Sa pagbubuntis ni Luisa ay lubos itong kinabahala ni Rona lalo nat ito ang una nilang anak ng asawa nitong si Roberto.Pakiramdam ni Rona na masisira ang plano nitong tuluyang maagaw si Roberto kay Luisa na kaibigan niya.Mawawala ang lahat ng kaginhawaang natatamasa nito at muling babalik bilang isang losyang may bahay sa asawang si Henry.
‘’Kailangang mawala ang batang yan,bwisit ka talaga Luisa panira ka sa mga plano ko.Nagawa mo pang magbuntis ngaung may plano na kaming magsama ni Roberto.’’wika ni Rona sa sarili na dismayado sa pagbubuntis ng asawa ni Roberto na si Luisa.
Makikita naman si Henry na nakasilip sa mag asawang Roberto at Luisa,deep inside nakaramdam ng excitement at tuwa dahil nagbunga ang kasalanang ginawa nila ni Luisa.
‘’Masaya ka na ba Luisa?natupad na ang pngarap mong maging ina.Babalikan mo kaya si Roberto,sana hindi kasi nahuhulog na ang loob ko sayo.’’wika ni Henry na malungkot na nakatingin sa mag asawa na agad napansin ni Rona.
‘’Parang apektado ka sa pagbabalikan nila,sabihin mo nga sa akin Henry may gusto ka ba kay Luisa?’’tanong ni Rona sa tila maiinis na si Henry.
‘’Bukod sa pagiging malandi at Makati hindi ko alam na malisyosa ka rin pala.’’wika ni Henry na agad tatalikuran ang nakangising demonyo na si Rona.
‘’Hinding hindi ako babalik sayo Henry,ayoko ng bumalik sa pagiging mahirap.Patawad nalang Henry kailangan ng mga anak mo ng mas magandang buhay.Kailangan kong ipa angkin kay Roberto ang tatlo nating mga anak para sa magandang kinabukasan na d nila matatamo sayo.’’wika ni Rona sa sarili habang tinitingnan ang papaalis na asawa.
Tiningnan niya ng masama ang mag asawa na nooy seryosong nag uusap sa kalagayan ng pagbubuntis ni Luisa.
‘’Mahal ko magkakaank na tayo,kailangan may mag aalaga sa kalagayan mo lalo na ngaun na delikado ang pagbubuntis mo.’’’’wika ni Roberto sa asawang sarado na ang puso sa kanya.
‘’Hindi ko kailangan ng isang tulad mo na taksil sa buhay ko Roberto,kaya ko ang sarili ko.Kaya kong buhayin ang anak ko,umalis ka na pwede lalong sumasama ang pakiramdam ko kaka tingin sayo.’’wika ni Luisa na agad marinig ni Rona at nakaisip ng paraan para makunan ang kaibgan niya.
‘’Roberto my dear hayaan mo na si Luisa mukhang kaya naman niya ang sarili niya.’’pang aasar ni Rona sabay ligkis ng mga kamay nito sa asawa ng kaibigan niya.
‘’Rona leave us alone usapan namin itong mag asawa.’’wika ni Roberto sa tila napahiyang si Rona.
‘’No u both leave me alone,isama mo na yang asawa ko Rona hindi ko siya kailangan sa buhay ko magsama kayong dalawa.’’wika ni Luisa sabay talikod ng kanyang kama.
Walang magawa si Roberto kungdi sundin ang gusto ng asawang si Luisa.Lalabas ito ng recovery room kasunod si Rona na bigla niyang haharapin sabay hawak sa braso niya.
‘’Huwag kang umasta na parang ikaw pa ang asawa Rona,u don’t have any right to hurt my wife remember that.’’wika ni Roberto sa tila nasasaktan na si Rona.
‘’Nasaktan mo na siya Roberto at ang sugat kahit maghilom mag iiwan ng lamat.’’wika ni Rona kay Roberto na mapapailing at tuloy tuloy na maglalakad para umuwi sa bahay nito.
Dahil sa nangyaring insidente kay Junior at napag usapan nila Rona at Roberto na kunin ang tatlong anak kay Henry.Tanging ang panganay na lamang ang naiwan na nagkimkim ng galit sa kaniyang ina na si Rona.
‘’Alagaan mo ang mga bata wag puros landi ang intindihin mo Rona.’’wika ni Henry habang iniimpake ng asawa ang mga gamit ng tatlong anak nila.
‘’’Talagang aalagaan ko eh mga anak ko yan eh d tulad mo nawala lang ako naospital agad si Junior ko.’’wika ni Rona sa tila nainis na si Henry na agd lalabas ng kwarto ng Makita ang tatlong anak na naghihintay sa mga ina nito.
Nakaramdam ng awa at pangungulila si Henry na agad hahalikan ang tatlong bata na iwawalay na sa kanya ng asawang si Rona.Hindi man kanya gaya ng gustong palabasin ni Rona ay malapit sa loob nito ang mga bata.
‘’Nageemote ka dyan eh d mo naman mga anak yan.’’wika ni Rona na dala dala ang mga gamit ng mga bata.
‘’Hindi ko nga sila mga anak pero pinaangkin mo skn kaya nga ako nag eemote kasi napamahal na sila at itinuring ko na mga anak ko.’’wika ni Henry sa tila dedmang asawa nito.
‘’Oh siya umalis na tayo,ikaw na bahala sa panganay natin im sure kaya mo na yang buhayin.’’wika ni Rona na d man lang hahalikan o yayakapin ang panganay nila ni Henry.
Umalis na si Rona ngunit makikita si Henry na papasok sa kwarto nilang mag asawa na lumuluha.Masakit para sa kanya na d na muling maririnig ang mga iyak at tawa ng tatlong anak ni Luisa.Nasa kalagitnaan sya ng kalungkutan ng Makita si Luisa sa sala na tila kadarating lamang sa ospital na ikagugulat niya.
‘’Dito niyo na lang ilagay yan salamat’’wika ni Luisa na agad lumabas ng ospital dahil ayaw niyang muling bisitahin ng kanyang asawa.
Nag aalala kng bakit lumabas agad sa ospital si Luisa ay aakyat sa kabilang bakod si Henry upang kamustahin ang kapitbahay at asawa ng kumpare niya.
‘’Anong ginagawa mo?bakit ka lumabas agad?’’tanong ni Henry na agad inalalayan si Luisa upang umupo sa sala.
‘’Im ok ayoko lang Makita si Roberto na bibisitahin ako dun,atleast dito pwede kong ilock ang gate para d siya makapasok sa loob.’’wika ni Luisa kay Henry ang ama ng dinadala niya.
‘’Pero baka mapano ka eh,hay sige ganito na lang kung may kailangan ka tawagan mo ako.Ayokong may mangyaring masama sa inyo ng anak ko.’’wika ni Henry na ikinabibigla ni Luisa.
‘’Nagulat ako sa sinabi mo,I feel guilty now Henry.Nagtaksil nga sila Roberto at Rona pero ganun din naman tayo diba?’’wika ni Luisa kay Henry na nooy napaisip rin sa sinabi asawa ng kumpare niya.
‘’Oo pero sila matagal na nilang ginagawa tayo, tayo ang purpose lang naman ay ang magkaanak ka dba?Luisa wala na kayo ni Roberto ,wala na kami ni Rona.Buntis ka at ako ang ama,hindi ba pwedeng tayo nalag dalawa.’’wika ni Henry sa tila nagulat na si Luisa habang si Henry ay desido ng gwng seryoso na ang relasyon nila.
Itutuloy..