pero hindi pra pagtaksilan ang asawa ko kungdi para bigyan siya ng anak!ako nagmamalinis ha!tang ina mo!kumpara sa ating dalawa hindi ako inggitera at manggagamit na nagpaanak sa asawa ng may asawa para lang makahuthot ng pera!’’sigaw ni Luisa habang pinagsasampal ang mukha ng kaibigang si Rona.

‘’Kapal ng mukha mo hindi ako inggitera!ikaw ang inggitera kasi sa kagustuhan mong magkaanak pati asawa ko kinantot mong bruha ka!’’sigaw ni Rona habang nasa ibabaw nito si Luisa.

‘’Eh anong tawag sayo santa!tatlo sa apat ng mga anak mo galing sa asawa ko at d ka man lang nahiya kay Henry na siya ang bumuhay at nagpakain sa kanila!’’sigaw naman ni Luisa habang si Roberto ay nanghihinang tatayo upang hawakan ang asawa.

‘’So pake mo eh sa tanga ka eh!mas masarap ako sa kama at mas malusog ang matres ko sayong bruha ka!’’sigaw ni Rona sabay sipa sa sinapupunan ni Luisa dahilan upang mamilipit sa skit ito at agad matutumba.

‘’Luisa!jusko!TANG INA MO RONA!’’sigaw ni Roberto ng makitang namimilipit sa skit si Luisa.

‘’Jusko Luisa!’’wika ni Henry ng nooy krarating pa lang at nakitang nasaktan si Luisa.

‘’Dadalhin kita sa ospital!’’wika ni Roberto na agad binuhat ang asawa.

‘’Ako na magdadala gago ka talaga Roberto! Pag may nangyari sa anak namin malilintikan ka talaga sakin1’’wika ni Henry ng tangkang kunin nito si Luisa sa mga kamay ng asawa nitong si Roberto.

‘’Asawa ko siya kaya wag kang makialam dito!Taxi!Taxi!’’sigaw ni Roberto habang si Rona ay pinapanuod ang asawa at ang ama ng tatlong anak niya na nagkandarapa para saklolohan si Luisa.

‘’Tang ina mo Luisa sana makunan ka!’’sigaw ni Rona na agad titingnan ni Henry at Roberto sa mga mata.

‘’Pag may nangyari sa asawa ko Rona hindi ko alam kung ano ang pwede kong magawa sayong hayup ka!’’wika ni Roberto na agd sumakay ng taxi habang maiiwan si Rona na d makapaniwala sa pagkampi ng dalawang lalaking minahal nito sa kaibigang si Luisa.

‘’Ikaw!ano dun ka rink ay Luisa? Magsama kayo mga letche!’’sigaw ni Rona na tatayo at tatalikuran si Henry ng bigla siyang hawakan ng mahigpit sa braso.

‘’Ang pagtataksil mo pinasenciahan ko pero kung may mangyari sa mag ina ko Rona patawarin ako ng Diyos mapapatay talga kita!’’wika ni Henry na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa asawa.

‘’Henry!ina ako ng anak mo!asawa mo ako’’wika ni Rona na nakaramdam ng takot ng unang Makita nitong magalit ang asawa.

‘’Ina rin ng magiging anak ko si Luisa at kapag na file ko na ang annulment ntin ay pakakasalan ko siya kaya kapag may nangyari sa kanila ng anak ko magtago k na!;’’wika ni Henry sabay bitaw sa braso ni Rona at talikod upang umuwi sa bahay niya.

Nanginginig sa takot at galit si Rona habang iniisip ang malaking pagsira ng mga plano nito para sa kanya at mga anak niya.Ang dalawang lalaking inaasahan niyang magiging kakampi nito ay nasa panig na ni Luisa at siya ang lumalabas na masama.

‘’Hayup ka talaga Luisa!Swapang ka!inangkin mo n ang lahat!hindi ka na nakuntento kay Roberto pati puso ng asawa ko inahas mo!’’wika ni Rona na hindi makapaniwalang sa huli si Luisa ang nagawang magtagumpay at siya naman ang talunan at luhaan.

‘’Hindi ako makakapayag na agawin mo ang lahat sa akin!makikita mong bruha ka!makikita mo Luisa’’wika ni Rona na may binabalak na masama laban sa kaibigan nitong si Luisa.

Samantala agad na nilapatan ng lunas ng mga doctor si Luisa at sa awa ng diyos ay nagawa nilang maligtas sa kapahamakan ang bata at si Luisa.Sa recovery room isang naluluhang Luisa ang makikitang makikipag usap sa taksil nitong asawa na si Roberto.

‘’Ilang taon Roberto! Ilng taon mo akong niloko, nagkaanak kayo ng bestfriend ko d lang isa tatlo pa!ngaun itong dinadala ko hindi sayo kungdi sa asawa ng kabit mo,sa kumpare nating si Henry bakit gusto mo pang makipagbalikan sakin ha!nakakatawa ang buhay nating apat, katawa katawa!nag gagamitan lang tayo,ikaw ginagamit ni Rona para sa pera at ako naman ginagamit si Henry para magkaanak.Nakakaloka!nakakabaliw!’’wika ni Luisa kay Roberto na sinisisi ang sarili bakit nagkanda leche leche ang buhay nilang mag asawa.

‘’Luisa patawarin mo ako!kasalanan ko to!pwede naman tayong magsimulang muli dba?lumayo tayo dito!please Luisa mahal na mahal kita.’’pagsusumamo ni Roberto sa asawang si Luisa

‘’Lumayo? At ano kalimutan ang lahat ng ito? Ang responsibilidad mo sa mga anak niyo ni Rona? Sa tingin mo ganun kadali iyon?’’wika ni Luisa ng biglang dumating si Henry na lubos ang pag aaalala sa kanya at sa batang dinadala niya.

‘’Hihiwalayan ko na si Rona,pwede na kayong magsama Roberto ng asawa ko....pinapalaya ko na siya!’’wika ni Henry kay Roberto na tila d gusto ang sinasabi ng dating kaibigan niya.

‘’At ano para pakaslan mo si Luisa? Hindi ako makakapayag!mahal ko si Luisa at d ko pakakasalan si Rona!’’wika ni Roberto na natouch din ang pride sa sinabi ni Henry sa kanya.

‘’Ang sakim mo Roberto,gusto mo lahat sayo!n hindi mo man lang ako nirespeto!’’wika n Henry kay Roberto.

‘’Ako nirespeto mo b ako? Eh tinira mo rin ang asawa ko diba?’’wika ni Roberto sa d makapag pigil na si Henry na agad susuntukin siya sa mukha habang si Luisa naman ay d makapaniwalang nagawa pang mag away ng dalawang lalake sa loob ng ospital kung saan siya dinala.

‘’Tang ina nakakastress kayo!guard! guard palayasin niyo ang mga sira ulong ito!’’sigaw ni Luisa na sobrang asar sa eskandalong ginawa ni Roberto at Henry habang si Rona naman ay lihim na nakatingin at naghihintay ng pagkakataong makaganti sa kaibigan niya.

Itutuloy........

GamitanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon